CHAPTER ONE:

79 5 0
                                    







=ANGEL AKIRA=





Nagising ako sa hindi malaman na dahilan bumangon ako at tiningnan ang orasan.

'maaga pa pala bakit ba ang aga ko nagising?'

4:50 palang kase nang umaga kaya ang aga pa para pumasok. tumayo ako galing sa kama at inayos ko muna ito bago kumuha nang towel at naligo. siguro mag lilibot nalang muna ako mamaya hihi exciting yun.

Nagsimula na akong maligo at nang matapos nag bihis na ako ng uniform ko na medyo maluwag na blusa at paldang lagpas hanggang tuhod ko. pag tapos ay pinatuyo kona ang buhok ko gamit ang blower, nang matapos ay tyaka ako humarap sa salamin para mag make up.

Nag lagay ako nang fake pimples at nag contact lense na kulay black nag lagay din ako nang wig para matago ang kulay brown kung buhok. yes tama ka nang iniisip i am pretending to be a nerd.

bata palang ako eh ganto na ang ginagawa ko sa mukha ko. gusto nila daddy na ganito ako ewan ko kung baket,tinatanong ko sila about dito pero hindi naman nila sinasagot kaya hindi nalang ulet ako nag tanong. pero tinanong ko ulet sila dahil nga makulit ako kaya sasabihin na sana nila sakin but sad to say hindi ko pa nalalaman ang sagot iniwan na agad nila ako.

Sabay silang binawi sakin ni god. gusto ko man sisihin siya pero wala naman akong mapapala kung sisisihin ko pa siya eh yun na ata talaga ang nakatadhana para kila mommy pero kase napaka bilis naman ata ang bata pa ni mommy at daddy para kuhain sakin, samin. tapos dipa nakunteto pati si lolo kinuha. my grandfather got a heart attack because of that news kaya sobrang nalungkot si lola sa nangyare at syempre pati ako.

Pero wag naman sana pati si lola ay kuhain sakin hindi ko kakayanin, unless kung oras na talaga ni lola hindi ko naman hawak ang buhay ni lola eh. Pag tapos kung mag ayos ay sinuot ko muna ang rubber shoes ko at kinuha ang backpack ko bago bumaba.

syempre para talagang mas magaling ang pag papanggap dapat talaga mukhang baduy hahaha.

Pag baba ko nakita ko si lola na nag babasa nang news paper habang sumisimsim ng kape.

"goodmorning po lola!" masiglang bati ko kay lola habang papalapit sakaniya nang makalapit ay agad akong yumakap at hinalikan siya sa pisnge hihihi

"magandang umaga den apo, ano't ang aga mo ata?" tanong ni lola at binaba ang news paper na hawak.

"Eh kase po hindi ko po den alam lola eh hehehe" ani ko habang nag kakamot nang batok at ngumiti nang akward.

"Ay nako talagang bata ka, osya kumain kana nang almusal para hindi ka na rin malate sa school" kaswal na ani nito. tumayo si lola sa pag kakaupo at pinasunod ako sakaniya papuntang dining area


"Lola ako nalang po maupo nalang po kayo, okay? kaya kona po ito hindi niyo na po ako kailangan pag silbiban" sabi ko habang pinauupo si lola sa upuan at humarap sa kaniya bahagya pa akong natawa nang makita kong nakanguso si lola

may pag childish karin pala lola ha di mo sinasabe sakin ah

"dapat nga po ikaw na po ang pinag sisilbihan ko kase po matanda na po kayo mabilis na po kayo mapagod kaya mag pahinga nalang po kayo, okay po ba yun lola?" mahinahong sabi ko nag pakawala nang malalim na buntong hininga si lola at ngumiti nang tipid sakin

WAIT FOR MY REVENGE(Slowed Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon