Hela's POV
Tanga talaga yung si Elizabeth sinabi ba namang may powers ako? mukha ba akong may powers? apaka obvious naman kasi ng mukha niya, madaling basahin kung ano ang laman ng utak niya kaya ayon. Teka lang, bakit parang may sumusunod sa'min? dito kami ngayon sa isang kalye naglalakad papuntang mall kasi doon ang mga jeep, parang may sumusunod sa amin e. Patago kong pinagmasdan ang paligid, habang lumilinga nahagip ng mga mata ko ang mga grupo ng mga lalaking nagtatago sa likod ng isang lumang pader mukhang binabantayan kami. Nanaman? ngayon pa talaga e first day of school palang, hanep ang galing.
"may nag aabang sa'tin" bulong ko sa kanila kaya huminto sila ng pag tawa at pag usap. Ayaw ko sanang makipag away ngayon kaso no choice. "game" sabi ni Mara at biglang tumawa kaya napatawan na rin sina Eli at iba pa maliban sakin. "tss, tara na gusto ko na umuwi" sabi ko naman "okay lezgo" sabi ni Kish "orayt, dating gawi" sabi naman ni Lei.
Nilapitan kami ng mga lalaki o diba sabi na e kami talaga ang pakay ng mga pangit na 'to. Sinugod ng isang lalaki si Mira baka akala niya maliit si Mira kaya kayang kaya niya hahaha dyan siya nagkakamali. May sumugod na rin sa akin at biglang nagkagulo-gulo na kami. Sana naman wag pag sisihan ng mga lalaking to ang pagsugod nila samin.
Sinangga ko ang suntok na tatama sana sa mukha ko aba walang kahit na sino ang dapat makasira sa magandang mukhang to kaya sinuntok ko siya sa tiyan napa aray siya at napa atras, wew boring naman ang isang to yun panga lang napa atras na at d naka bawi, kaya sinipa ko nalang siya at boom tulog. Boring kasi kaya tinapos ko na agad tiningnan ko nalang ang mga kasama ko, wala akong balak na tulungan sila kasi alam kong malakas naman na sila, kayang kaya na nila yan.
Kiesha's POV
Pangit talaga ka bonding tong si Hela, pinatulog agad yung ka away niya tapos d man lang kami tinulungan dito, pinanood lang kami aba naman apaka angas naman ng isang to sarap kutusan. May pa ngisi ngisi pang nalalaman naiinis ako ha kaya tinuhod ko tong pangit na lalaking kaharap ko boring kasi maging ka away wala man lang kalakaslakas. Napa atras siya kaya sinuntok ko na ng malakas ayon tulog bahala siya jan.
Pinuntahan ko si Hela sabay kaming pinanood ang mga kaibigan namin. Kanina lang naiinis ako sa babaeng to kasi pinapanood niya lang kami pero ngayon nag eenjoy din akong panoorin mga kabigan kong nakikipagbakbakan. Alam ko naman na kayang kaya nila yan pinapatagal lang dahil ang dahilan nanaman nila mamaya ay nakakaenjoy daw manuntok, sa true lang naman yon pero sana naman yung may ka thrill thrill.
"Tama na yan, tara na" biglang sabi ni Hela, buti nalang nagsalita to gutom na kasi ako. Bigla nalang ako kinalibutan ng sabay-sabay nilang tinuhod at sinipa ng napakalakas ang mga kalaban namin like what?? coincidence lang ba o plinano talaga nila anyway hayaan na nga tulog naman na mga kalaban namin hay sa wakas makakakain na rin ako.
"Tara na" aya ni nash parang d nakipagbugbugan a.
Nang marating nami yung mall ay dumiretso agad kami sa jollibee, jollibee para bida ang saya.
Habang kumakain kami nag kukwentuhan na rin or should I say nagyayabangan. Ang yayabang talaga ng mga 'to.
"Nakakatawa talaga yung lalaking nakalaban ko kanina, apaka tapang mag aya ng suntukan tapos nung sinuntok ko parang susuko agad, baka nahilo sa ganda ko?" sabi ni Mira, o diba ang yayabang talaga
"As if naman no na maganda ka" pang babara ni Lei, hahahaha pucha ayos din tong isang to e. "Kung d ako maganda e ano ka?" sagot ni Mira "Dyosa malamang" sabi ni Lei, wow kaibigan ko ba tong mga to? parang itatakwil kk na tong mga to, pwede ba yon?
"Apaka daya naman talaga netong si Hela, tinapos agad" pag iiba ng usapan ni Elisha "Oo nga apaka pangit ka bonding tsaka pinanood lang tayo no parang d kaibigan a" gatong naman ni Mira "Fake friend ka ata Hela e" sabi ko naman "tss" wow grabe feel na feel ko yung inis niya parang totoo, pangit talaga to.
"Hoy buti nalang no d natin kasama si Eli, kung kasama natin siya nako baka umiyak na yon d pa naman sanay makipag away yon" sabi ko "kaya nga, apaka bait naman kasi" sagot ni Elisha "sa ating lahat siya ang dapat na bantayan no? matapang nga siya kung tayo tayo lang pero sa iba nako baka hindi pa maka suntok kasi nakokonsensya" sabi naman ni Mira. May konsensya naman kami no, anong akala nyo nagkataon lang na si Eli kasi hindi marunong makipag away kahit na may masamang ginawa ka na sa kanya e pabababayaan niya lang yon, ganon siya ka bait "Wag kayong mag alala girls, akong bahala sa inyo" singit ni Nash, apaka hangin naman talaga ng isang to.
"Btw, ano nga section nyo? akin kasi apaka pangit e wala man lang magaganda ano kaya yon" hirit niya pa, legit na babaero to walang kupas
"1 ako" sagot ni Hela "1 rin ako" dugtong ni Elisha "ako rin" sabi naman ni Lei, sana all section 1. "Section 2 ako kasama kami ni Eli at ni Mira" sabi ko naman tumango naman si Mira bilang pag sang ayon, bigla nalang nag iba ang timpla ng mukha ni nash "section 3 ako, wala akong kasama amp" mapaklang sabi niya. Sa totoo lang sa school kasi namin pag section 1,2 at 3 ka pinaka mataas na yon, pinag hati-hati lang kasi nga maraming mag aaral kaya ganon, kumbaga pag section 1, 2 at 3 ka e Section A pag 4,5,6 ay Section B and so on. Sana gets nyo"Tara uwi na tayo" aya ni Hela parang nag iba ang awra niya. Papagabi na rin kasi baka wala kaming ma sakyang jeep. May mga kanya kanya naman kaming sasakyan kaso ngalang mas gusto naming sa jeep sumakay kasi experience na rin at sama sama naman kami kaya oks lang.
Habang papauwi na kami ay tila na ubusan kami ng energy sa katawan, d na kami nag uusap si Lei natutulog pa nga nakasandal siya kay Mira. Unang bumaba si Nash kasi malapit lang ang bahay nila sa school namin, sunod naman sina Lei, Mira at Elisha same baranggay kasi sila, susunod na ako kaya tinignan ko si Hela na walang kibo, natural naman sa kanya na walang kibo siya pero kasi parang iba ngayon, nginitian ko siya pero pilit na ngiti lang yung sinukli na sakin. Ano kayang problema nya? okay naman siya kanina a.
Pumara na ako at bumaba ng jeep, tinapik ko muna si Hela bago bumaba at nginitian niya lang ulit ako ng tipid. Ano bang nangyayari sa babaeng yon? siguro pagod lang.
