Dale.
So ayun na nga, dito na natulog si Gab, habang umuwi na sila kuya Erick. Tinulungan lang nila akong magligpit bago umuwi. Si kuya Ryan naman ay bagsak na bagsak na sa kwarto nya.
Dahan dahan lang akong kumuha ng mga extra na unan at nilapag sa sahig dahil nasa kama ko si Gab. Pinatay ko yung ilaw at yung lampshade nalang ang naka on. Pagkatapos ay humiga na ako sa sahig. Kinuha ko yung cellphone ko at tahimik akong nagbabasa.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ko nang biglang umungol si Gab. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya nagtalukbong ako ng kumot at bumalik na sa pagbabasa, pero kahit uli ulitin kong basahin yung mga sentence ay na distract ako sa naririnig ko. Hindi ko mapigilang maka ramdam ng hindi maganda sa puson ko.
Pinilit kong ipikit ang mga mata ko para maka tulog na ako pero useless pa din. Alam mo naman basta adik sa wattpad, wala na sa schedule yung tulog.
Tae naman! Bakit ba ganito malasing tong babaeng to!
Patuloy pa ding umuungol si Gab at unti-unti itong lumalakas kaya bumangon nalang ako dala-dala ang unan ko. Hinampas ko sya ng medyo may kalakasan.
"Stop it!" saway ko sa kanya.
"Init.." reklamo nya habang nakapikit parin ang mga mata. Kinuha ko yung remote ng aircon at binabaan pa yung temperature, pero nagrereklamo pa din sya. "No...take..this ..off" hinila-hila nya yung damit nya pero di nya ito ma hubad at para pa syang nagagalit.
Ako naman ay parang naka glue ang mga paa sa sahig dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Pag hinubaran ko yan, baka sabihin nya kinabukasan na ginapang ko talaga sya.
"Hubaran mo na akoooo...." reklamo pa ni Gab at napa irap nalang ako bago ako lumapit at dahan dahan syang hinubaran.
" Hmm..hi baby." ngisi nya habang ako naman ay nahihirapan syang pabangunin.
"Mag tigil ka nga." saway ko sa kanya na para bang matagal na kaming magkakilala. "Huwag mo akong ma kantyaw-kantyaw bukas ah! Ikaw nag utos nito."
Bigla akong kinabahan nang nilapit nya ang mukha nya sa akin at bumulong. "cute mo.." binalewala ko yung naging epekto ng sinabi nya sa akin at pilit ko syang pinahiga uli.
"Matulog ka na," umalis na ako sa kama nang maka higa na ulit sya.
Bumalik ako sa kinahihigaan ko at nag talukbong ulit ng kumot. Bago paman ako naka tulog ay naka 1million times atang nagpa balik balik sa isip ko yung nangyari.
Lord, wag naman po sana sa taong ito ako unang ma fall.
---------------------------------
Pag gising ko sa umaga ay nanibago ako, saka ko lang natandaan yung nangyari kahapon kaya agad naman akong tumingin sa kama. Wala na si Gab. Tiningnan ko yung bedside table ko at nakita kong naka bukas na yung gamot na nilagay ko doon.
Umuwi na siguro sya.
Tumayo ako at niligpit ang pinaghigaan ko. Napansin kong may damit na naiwan sa kama ko at tiningnan ko ito.
Eto yung sinuot ni Gab kahapon ah. Tingnan mo nga naman ako pa makakaligpit ng damit nya.
"Deeel!! Kakain na!" sigaw ni kuya.
Kita mo, parang walang nangyari diba? Parang kahapon lang na knock out yan sa sobrang kalasingan. Ngayon, back to normal sigawan na naman.
"Anjan na!" sagot ko sakanya bago ako bumaba.
Pag punta ko ng kusina ay nagtaka ako dahil naririnig kong may kausap si kuya. Pag dating ko doon ay tumambad sa akin si Gab na ngayon ay pa ngiti-ngiti na habang nagsasalita. Pupunta na sana ako ng lababo para mag hilamos pero may napansin ako.
"Damit ko yan ah!" tinuro ko si Gab at napa tingin naman sya sa sinuot nya.
"Yeah, hiramin ko lang ah? Hope you don't mind." kinindatan nya ako at tiningnan ko si kuya.
" Para ka namang wala nang iba pang masusuot. Isasauli din naman nya yan." inirapan ako ni kuya at tumahimik nalang ako.
Habang tahimik akong kumakain ay nag-uusap sila ni kuya. Hindi ko maalis yung tingin ko kay Gab. Yung sinusuot nyang damit ay saktong sakto lang kasi sa akin, yung fit. Mas matangkad sya kesa sa akin kaya naging croptop. Unti-unting bumaba yung mata ko sa harapan nya at napalunok ako nang makitang medyo may kalakihan din ang mga bulubundukin nya. Binaba ko pa ng konti yung mata ko at nanlaki ang mga ito nang napansin kong may abs pala sya.
Shet. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng may abs. Sana all may abs. Siguro athlete sya nung highschool pa sya. Siguro madami rin tong naakit na mga babae. Sa totoo nga type ko sya eh. Matangkad, payat, morena.
"Haha baka matunaw ako nyan.." sabi ni Gab at natauhan naman ako. Tumingin sya sa akin habang sumusubo sya ng pagkain at nag smirk pagkatapos.
Shuta. Wattpad character ba tong babaeng to?
"Ayan ka na naman gago ka, sabing wag sa kapatid ko." saway ni kuya at natawa naman sya. Marinig ko lang yung tawa nya ay ang lakas na ng epekto sa akin kaya napangiti naman ako nang hindi ko namamalayan.
"Uy, free ka ba bukas? Magpapasama lang sana ako sayo." tanong ni Gab sa akin at nagtaka naman ako.
"A-ako?" nauutal kong tanong habang tinuro ko ang sarili ko. Tumango si Gab.
"Yes, nakita ko kasi mahilig ka sa books kaya magpapasama lang ako sayo. Just browsing books together. Mahilig din kasi ako. Bibilhan kita pag may nagustuhan ka." nanlaki naman ang mga mata ko at tumalon talon na parang bata.
"Ayan, nabuhay mo yung espirito nya." napa iling nalang si kuya habang ngumingisi.
"Seryoso?!" natawa sya sa reaksyon ko at hindi ako nag dalawang-isip na yakapin sya. "May alam akong place, magaganda mga books nila don." ngumiti ako sa kanya.
"Good, sunduin lang kita dito bukas."
Oh my gosh! Totoo ba to? May manlilibre ng libro sa akin? Hindi ako makapag-antay. Mukhang maaga ata akong makaka tulog mamaya.
------------------
vote and comment <3
xxallthelove

YOU ARE READING
She's Just My Type (GxG)
Teen FictionDo you still remember the first person who broke your heart? Well, si Dale, hindi'ng hindi nya yun malilimutan. The person came unexpectedly and left so suddenly too. Let's relive our first heartbreak as we go along Dale's journey to not only findi...