2.

394 7 0
                                    

Dale. 

Alas syete na nang gabi nang nag sidatingan ang barkada ni kuya kasama ang mga girlfriend nila. At kahit na lagi silang pumupunta dito sa bahay ay nahihiya parin ako sa ilan sa kanila. Agad kong hinanda yung mga pulutan nila, at habang ginagawa ko yon ay binabati ko sila lalo na yung mga girlfriend nila. Nang sinimulan na nila ang inuman nila ay nasa tabi lang ako, nanonood. Una'ng una kong napansin ay pare-pareho ng style at pormahan yung mga girlfriend nila. Yung tipong masasabi mo talagang mga fashionista. Tiningnan ko yung girlfriend ni Erick na si Darlene, kulay blonde yung buhok tapos rebonded. Medyo maiksi yung dress nya pero bagay naman sa kanya. Maganda sya at mahinhin. Napangiti ako nang makita kong sumasandal sya kay kuya Erick.

Sana all may ganyan.

Binaling ko ang tingin ko kena kuya Daniel at kay ate Kristine. Si ate Kristine naman..natural lang yung kulay ng buhok nya pero rebonded pa din. Yung suot nya naman denim shorts tsaka crop top. Bagay na bagay din sa kanya kasi maputi sya at fit naman yung katawan nya.

Sana all payat.

Huli kong tiningnan ay yung gf ni kuya Angelo na si ate Mayeth. Si ate Mayeth yung tipong unang tingin mo palang aakalain mo talagang yayamanin, gaya ngayon. Naka denim skirt lang sya tas tank top..pero ang lakas na ng dating nya. Natural yung kulay ng buhok tas mahaba.

Tiningnan ko ulit silang tatlo at naka dama ako ng inggit. Parang mga korean eh, yung tipong ang perfect ng mga katawan kaya kahit anong suotin nila ay bagay sa kanila. Isa nalang kulang, pwde na nilang palitan yung blackpink eh.

Napa hawak ako sa buhok kong medyo may ka-kapalan, na binibigyan ko lang ng pansin pag sinusuklayan. Napa tingin din ako sa mga hita ko na medyo may kalakihan, isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagsusuot ng mga fit na pantalon, o di kaya ay mga skirt at shorts. Mga maluluwag lang na pantalon yung sinusuot ko, tas malalaking tshirt o di kaya nag ho-hoodie nalang ako. Hindi ko kasi kayang magsuot ng gaya ng sinusuot nila kasi baka pagtawanan lang ako dahil hindi bagay sa akin.

Siguro yun yung reason kung bakit wala pa akong jowa. Kasi hindi ako maarte sa buhok ko, hindi ako magaling mag ayos at pumorma, kasi chubby at maliit lang ako. Hindi ako maganda . Napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ang camera na agad namang naka front cam. Kumunot ang nuo ko dahil sa nakita ko.

Nope, hindi ako nagse-selfie. Ever. Ayaw na ayaw kong nakikita yung sarili ko sa pictures o kahit sa salamin man lang. Hindi ko kasi nagugustuhan yung nakikita ko. Yung pisngi ko parang may nakatambak na siopao sa loob. Yung height ko din parang pinagkaitan ng tadhana.

Minsan na din akong na bully dahil sa appearance ko. Tinatawag nila akong "bulldog" kasi kamukha ko daw. Lagi kong tiningnan ang sarili ko at kahit anong titig ko ay di ko talaga ma gets yung ibig sabihin nila, ang layo kase. Siguro pag sinabi nilang bunny, maniniwala ako. Wala din akong masyadong kaibigan dahil natatakot sila na pagtawanan. Pero okay lang naman sa akin yun, sanay naman akong mag-isa, lumaki kami ni kuya na walang masyadong kasama. Kaya masaya ako para kay kuya na nagkaroon sya ng kaibigan, hindi katulad ko.

Kaya ayun, napagtanto ko na dahil pangit ako ay walang nagkakaguso sa akin. Iniisip ko kung anong solusyon doon. Solution 1: subukang magpa ganda, mag skin care, magpa blonde, at mag suot ng mga maiikling damit. Solution 2: hindi'ng hindi na mababagong pangit ako kaya hayaan ko nalang na mamatay akong single.

Siguro sa Solution 2 nalang ako.

Nagulat ako nang biglang nag sigawan yung mga kaibigan ni kuya. Tumalikod ako para tingnan yung dumating.

"Hoy! Umuwi ka palang gago ka!!!!" sigaw ng kuya ko. Habang sinalubong yung babae.

"Sorry na late ako." nahihiyang sabi nung babae.

"Tara dito, umupo ka." pag-aaya ni kuya Erick habang inaakbayan yung gf nya. Sumunod naman yung babae at bumati sa mga girlfriend nila.

Nagtaka ako dahil ngayon ko lang sya nakita. Napa isip naman ako na baka jowa to ni kuya.

"Psstt! kuya!" bulong ko sa kanya.

"Ano na naman Dale"

"Jowa mo?" hininaan ko lang yung boses ko para di ako marinig.

"Tanga, lesbian yan." inirapan nya ako bago nya binalik ang atensyon nya sa mga kaibigan nya.

" Gab, si Darlene, gf ni Erick..si Kristine, kay Daniel..tas si Mayeth kay Angelo." pakilala ni kuya kay 'Gab'.

Napa titig ako kay Gab. Mukha na syang 21 years old, ka edad lang ata nila kuya. Mahaba yung buhok tas may bangs. Medyo morena pero maganda. Parang lalaki yung pormahan, iba kena ate Darlene. Parang yayamanin din kasi mamahalin yung suot. Kahit naka leather jacket at naka black jeans lang sya ay alam na alam kong mamahalin yon.

"Wow, may mga bebe na pala kayo? Kawawa naman ako." natatawa nyang sabi at nasagi sa akin ang paningin nya.

"Eh, kaninong bebe to? Akin nalang kung wala. Hi baby." hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o ano pero isa lang alam ko. Kinilig ako sa sinabi nya. "Anong pangalan mo? I'm Gabby, but you can just call me Gab. Pero kung gusto mo ng mas madali, baby nalang." panay kantyaw naman yung mga kaibigan ni kuya at natawa naman si Gab.

"Dale.." nao-awkward kong sagot, at hindi ko alam kung anong sasabihin dahil kinakabahan na ako.

" Hoy lubayan mo yang kapatid ko, bata pa yan,  sipain ko yang mukha mo..makikita mo," sinamaan ng tingin ni kuya si Gab at natawa naman ito.

"Ang ganda ng name mo, bagay sayo.Ilang taon ka na pala?" tanong nya habang hinahawakan nya yung balikat ko.

Lalong lumakas yung kaba ko nang inakbayan nya ako at sobrang lapit ng mukha nya. "S-seventeen" bulong ko at tumawa na para bang nine-nerbyos.

" Hoy, lumayo ka jan. Bawal pa yan. Gago to." naiinis na sabi ni kuya at pinagtawanan lang nila sya. Inalis naman ni Gab yung pagkakaakbay nya sa akin pero hinila nya yung kamay ko. "Dito ka , tabi na tayo, para hindi ka ma OP" nginitian nya ako .

"Hehe.." yun lang aang ni respond ko sa sobrang kaba ko.

Ewan ko dito sa babaeng to at bakit ako ang pinag-tripan. Hindi pa nga nakaka inom pero ang lakas na ng tama!

Habang tinitingnan ko silang nag iinuman ay naka upo lang ako. Napapansin kong medyo flirty si Gab. Napaka touchy nya din at ang lakas bumanat. Hindi na kami nasaway ni kuya dahil medyo nalasing na din sya.

"Hey.." bulong ni Gab sa akin at lumingon naman ako sa kanya, at nakita kong may amats na talaga sya. " Pag naka tulog ako dito..gapangin mo lang ako, okay? It's fine with me." nabubulol pa nyang sabi at nanlaki naman ang mga mata ko. Nabigla ako nang bigla syang napa yakap sa akin.

Putek, ayon bumagsak na. Napansin ito ni kuya Erick kaya pinagtulungan nila syang buhatin papunta sa kwarto ko.

"Dito nalang muna sya. Ihahatid ko lang sina Darlene tsaka mga friends nya, babalik lang ako ha." ani kuya Erick at tumango naman ako. "Alam mo na gagawin dba? Sanay ka na sa kuya mo eh." sabi pa nya bago sya nag madaling lumabas ng kwarto at umalis para ihatid yung mga babae.

Napa lingon naman ako kay Gab na parang na K.O.

Kumuha ako ng pamunas at huminga ng malalim bago ko sya hinubaran.

"Atleast, walang nag suka this time."

----------------
vote and comment!❤️✨

She's Just My Type (GxG)Where stories live. Discover now