"I love you like the moon, whatever your form is, I'll always love you."
"You're my favorite part of the nighttime."
| "You know what, tama na." Hinigit ni Alice yung bote ng beer mula sa pagkakahawak ko.
"Can't you just leave me alone?" Ani ko sa pinaka-kalmado kong tono.
They don't know how hard it is to suffer for a live person who doesn't even want to be with you now. Who decided to leave and spent the rest of her life without you.
"It's freaking daylight. Napakawalang kwenta ng mahaba mong day off kung uubusin mo lang sa pagmumukmok." Singit ni Jordan.
"At anong gusto niyong gawin ko? Magparty?" Pilit akong tumawa, but even laughing has a bitter taste of it.
The taste of defeat. Mas masakit pa sa pagkaubos ng stars mo sa ML, mas masakit pa sa nagreconnecting habang in game. In my mind was always the happy times. Our happiest times. My moon... left me with a big question of why?
| "Favorite mo yung moon?" Tanong ko sa kanya habang nakatingala siya. Eve used to be my friend until I fell in love with her. She was that friend who's always ready to listen, and who's always available at nighttime, like the moon.
Bago ko siya makilala, buwan lang kausap ko tuwing gabi. Sa buwan ako nagsusumbong ng lahat ng hinanakit ko sa mundo, cause they said maybe someone is on the other side listening and talking to me too. I've no one since everybody loves leaving me.
Habang tahimik ang gabi, at ang liwanag ng buwan lang ang tanging nagbibigay ilaw sa madilim kong kwarto, napupuno ng pagmamahal ang puso ko. Lalo na kapag bilog ang buwan, ramdam na ramdam ko ang presensiya nito. Hindi ako magsasawang titigan ito.
"Ang ganda kasi di ba? Parang kapag tinitingnan ko siya, ang peaceful ng gabi ko. Kapag hindi nga ako makatulog, mas pinipili ko nalang na tingnan ang buwan."
Nang dahil sa kanya mas lalo kong nagustuhan ang buwan at nang dahil sa buwan, mas lalo akong nahulog sa kanya.
Eve eventually became my moon nung naging kami. She lights up my world, that even on the brightest sunny day, I'd see her silhouette approaching me, embracing me with her love.
"Maliwanag daw ang buwan ngayon, tara?" Inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin na inabot ko naman.
"Tara." Iginiya niya ako hanggang sa tulay kung saan matatanaw ng malawakan ang buwan. Parang ang baba lang nito at napakaliwanag ng gabi.
Habang mataman niyang tinititigan ang buwan, hindi ko mapigilan hindi siya pagmasdan. Ang ganda, napakaganda.
Ang ganda niyang pagmasdan habang tinatamaan ang mukha niya ng liwanag na nagmumula sa buwan. Habang ang gabi'y tahimik, nagsusumigaw ang puso ko. Nais kumawala nito at ikulong siya sa piling ko. Ngunit alam kong hanggang doon lang ako, hanggang dito lang ako. Nais niya lamang ako sa tabi niya dahil naiintindihan ko ang pagkamangha niya sa buwan.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomEvery experience is an inspiration. Every inspiration is a motivation.