Dale.
" Ang sama mo...ang sama sama mo..biro lang pala ang lahat para sayo. Hindi mo alam kung gano kasakit para sa akin. Pinaasa mo lang ako! Magsama kayo!"
" Jusko! Ano ba yan!" iyamot ko habang tinapon yung libro'ng binabasa ko. Wala eh, naiinis ako pag ganyang mga eksena. Naiinis ako pag umiiyak yung main character. Bat pa kasi sya iiyak e pwede lang namang maghanap ng iba? Diba?
Nang narealize kong malakas pala ang pagka hagis ko sa libro ay dali dali ko itong pinuntahan at tiningnan. Napa hinga ako ng maluwag nang makitang hindi ito nasira.
"Hayss..ang mahal mo pa naman. Nakakainis ka lang kasi, sobrang problematic ng love story mo." Yes tama po kayo, baliw po ako dahil kinakausap ko yung libro ko.Tinignan ko ang cover ng libro na may dalawang lalaki. Umiiyak ang isa habang niyayakap naman sya nung isa pa. Heartache on the Big Screen. Yun yung title. Yes po, tama po ulit kayo, nagbabasa po ako ng mga BL na stories. Mas magaganda kasi minsan yung stories nila e. Habang tinititigan ko yung libro ay napa isip naman ako.
Kelan kaya ako makakaranas ng mga ganito? Yung kilig, yung magkaroon ng first love, tapos first heartbreak..? Curious kasi ako. 17 years old na ako pero never pa ako nagka boyfriend...or girlfriend. Hanggang sa crush-crush lang kasi ako kasi naka focus ako sa studies eh. Hindi sumagi sa isip ko na mag-jowa. Medyo strikto din ang kuya ko kaya yun, nauunahan pa ako ng mga mas bata pa saken.
" Deeeeeell!!!! Bumangon ka na nga jan!! Puro ka BL BL!!!! nakalimutan mo atang may obligasyon ka!!!" bulyaw ng kuya ko mula sa baba.
"Obligasyon ka jan! Kelan ko naging obligasyon yung birthday mo!!" sagot ko sa kanya habang pa baba na ako ng kwarto.
"Syempre yaya kita, ikaw magluluto." pang-aasar nya sakin at inirapan ko sya.
" Lalagyan ko ng lason mga pagkain mo." dinilaan ko sya at napa sigaw naman ako nang kinurot nya ang tagiliran ko.
"Bilisan mo naaaa maligo ka naaa mamalengke pa tayoooo..."
"Yari ka saken mamaya." iyamot ko habang sinusuntok yung braso nya. Palibhasa, medyo malalaki din yung mga braso kaya hindi sya nasasaktan.
Sya si kuya Ryan. Lagi syang ganyan, hindi matikom-tikom ang bibig nyan. Talak nang talak. Oo, nakakainis magkaroon ng ganyang kuya pero naiintindihan ko naman. Kami nalang dalawa. Wala na sila mama at papa kaya sya yung tumatayong magulang ko. Alam kong mahirap yun sa part nya lalo na nung mga bata pa kami. Nahihirapan kami kasi wala kaming maayos na matitirahan. Yung mga kamag-anak kasi namin, medyo may kasamaan ang mga ugali kaya palipat lipat kami ng tinitirahan. Buti nalang at tumino yung kuya ko sa pag-aaral kaya may maayos na syang trabaho ngayon at kaya na naming mabuhay na kami-kami lang. Kahit puro kami sigawan at sakitan, hindi'ng hindi naman kami nag iiwanan.
-----------------------------------------
"Ayusin mo ha, pupunta sila Erick dito," ani kuya at tiningnan ko sya ng masama.
"Mag iinuman na naman kayo, pag kayo nalasing tas susuka kayo ulit, ihihilamos ko talaga yan sa pagmumukha nyo." iyamot ko habang nagluluto. Eh pano ba naman, last time nung new year, nag iinuman tas ako pa naka linis ng pinagsukahan. Sarap ihampas nung bote sa mga ulo nila, iinom tas hindi naman pala kaya.
" Tanga, sasama naman mga girlfriend nila kaya konte lang iinumin." sagot nya kaya sinimangutan ko nalang sya.
"Kawawa ka naman.." sabi ko nang matahimik sya.
"Bakit?"
"Wala kang girlffriend! HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" tawa'ng tawa ako sa sinabi ko at nakita ko namang naiinis sya. Lumapit sya sa akin at hinampas ako ng sandok.
"Aray tae ka! Susumbong kita sa bantay bata!"
" Ayan, asarin mo pa ako ha! Ilunod kita jan e para ikaw na yung maluto! Bwesit to." hinampas nya ulit ako ng sandok bago nya tiningnan yung niluluto ko. Napangiti nalang ako habang tinitingnan si kuya. Hindi kami masyadong affectionate sa isa't-isa pero alam naman naman nya na mahal ko sya.
"Kuya." tawag ko sa kanya habang tinitikman nya yung luto ko.
"Ano na naman!" naiinis nyang sagot at napa ngisi naman ako.
"Happy birthday, labyu salamat sa pag-aalaga sakin." pabulong kong sabi.
"Tsss! Oa mo Dale!" sumimangot sya pero kita'ng kita sa mata nya yung saya, pinigilan nya ito at kumunot ulit ang mga kilay, "Lagyan mo pa ng asin oh! Ang tabang! Bobo mo magluto." binatukan nya ako at natawa nalang ako sa reaksyon nya. Umiling ako habang tinitikman yung luto ko.
Habang nagluluto ako, napaisip ako sa sinabi ko kanina. Wala pa syang girlfriend. Hindi ko nga alam kung bakit. Kahit na ayaw na ayaw kong sabihin to..pero may itsura naman yung kuya ko, tas may mga muscles naman. Matalino nga yan e, tas may maayos pa na trabaho. Minsan naiisip ko baka hindi sa mga babae yung problema, baka kay kuya. Baka hindi nag jojowa si kuya kasi baka mapabayaan nya ako. Pero para sa akin, okay lang nman na magka girlfriend sya. Parang reward na din yun sa sarili nya, para sumaya naman sya sa buhay nya.
Sabi ni kuya dadalhin daw ng mga kaibigan nya yung girlfriend nila. What if mag observe ako sa kanila? Gusto ko kasing malaman ano'ng mga ginagawa ng mga mag jowa eh. Nababasa ko yang mga ganyan sa libro pero syempre iba pa rin pag sa totoong buhay diba? Magmamasid ako mamaya baka may matutunan ako, malay mo magamit ko yun para magka jowa na din ako.
___________________________
heyy! This is a new story from your one and only! Hoping for your lots of support!!
give it a star if u like this one so far!
xxallthelove.
YOU ARE READING
She's Just My Type (GxG)
Teen FictionDo you still remember the first person who broke your heart? Well, si Dale, hindi'ng hindi nya yun malilimutan. The person came unexpectedly and left so suddenly too. Let's relive our first heartbreak as we go along Dale's journey to not only findi...