Club
Maaga akong nagising nang nagsend ng text si Mandy sa aking uuwi siya this week. At talagang feel na feel nang babaeng ‘yon kapag nang-iistorbo ng magandang tulog, e. I prepare to open my clinic today huling linggo na nang September at magiging abala na ang lahat sa napapalpit na kapaskuhan.
“Meridith pakihanda nang charts ng susunod na patient please.”
“Yes doc.”
Sa dami nang pasyente ko ngayon ay nakalimutan ko nang mag-lunch, tatlo an nag-undergo sa chemo therapy ngayon at mamayang alas tres ay may bone marrow test pa akong gagawin sa ospital nila Ralia. Doon ko ginagawa ang mga tests kong ganoon, maliban sa chemo na dito ko lang pini-perform sa aking clinic. Kinuha ko ang aking phone at tiningnan kung may text doon. Hindi nga ako nagkamali.
Ralia
Mans is here and she’s pestering me in my clinic pero in fairness si Yurki ang sumundo sa kaniya. Girl! Feeling ko talaga mabibingwit na talaga nitong kaibigan natin si hapon. Feeling ko may alam tayong sila lang ang may alam. Text you later baka magtaka na ‘tong loka-loka na ‘to.
Natawa naman ako sa naging text niya, kasalanan niya ‘yan dahil malapit lang ang Penthouse nang babaeng ‘yon sa clinic niya. Hinayaan kong lumipas ang oras at tinapos ang sinabing bone marrow test sa Aus Hope Hospital.
“She will wake up after thirty minutes or more, please inform me if she wake up I will pay a visit for her tomorrow. Good job to you, Young.” Siya ‘yong pasyente ko noong nakaraang buwan, hindi ako sure sa mga symptoms na mayroon siya kaya naman ang tanging option ay ang bone marrow test. Kumukuha kami nang blood sample mula sa kaniya bone marrow at kailangan niya mag-undergo sa anesthesia dahil masakit iyon. Madali ang proseso pero masakit sa bulsa ang bayarin, kaya naman minsan ay naawa ako sa mga pasyenteng walang-wala talaga.
“Maghihintay po muna tayo nang tatlong linggo bago lumabas ang result, nay. Sa ngayon ay uobserbahan pa po natin ang kalagayan nang apo ninyo, huwag po kayong mag-aalala sa halip ay manalangin na lang po tayong maging maayos ang resulta.”
“Salamat, doctora. Maraming salamat.” Halatang may edad na ang ginang kaya naman ay ngumiti ako at pormal na nagpaalam sa kaniya.
Masasabi kong maraming nangyari ngayong araw at parang kailagan ko nangpahinga pero nang makita ko ang tawag ni Ralia ay kaagad kong sinagot iyon.
“Oh, anong balita?”
“Magbihis kana diyan at dalhin mo ang jowa mo dahil may rebulosyon na mangyayari ngayong gabi! Girl, galit na galit si Mans nang makita niyang may kasamang babae si Yurki sa bar at hindi lang ‘yan may lumabas sa bibig niya, something really happened to the two of them!”
“OMG, this is great!” Napatili na rin ako. Sa wakas lahat nang ginawa nang kaibigan namin ay masusuklian na! Kunting kembot na lang ay sigurado na akong mahuhulog rin si Yurki sa sarili niyang patibong.”
“So magbihis kana diyan dahil may reresbakan tayo!”
Napangiti ako sa sinabi niya, I ended the call when I receive her text.
Ralia
Dress like a chick tonight, hindi ko hahayaang lampasan ng Reponte na iyon ang beauty natin ‘no. See you in Mans Penthouse in fifteen minutes, xoxo. Mwa!
Nag-paalam na ako sa mga stuffs at nag-off na kaagad. I sent a text to Exequiel telling him that I will go home first and I need him to accompany me tonight. Nang makarating ko ang aking condo ay kaagad akong nag-shower, nag-paganda at pumili nang damit sa aking closet. Sa dami nang damit naroroon sa aking closet ay ang marron na lacey dress ang napili ko, sinukat ko naman ‘yon at gandang-danda ako sa sarili ko. Bagay na bagay sa akin! Kinuha ko naman sa aking drawer ang bagong labas na lipstick nila Mans, I apply it to my lips and I brush my hair. Hinayaan kong nakalugay iyon nang may kumatok sa aking pinto.
BINABASA MO ANG
Where Love Begins
Ficción GeneralPART 2 OF 3 Catherine Eresia Hemenez is a hematologist, she does not have a stable love life. She used to change her flavor towards men. For her, love is just a game. There's no pristine path for love nor clarity, it's all complicated. Not until sh...