My parents never ever asked me to hate a man, or anyone. I just don't get it. Okay lang naman na hindi ko magustuhan ang ugali ng iba pero naririndi na talaga ako kay Walton.
Simula na magtransfer siya sa harapan ng bahay namin at pumasok din sa iisang school, sobra-sobrang paghihirap ang dinanas ko dahil sa kanya.
One week has passed. At sobrang depressed ako dahil wala pa akong maisip kung paano ko aalisin si Walton at ang pangalan niya sa Winston U, at sa buhay ko.
Minsan naisip ko na baka pwedeng katayin ko nalang siya ng buhay. O di kaya naman harangan siya sa daan at barilin kaso wala naman akong baril. Ipapakidnap ko sana siya pero wala naman akong pera.
"Palagi ka nalang lutang," sabi ni Chelsey na inggetera, palibhasa iniwan ng boyfriend niya.
I rolled my eyes. "My god, Chelsey. Magkakilala tayo ilang taon na, may bago pa ba?" Tanong ko.
Sobrang obvious naman kasi. Palagi naman akong lutang, at hindi naman ako nagcocomplain. Inggitera talaga.
"So, ano na?" Tanong niya habang kumakain ng spaghetti.
Nandito kami ngayon sa canteen. Malamang nag-recess din. Nakakapagod kaya mag-aral, duh.
"Anong ano na?" Tanong ko pabalik.
She just shook her head. "Tungkol kay Walton."
"Ano nga ang tungkol sa kanya?" Medyo galit na pagkasabi ko. Hindi pa kasi matapos-tapos ang sinasabi. Kain lang nang kain ng spaghetti. Mukhang patay-gutom.
Nilagay niya ang hawak niyang tinidor sa plato niya.
"Nakaisip kana ba ng plano mo?" Mahinang bulong niya at saka tumingin-tingin sa paligid. OA talaga kahit kailan. Kung makaasta parang sobrang private lang ng pinag-uusapan namin, eh halos wala naman tao dito sa canteen. Nag-skip classes kasi kami kaya advance recess na rin.
"Wala pa. 'Yon pa ang iniisip ko," napakamot ako sa ulo ko.
"Sunugin mo kaya ang bahay niya," suhestiyon ni Chelsey.
"Gaga ka talaga! Alam mo bang mahirap pasukin bahay nila, ha? May mga CCTV na nakapalibot sa labas ng kanilang bahay. Baka katok ko palang, i-report na agad ako sa pulisya. Stupida ka rin, eh."
"Yung locker niya, sunugin mo nalang ang mga notes niya, mga libro-"
"Ano naman makukuha ko diyan? Oras-oras nga siyang bumibili sa 7/11 dahil marami siyang pera. Bibili lang yan ng bagong libro o baka naman na-memorize niya na ang lahat ng laman ng libro pati date, author at page number. Wala kang isip, eh!"
Nag-pout lang ang gaga. Minsan talaga hindi ko rin siya maintindihan. Sarap tuloy buhusan ng sabaw ng noodles na hinihigop ko.
"You're right. Baka mapano ka pa..."
"Kasi nag-iisip ako, Chelsey-"
"Hiyang-hiya naman ako na may isip ka pala."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Kung ako kasi top 38, si Chelsey naman top 36. Hindi rin malayo ang pagkabobo niya sa'kin. Nagkakasundo kami minsan at nagkakaintindihan kahit wala naman kaming maintindihan sa lesson. Sigurado naman ako na magaling siyang mangopya kaya na-maintain niya ang spot niya. Akala niya maloloko niya ako, eh.
"Alam mo ang gwapo naman ni Walton kung magbihis ng maayos, eh," parang nagtama naman ang mga kilay ko sa sinabi niya. Nakakadiri talaga.
"Kanina lang iiyak-iyak ka dahil iniwan ka ni Francis kahit sabi mo noon, hindi mo kayang mabuhay na wala siya. Oh, bakit nandito ka pa?"
YOU ARE READING
The Boy Next Door
RomanceThe Boy Next Door is about the story of Walton Grey, the nerd guy who lives next door from Kira Ortega's house, the trouble maker. Started: November 4, 2020