"Top 1: Walton Grey"
I don't know why my blood started to heat up seeing his name on top of the list. Palagi nalang siyang nasa itaas. Grr, I hate him!
I saw him celebrating like a really really weird guy in the corner of the room. He's smiling to the core of his braces. His messy hair made me even disgust him more. His lousy outfit, like polo shirt na malaki at pants na malaki, tack-in? And above all, I hate his circular glasses. Ugh, I hate everything about him.
I continued scanning the list. Napabuntong-hininga ako when I saw my name.
"Top 38: Kira Ortega"
Napangiti ako ng sobrang laki at napahawak sa dibdib ko. Sa wakas, hindi ako ang pinakabobo sa lahat ngayong grading period.
"Himala naman yata,na naging Top 38 ka ngayon, Kira. Akala talaga namin ikaw na ang pinakabobo sa lahat-" hindi ko na pinatapos si John sa pagsasalita at bigla ko siyang binatukan.
"Mag-ingat ka sa sinasabi mo, John. Baka matapos ang taon, mas mataas pa ang top ko sa'yo. Epal ka talaga kahit kailan!"
Agad akong nag-walk out kahit nasa labas naman kami.
Sobrang saya ko dahil naging Top 38 ako sa 40 4th year graduating students ngayong taon tapos sisirain niya lang!
Grr, gusto ko siyang sabunutan hanggang sa magkalagas-lagas ang kulot niyang buhok.
I headed to the room at pinagpipyestahan na naman si Walton ng mga kalalakihan at mga kababaihan na nagtatanong sa kaniya kung paano ang ganito't ganyan.
Sarap talagang bigwasan minsan.
Masama ko siyang tinignan hanggang sa nanliit ang aking mga mata hanggang sa magtama ang mata namin. I rolled my eyes at him at agad naman siyang umiwas. I can't even stand looking at him for minutes.
Napaidlip ako until someone's figure appeared in front of me.
"Look who's here, classmates!" She shouted, getting the attention of our classmates. "Our beloved Kira is not the most stupid and the most dumbfounded student naman pala sa buong fourth year," sabi niya kaya nagsitawanan naman ang lahat. "Let's congratulate her guys!"
"Congrats, Kira!" They said in chorus.
I really don't have much time to argue with Mia kasi ganyan talaga siya. Attention seeker na kinulang sa aruga na walang magawa kundi humanap ng kamalian ng iba. A bitch, indeed.
Sinamaan ko lang siya ng tingin hanggang sa umalis siya sa harapan kasama ang mga clown niyang kasama na naligaw sa Winston University.
I was known for being stupid. They labeled me as one. Ewan ko. Normal naman sa'kin na tawagin ako na kahit ano. Basta hindi lang ako sinasaktan physically, okay na sa'kin 'yon. Pero if ever na mangyari 'yon, baka sa kulungan ang aabutin ko kasi gaganti talaga ako.
"'Yan kasi! Cellphone ka nang cellphone wala ka naman ka-chat!" sigaw ni mama habang naghuhugas ng plato.
"Ma, naman! Hindi naman ka-chat ang hinahanap ko," sigaw ko pabalik sa kanya.
Nagyou-youtube kasi ako. Nagagandahan ako sa music ngayon ng Blackpink at BTS kaya naman paulit-ulit ko itong pinapakinggan.
"Balita ko top 1 niyo ngayon si Walton parin," pagsimula ni mama ng makalapit siya sa'kin sa living area. "Gayahin mo kasi siya! Siya puro aral. Ikaw naman puro cellphone!"
Sinamaan ko si mama ng tingin.
"Ma, wala ka naman makukuha kung palagi kang nag-aaral. Dapat may free time din para magpahinga ka," kampante kong sagot sa kaniya.
YOU ARE READING
The Boy Next Door
RomanceThe Boy Next Door is about the story of Walton Grey, the nerd guy who lives next door from Kira Ortega's house, the trouble maker. Started: November 4, 2020