Chapter 28
Book
I did not regret meeting Vans and especially when I accepted him in my life, when we become best friends.
He is the first person na nakagaanan ko ng loob, first person na gustong maging kaibigan ako and the first person na naiintindihan ako sa maraming pagkakataon dahil ganoon din ang mga karanasan niya.
Now, dalawang taon na kaming magkaibigan. Mas lalo ko siyang nakilala. We are growing together and we are studying together.
Kaya pati na yata ang feelings ko sa kanya, mas lumalim. Habang mas nag ma-mature ang isip ko, may napagtatanto akong maraming bagay. Bigla ko nalang naisip na mas gusto ko siya hindi lang bilang best friend niya. Beyond that, pero natatakot ako na baka masira kaming dalawa... at mawala siya sa akin.
Masyado na yata akong abusado kapag hiniling ko pa iyon. Ngayon, tama na muna siguro ito. I am contented that he is my best friend.
"Vans you're the valedictorian, you need a guardian na sasama sa'yo sa pag-akyat sa stage para kuhanin ang diploma at medals mo. Tita is willing, sige na."
Pangalawang beses ko na siyang pinipilit magpasama. Pero nahihiya raw siya kay tita. I don't want him to feel alone, lalo na dahil moving up namin ngayon at siya pa ang valedictorian.
Sad to say, hindi pa rin talaga nagpapakita ang kuya niya kahit sumulpot lang dito sa recognition ng kapatid. Napahinga ako ng malalim.
Nagkamot ng batok si Vans, he even bit his lower lip. "Nakakahiya kay tita mo..." iyon ulit ang sinabi niya.
"Hijo don't be shy. Okay lang naman sa akin. Besides, bilang kapalit na rin sa ginawa mong tulong dito sa anak-anakan ko. As a thank you for being there for her, for not letting her alone. Dumaldal kaya itong si Narizzalyn dahil sa'yo." Pagsingit na ni Tita sa usapan namin. Bahagya ko naman siyang siniko.
"Tita naman..." maktol ko at ngumuso. Pati ba naman iyon sinabi pa.
"Pero mahiyain pa rin," dagdag pa ni tita at saka tumawa.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko lalo na ng tumawa rin si Vans.
"Okay lang talaga tita? Thank you po," kalaunan ay sinabi ni Vans.
"You're welcome hijo. Sige na pumila na kayo, magsisimula na yata," sabi ni tita at giniya na kami sa pilahan ng mga studyante. Nagsimula na rin kasing tumugtog ang pang march na kanta.
I can't believe na magtatapos na kami ng grade 10 at patuntong na kami sa senior high school. Parang kailan lang noong una kaming magkita.
Napakabilis lang talaga ng panahon pero naiwan yata ako.
Even though we are getting more mature, my personality still sucks. Napakamahiyain ko pa rin. Hindi man lang yata na build up ang self-confidence ko sa paglipas ng taon.
That's why ang kinuha kong strand pagtungtong namin ng senior high ay humanities and social sciences. Kasi alam ko rito, mahahasa ang confidence ko.
Sabi ng mga dating senior halos reporting daw ang ginagawa nila at isa pa, writing is my passion at alam kong mas matututo pa ako sa strand na ito. Dahil may subject dito na creative writing and creative non-fiction.
HUMSS strand din ang kinuha ni Vans kaya naging magkaklase kami. Actually ngayon lang kami magiging magkaklase. He wants to be a journalist.
Sa dalawang taon na nag-aral kami dito, hindi man lang kami nagsama sa isang section pero at least naging close friend kami kahit ganoon. At hanggang ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang maglabas ng ngiti.

BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)✔️
FantasyNarizz Sy is a typical high school girl, but not a good student. She always cuts classes, her grades are not higher than you think and she doesn't have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her real personalit...