Unexpectedly Cliché

20 3 11
                                    

"Napagod lang naman ako pero wala akong balak na iwanan ka."



"Napagod na ako, at ayoko na."

---

| "Parang tanga to!" Asar na hinampas ko si Liam sa braso nang muli siyang bumanat. Saglit pang natigil ako sa pagtawa nang muli kong matitigan ang maamo niyang mukha. Sobrang saya ko sa tuwing makikita ko siyang masaya rin, sa tuwing alam kong hetong lalakeng ito ang makakasama ko na habambuhay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.

"O inlove ka nanaman masyado sa akin." Napasinghap ako nang manumbalik sa alaala ko si Levi. Hilig niya ang putulin ang pagiilusyon ko sa tuwing tinititigan ko siya. Kung hindi kukurutin ang pisngi ko ay guguluhin nito ang buhok ko.

"May problema ba?" Rinig kong tanong ni Liam. Napatingin ako sa kanya saglit nang may seryosong mukha. Batid sa itsura nito ang pag-aalala kaya naman mabilis kong inabot ang mga pisngi niya upang kurutin iyon.

"A-aray!" Pagrereklamo nito habang hinahimas ang pisnging napanggigilan ko na.

"Napakacute mo kasi! Halika na nga." Habang hila hila ko siya ay saglit na rumehistro na naman ang itsura ni Levi habang nakanguso ito. Ganon kasi siya, sa tuwing mag-aasaran at lambingan kami ay siya itong mas nagpapabebe.

Magkaugaling-magkaugali sila.

"Ayos ka lang ba?" Muli ay tanong niya. Kasalukuyan naming nilalakad ang shortcut papunta sa McDo malapit sa paborito naming Middle Park. Hindi kami dito nagkakilala, hindi kami dito nagkabanggaan habang may hawak akong libro, hindi kami dito tumatambay para titigan ang mga bituin sa kalawakan.

Dito kami nagkakilala.

Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kanina pa ako ginugulo ng imahe at alaala ni Levi. Hindi kaya?

Muli ay nanumbalik ang kaluluwa ko sa katawan ko nang ilang beses na pumitik si Liam sa harapan ko.

"Nakatayo ka lang dyaan. Ayos ka lang ba talaga? Parang iba ang kasama ko." Natatawang sabi niya ngunit halata sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala at pagtataka.

"Ayos lang ako. Halika na." Hinila ko na siya sa loob ng McDo at hinayaan niya lang na dalhin ko siya sa table na napili ko.

"Anong gusto mo? Ako na bibili." Natigilan ako ulit. Sa pagkakataong ito'y rumehistro ang nakangiting mukha ni Levi. Heto yung mga panahong tuwang-tuwa siya at kahit pagiinarte ko ay hindi non mababago ang mood niya.

Iginala ko ang paningin ko, napupuno ng kasiyahan ang buong paligid, nakikita ko siyang nakangiti ngunit bakit ang bigat sa pakiramdam?

"Eloise." Hinawakan ni Liam ang mga kamay ko, noon ko lang napansin na nanginginig ang mga ito.

"P-pasensya ka na." Garalgal ang boses ko at sa hindi ko mapaliwanag na dahilan ay biglang bumuhos ang luha ko.

Mabilis akong niyakap ni Liam, hindi rin niya maintindihan ngunit ang higpit na yakap niya'y sapat na upang kahit papaano ay gumaan ang loob ko.


| "Oo na! 7 PM mamaya ha! Hoy!" Kumaway na lang ako bilang sagot sa kaibigan kong si Erika. Bitbit ang isang batalyon kong libro ay naisipan kong dumaan sa shortcut. Nagmamadali na ako dahil padilim na din ang paligid, iuuwi ko lang ang mga gamit ko at pagkatapos ay babalik ako sa McDo para imeet si Erika, may tatapusin kasi kaming activity.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon