chapter 1

9 0 0
                                    

Elizabeth's pov

"Hoy Hela gising" tawag ko sa kanya habang bumubulong, sinusundot ko pa ang tagiliran nya pero d parin nagigising tong kumag na to, parati nalang natutulog.
"Hoy Hela, pag d ka gumusing jan kukutusan kita" gumalaw siya pero potek d man lang dinilat ang mata, nag palit lang ng posisyon, aba e matindi to.
"Potek Hela Thalia Alessia Savarez pag hindi ka bumangon jan tatadyakan kita hangang masira yang mukha mo" sabi ko habang nagigigil na.

"Alam mo ba ang salitang respeto?" biglang sabi nya na parang ako pa ang may kasalanan ngayon.
"oo alam ko yun, ikaw alam mo ba?"
"malamang" sabi nya tapos babalik na sana ulit sa tulog ng biglang sumigaw si ma'am
"Miss Savarez, kung ayaw mo makinig sa klase ko at tutulog ka nalang jan mas mabuti pang lumabas kanalang!!" galit na sabi nya. Naku patay kang bata ka, yan kase ayaw ma kinig, may pa respeto pa siyang nalalaman siya naman to'ng walang respeto.
"buti nga sayo" parinig ko sakanya. Ayon alam mo yung sagot niya? isang masamang masamang tingin na kung pwede lng pumatay sa tingin e pinaglalamayan na ako ngayon. Tse, guidance ka mamaya HAHAHAHA goodluck sayo

Nang tumingin ako sa harap na sana ay hindi ko ginagawa kase parang sinalubong ko ang isang delubyong paparating, ay hindi actually marami sila kaya dapat delubyos yon. Nag smile ako sa kanila na nauwi sa ngiwi nag peace sign pa ako hehe


Nang uwian na eto na nasa harap ko na ang delubyo huhu kunin mo na ako satanas ay joke wag muna masama yon hehe. Dito kami sa waiting area hinihintay si Hela ang pahamak sa buhay ko sa araw ngayon hmp

Gabayan nyo po ako sana wag po akong pagalit-

"ano ba talaga ang nangyari ha elizabeth?" potek nagulat pa ako sa tanong nya ha, bigla bigla lang kasi nagsasalita, bulate ba to si Lei?

"ewan ko,  wala akong alam jan  no" maang maangan ko kahit alam ko namang d sila maniniwala, syempre baka makalusot pa hehe

"maang maangan ka pa, ano kami tanga?" medyo galit na sabi ni Mara, 'Oo tanga kayo kasi ako sinisisi nyo e ako na nga ang tumutlong, tse mga panget kayo!!' syempre d natin sasabihin yan baka maaga kong makikita kabaong ko e hehe

"oh ayan na pala si Hela, tara uwi na tayo" sabi ni Nash, luh excited naman masyado to

"maglakad nalang tayo para masaya" nakangiting sabi ko naka puppy eyes pa

"bobo d ka namin kasabay umuwi" ay oo nga pala magkaiba kami ng direction pauwi, lumipat kaya kami ng bahay para kasabay ko na sila umuwi? pwede pwede

"wag mo na balakin na lumipat ng bahay" bored na sabi ni Hela, wow paano ya nalaman iniisip ko? may power kaya to?

"wala akong power" ay potek sabi na nga ba e, may power talaga to

"tsk tara na nga" shet may power talaga si Hela men, may power siya oh my God!!

"sige mauna na ako sa inyo ha, byeee" paalam ko sakanila pero may power talaga si Hela e huhu sana all

"sige ingat ka" "ingat elizabeth" "bye elizabeth inom ng gamot para mawala yang bulate mo sa utak" sabay sabay na sabi nila, d ko nalang pinansin, sino kaya may sabi na may bulate ako sa utak? wala nama-

'dito ako gago' ay potek na bulate yan, HALA MAY BULATE AKO SA UTAAAKKKK!!! nagtatakbo ako papunta sa pinarkingan ng sasakyan ko huhuhuhu may bulate ako sa utak. Bago ako umalis chinat ko muna si Hela

Elizabeth Liegh Aragon: hoy hela

                                               :alam kong may powers ka, share mo naman sakin oh para mawala yung                                                  bulate ko sa utak huhu

                                                               k: Hela Thalia Alessia Savarez

Aba ibang klase din to, kainis aaarrgghhh, bahala kayo sa buhay nyo. D ko sila iimbitahin sa birthday ko bawal mga panget don.

Lucky 8Where stories live. Discover now