Nakaraan ang mga araw na hindi ko nakikita ang lalaki sa masyon. Mas mabuti na din iyon at walang manggugulo ng aking sistema. Hindi ako panatag sa lalaking iyon masyadong kakaiba sa akin ang ganoong pakiramdam.
"Isabella naku talaga maraming nabibihag ngayong kadalagahan diyan sa may labasan itong anak ni Don." histerya ni Dalia. Napairap na lamang ako dahil doon. Walang duda, kaya ata iyon nag babakasyon dito upang mang babae lamang.
"Hayaan mo siya Dalia buhay niya iyon." mataman kong wika habang nagsasampay kami ng mga nilabhan sa may likuran.
"Sayang ang kagandahan nitong lalaki kung ganoon naman ang asta." iling iling na wika ni Dalia.
"Sabi pa ay pinopormahan nito si Alicia iyong maarteng anak ng mayor." pagpapatuloy pa nito.
Bakit ba namin pinag uusapan ang lalaking iyon? Nagdadala lang iyon ng gulo sa aking isip kaya mas mabuti pa ay ipag walang bahala ito.
Natapos na kami sa aming ginagawa kaya bumalik na kami sa kusina. Ipinag gawa ako ni Dalia ng meryenda at sabay kaming namahinga at kumain sa hapag.
"Nga pala nag parito kanina si Augutus inaaya tayo sa talon dahil birthday daw ng nobya nito." wika ni Dalia.
Isa si Augustus sa kababata ko na kakauwi lamang din dito sa Real galing Maynila dahil doon nag aaral siguro ay isinama nito ang kaniyang nobya rito para makapasyal.
"Kailan daw?" kuryoso kong tanong. Matagal ko nang hindi nakikita si Augustus kaya pagkakataon na ito para makapagkwentuhan manlang kami kahit saglit lang.
"Bukas daw eh dadaanan daw tayo dito para sabay sabay nang makarating doon."
Tumango na lamang ako bilang tugon at tinapos na ang aking pag kain.
Naisipan kong magpunta sa labas at mangabayo. Tamang tama at maganda ang panahon ngayon. Katamtaman lamang ang init at hindi masakit sa balat ito.
Nagpunta ako sa kwadra upang tingnan kung sino ang naroroong kabayo na pwede kong magamit.
Laking gulat ko ng mapagtantong hindi lamang ako ang naroroon kundi naroon din ang lalaking anak ng Don. Bumabagay dito ang puting button down long sleeve na itinupi hanggang siko at bukas ang unang tatlong butones nito na penarehahan ng maong na pantaloon at brown na boots. Hindi maipag kakailang napakagandang tingnan.
Ano ba Isabella! Kinalma ko ang aking sarili .
Tagos ang kaniyang mga titig kagaya ng ginawa niya noong una kaming magkita sa veranda. Nanindig ang aking mga balahibo at binalot ng kaba. Ano bang mayroon sa lalaking ito at palagi na lang akong kinakabahan kapag kaharap ko ito.
Binalewala ko na lamang ito at nagkunwaring hindi nakita. Derecho lamang ako sa paglalakad hanggang marating ko ang kulungan ng kabayo na maari kong gamitin.
Ramdam na ramdam mko rin ang paninitig ng lalaki pero hindi ako nagpatinag at nagpatuloy sa ginagawa.
Masyadong malaki ang kabayo kumpara sa kay Sky na palagi kong ginagamit. Natigil ako sandali at nag isip kung paano makakasampa sa kabayo.
"Need help?" nanigas ako sa aking kinatatayuan nang magsalita ang lalaki. Wtf! Bakit kailangan pang umeksena ng lalaking ito?
Nilingon ko ito ngunit mas lalo akong nagulat ng iisang dangkal lamang ang espasyo naming dalawa. Hindi ako makaatras dahil ang kabayo ay nasa aking likuran. Nagwawala ang aking dibdib sa sobrang kaba na para bang nasa loob nito ang mga naghahabulang kabayo.
Nanunuot sa aking kalamnan ang kaniyang paninitig at para bang wala itong balak na gumalaw para lumayo manlang ng kaunti sa akin.
"T-teka nga!" matigas kong wika. Hindi niya dapat makita na kinakabahan ako kapag siya ang aking kaharap.