Simula

13 0 0
                                    


Huni ng mga ibon ang gumigising sa akin tuwing umaga.

Mula sa bubog na bintana ay sumisilip ang araw  na dumadapo sa aking mukha. Isinangga ko ang aking palad upang maka mulat ako ng maayos. Nag ayos na ako ng sarili bago bumaba sa kusina upang mag almusal.

"Magandang Umaga Isabella." nakangiting wika ni Dalia, isa sa mga kasambahay rito sa Casa Real na kasing edad ko lamang.

"Magandang Umaga din." tugon ko nang may ngiti sa mga labi.

"Inihanda ni Manang Lucia ang pagkain mo bago siya nagtungo sa palengke." wika nito habang ako ay naupo sa hapag.

Nakahanda ang bread and butter na aking paborito at orange juice doon.

Taimtim akong pinagmamasdan ni Dalia sa aking pagkain kaya medyo hindi ako naging komportable.

"Anong problema Dalia?" mahinahon kong wika at inilapag muna sandali ang aking kinakain upang makausap ng maayos ang kasambahay.

"Ah kase po sabi ni Manang Lucia ay magbabakasyon daw po dito ang anak ng Don Benedicto." kumunot ang noo ko sa nalaman. Bakit hindi nakarating sa akin ang balitang ito?

"Bakit hindi ko ito alam Dalia?" tanong ko.

"Si Senyor Alejandro daw po ang nag sabi kay Manang Lucia noong nakaraan."

Sa pagkakaalam ko ay matalik na magkaibigan si Don Benedicto at si Lolo ngunit ni minsan ay hindi ko pa ito nakita dahil bihira naman akong umalis dito sa Casa Real. Madalas lamang na iikwento ito ni Lolo. Ang nasabing Don ay nagmamay ari ng malawak na sakahan sa kabilang probinsya. Kilala ito dito sa aming bayan dahil pati dito ay namimili ito ng mga lupa at mga sakahan.

"Nasan si Lolo ngayon?" tanong ko kay Dalia.

"Nasa planta po."

Tumango na lamang ako at muling nagtungo na sa aking silid.

Naligo ako at nagbihis ng isang puting sunday dress. Balak kong pumunta sa bayan upang tumingin ng bulaklak. Nakahiligan ko na iyon noon pa man dahil sa hilig din iyon ng aking Lola. At balak ko din itong dalawin ngayon dahil medyo matagal na noong huli ko siyang napuntahan.

Nangmakababa ako sa sala ay tinawagan ko Arcelo upang samahan ako sa bayan. Naging mabilis lamang ang aming byahe dahil hindi traffic sa highway.

Napakaganda talaga dito sa Real. Ang mga kalikasan ay buhay na buhay. Napapaligiran ng matatas na punong kahoy ang daan at puri luntian ang makikita sa paligid, sariwa din ang hangin na malalanghap. Eto ang dahilan kung bakit ayaw kong lisanin ang bayang eto kahit pa sabi ni Lolo na sa Maynila daw ako magkokolehiyo.

"Magandang Araw Nanay Mercy." bati ko sa matanda na lagi kong binibilihan ng mga bulaklak.

"Magandang araw din Isabella, naku mabuti at napasyal ka bagong dating lamang iyang mga bulaklak ko galing taniman." ngiti nito at iginiya ako sa loob ng kaniyang shop.

Nahagip ko ang mga puting rosas. Naalala ko si Lola. Paborito niya ito. Palagi niyang sinasabi sa akin noon na mas maganda ito kaysa sa pula dahil simple lamang itong tingnan ngunit maganda.

"Kukuhain ko po lahat ito." turo ko sa puting rosas.

"Para kay Senyora Loreta ba? Naku noong araw ay ito palagi ang hanap niya sa akin. Dadalaw ka ba sa kaniya?" wika ni Nanay Mercy.

Tumango na lamang ako at ngumiti bilang tugon. Inintay ko sandali ang paggagayak sa bulaklak bago nilisan ang tindahan.

Ang mga tao sa bayan ay nakamasid sa akin. Palaging ganoon ang nangyayare tuwing nagagawi ako rito. Hindi ko alam kung bakit ganoon sila makatingin kaya nagkibit balikat nalang ako.

Lost in the WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon