Isang simpleng dalaga na kilala ng mga kapitbahay dahil sa kabaitan nito na nagngangalang, Issa. Nasa kwarto si Issa at dahil may pandemya ngayon na bunga ng COVID-19 pi-pitong buwan na simula mag-quarantine sila kaya lahat sila ay nakapag-adjust at nasanay na sa sistema. Ngayon ay nakahilata lamang siya sa higaan habang nagbabasa ng kanyang paboritong nobela na, The Notebook. Mahilig siya magbasa ng mga storyang romantika kung saan marami siyang koleksyon sa kanyang kwarto. Malapit na niyang matapos ang libro at kinuha niya ang tissue sa tabi niya upang punasan ang kanyang luha dahil sa nakakaiyak na wakas ng storya. Nang biglang tumunog ang kanyang selpon at nakita niya sa kanyang screen na "Baby Harley" siya ay ngumiti dala ng kilig ng kanyang nararamdaman. Siya ay tumayo upang magayos ng kanyang sarili para mag mukhang presentable siya pagkausap niya ang kanyag kasintahan. Ilang minuto ang lumipas ay sinagot na niyang ang tawag.
"Magandang tanghali binibini, kakatapos ko lamang kumain ng tanghalian. Ikaw ba?" sambit ng kasintahan sa telepono. Naka-suot ng uniporme ang lalaki halatang galing lamang sa online class nila. Marahil ang babae ay nakapangbahay lamang dahil wala silang online class.
"Kakain pa lang ako at kakatapos ko lang magbasa ng paborito kong nobela" sambit ng babae at kumuha ng tissue upang suminga marahil kakatapos niya lang umiyak. Bigla nataranta ang lalaki at napatayo siya.
"MAY SAKIT KA BA?!" sigaw ng lalaki sa sobrang pag aalala. Napalayo ng babae ang kanyang hawak na cellphone sa sobrang lakas niya magsalita.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Kakatapos ko nga lang magbasa ng the notebook at naiyak ako dahil namatay sila sa huli" sambit ng babae na medyo naiirita pero ang totoo ay natutuwa siya dahil nagaalala siya para sa kanya.
"Ay ganun ba pasensya na nagaalala lang eh alam mo naman ngayon dapat doble ingat tayo at papakasalan pa kita" sambit ng lalaki at ngumiting nangaasar sa babae. Yung babae naman ay umirap na walang paki.
"Anak! Kain na! Kanina ka pa sa kwarto lalamigin na yung pagkain!" sigaw ng kanyang Ina.
"Sigi mauuna na ako Harley " sambit ng babae
"Ay bakit Harley lang wala bang baby?" sambit ng lalaki at ngumuso na parang batang nagmamakaawa sa nanay. Natawa naman si Issa dahil sa itsura nito.
"Eh sanggol ka ba? Bye na unggoy" sambit ng babae at hinalikan ang kamera bago niya patayin yung tawag. Matagal na sila ng kanyang nobyo limang taon na silang magkarelasyon at sa loob ng limang taon ay masaya naman silang dalawa may kaunting alitan marahil sa pagseselos at iba pang maliliit na bagay ngunit naresolba naman nila. Alam din ng bawat pamilya nila na magkasintahan sila sapangkat suportado ang dalawang panig ng pamilya basta ang sabi ay kailangan pagbutihin ang kanilang pagaaral. Nasa honor din ang dalawang nobyo marahil ay nagtutulungan sila kung saan sila mahina yung isa ayun ang kalakasan ng isa. Kaya magkaiba ang gusto nilang trabaho. Si Issa ay gusto maging artista o kaya maging isang flight attendant habang si Harley gusto maging Inhinyero upang magkaroon sila ng sariling bahay.
Lumabas na siya ng kwarto upang kumain kasama kanyang mga magulang at kapatid. Pagdating ng dalaga sa silid kainan, makikita mo ang putahe ay punong puno ng gulay. Tila natuwa ang dalaga dahil paboritong putahe niya ang Pinakbet na luto ng kanyang ina. Habang ang kanyang kapatid na batang lalaki ay pilit sa pag-upo. Nagsimula na silang magdasal at sabay sabay nagsalo ang pamilya. Merong dalawang kapatid si Issa at ang dalaga ang gitna sa magkakapatid. Isa na dito ang batang lalaking na si Klarence na ayaw naman sa gulay at pilit na pinapakain ng kanyang ina. Kada ilalapit ang kutsara sa bibig ay umiiling lamang siya.
"Kumain ka nito anak gusto mo ba pumuntang ospital? At turukan ng syringe" sabi ng ina habang hawak ang kutsara na nasa tapat ng bibig ng batang lalaki kaya napanganga yung bata habang umiyak.
YOU ARE READING
one-shot Story Ni Xandria😊
Historia CortaSome story will be taglish or English only or Tagalog only Warning: slow update but i hope you'll enjoy it😊