Hana's POV:
Wala na kaming magawa kundi pumasok sa Forest, dahil uulan na din..
Makakapal ang mga Dahon ng Puno nang Forest, sapat na ito upang magsisilbing Lilim
Dahan-dahan kaming pumasok sa Forest, madaming tuyong dahon sa Lupa, kaya di maiwasan na makalikha kami ng tunog..
Di ko alam, pero Sobrang Tahimik ng paligid...
Madamo din ang Forest, at buti nalang naka Long Pants ako at naka Long Sleeve, para di rin ako makagat ng Lamok
"Nakikita nyo ba nakikita ko?!"
Napatalon ako sa Gulat sa sigaw ni Belle, na nakatitig sa malayo..
Malayo na rin ang nalakbay namin sa forest.
Tumingin kami sa Tinititigan ni Belle, at Nagulat ako sa aking Nakita...
"Ano yan?!"
Walang Sumagot sa tanong ni Jack... Dahil pati ako Gulat na Gulat sa aking nakita, Di ko alam na may ganito pala sa Gitna ng Forest..
Isang Lumang parang Hideout, na Bitak-bitak din ang Mga Pader at mga damo na umaakyat sa pader... Parang Abandonado din ito..
Kakaiba pakiramdam ko dito.. Lalo na't nakakatakot tignan ito..
Parang di ko kayang titigan ng Matagal ang Bahay na iyon..
"Baka hideout yan ng mga Terorista noon" sambit ni Jeff, na kanina pa pachill-chill lang
"Kung pasukan kaya natin?!"
Napatingin ako kay Jack, at parang nainis ako sa sinabi nya, sino bang papasok sa isang 'Haunted' house
Nanlaki mata ko nang Nakita kong lumapit si Jack sa Pinto at Binuksan ito..
Sa Labas palang ng Bahay nakakatakot na, Tapos papasukan pa ito..
Bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa kamay ko, at di ko maiwasang mapatingin sa kung sinong Humawak, si Belle na takot na takot parin...
"Okay ka lang ba Belle?" Tanong ko sakanya...
"Y-yes, nabigla lang ako sa aking nakita.." Aniya
Kahit sino naman mabibigla sa Aming nasaksihan... Wala namang mag Gustong manirahan sa Gitna ng gubat..
Pero may point naman si Jeff, baka nga bahay ito ng mga Terorista noon..
Di ko namalayang Kaming dalawa nalang ang natitira sa labas, dahil nakapasok ang tatlong kulang sa Aruga, pft.
Tumingin ako jay Belle muli, at tumingin din siya saakin, ngumisi ito sakin at alam ko na kung ano ang gustong ipahiwatig ng ngisi nya... Ang Pumasok din kami
Dahan-dahan kami naglakad papasok habang naka hawak kamay parin sa isa't isa, hanggang sa nakarating na kami sa pinto, pumasok kami at Sumalubong saamin ang Mga Sapot at alikabok, buti nalang may dala akong Face mask, dahil meron akong mild Asthma..
Nakaramdam din ako ng kilabot sa pagpasok namin, kaya nagsisimula rin kumakabog ang dibdib ko...
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong kakaiba, Medyo maliit ang bahay...
Nakakita ako ng isang Cabinet sa gilid, meron ding kama sa Gitna ng Bahay jaya nakakapagtataka, pwede naman sa Gilid...
Lumang-luma na ang Kama, kinain na din ito ng Alikabok, kaya wala kaming balak na umupo doon..
Sinulyapan ko muna mga Kaibigan ko bago Lumapit sa Cabinet, Umiikot-ikot lang sila sa Bandang Gilid at para bang naka focus sila sa ginagawa nila, Ang Tahimik din namin sa loob ng Bahay...
BINABASA MO ANG
Into The Dark Forest
Mystery / ThrillerThis Story is about 5 Teens, That are exploring inside the Dark Forest, and Solving Mysteries, they just wanna camp, but worst nightmare has happened to the 5 Teens