Chapter 1

8 2 0
                                    

Chapter 1

Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba ako? Paano niya nalaman na nandito ako? At ano nanamang gusto niya?

He's still smiling with amused eyes. Tinaasan ko siya ng kilay at kaagad na nag iwas ng tingin. Umupo ako ng tuwid at binalewala ang presensiya nito.

Nakatuon ang aking mga mata sa aking libro. Naka tatlong basa na ako ng isang pangungusap at hindi parin nag sink in sa utak ko ang ibig sabihin nito.

I can't focus, nasa isip ko parin si Calix. Questions filled my mind.

Kahit na ayaw na ayaw ko siyang sulyapan sa kinatatayuan nito, patago ko siyang sinulyapan.

Kumunot ang noo ko. Tama ba tong nakita ko? Wala na siya? Dumungaw ako sa bintana para makita ang buong hardin. Luminga linga pa ako, ngunit wala akong nakitang Calix. Ni anino nito ay hindi ko nakita.

Imbes na magsaya dahil wala na siya, bumigat ang pakiramdam ko nang malaman na, wala na siya.

But some part of myself was relieved that he's gone.

Dapat nga Liana. You must be relieved. No disturbance. Ilang minuto pa ako nakatitig sa hardin dahil sa mga iniisip.

Nasaan na kaya ang unggoy na iyon? Tsk! As if I care.

Bumuntong hininga ako. Mabigat parin ang dibdib. Umupo ako ng tuwid at nagsimulang magsulat para sa assignment. I turned a new page on the book. Magbabasa na sana ako nang may nagsalita sa gilid ko na ikinagulat ko.

"Looking for someone?" Si Calix na mayroong ngisi sa mga labi.

"No!" Agap ko at tinaasan siya ng kilay. Umiwas ako ng tingin at tinuon ang pansin sa libro. Hindi ko kayang tingnan ang ganitong uri ng unggoy. Na mini heart attack ako nun hah!

"Here you go again. Iniiwasan mo ba ako?" Bumaling ako sa kanya at pinandilatan siya.

"What are you doing here?" Pagalit kong saad habang nakataas ang kilay ko. Napairap ako sa ere nang hindi siya sumagot.

"I just wanna talk to you-" Kaagad ko 'tong pinutol.

"Just leave me alone. Can't you see that I'm studying here peacefully? You're disturbing me!" I started to pack my things. Gusto ko ng umalis.

Distorbo lang siya! You need to study Liana. Stay away from him!

"Look, I just wanna give you this." He said and showed the white paperbag with a printed famous brand of a bookstore.

Napahinto ako sa paglilipit nang makita ang paperbag na hawak niya. Don't tell me...

I can tell that my eyes are twinkling. Oh gross!

"Ahm." Tumikhim siya, kaagad kong iniwas ang tingin sa paperbag. Ilang buwan na ang nakalipas Calix, di ko na yan kailangan. I cam buy If I want it.

"What?" I tried so hard to look mad. All I can do is to pout to stop myself from smiling. Geez is this normal?

Napakurap kurap ako nang ngumisi si Calix. Hey! Stop that! You're making me like a hot tomato you bastard!

"I'm sorry nung last time." Seryoso niyang saad. Didn't know that a guy like him can apologize.

"Ha?" Kumunot ang noo ko. Nagsimulang kumarera ang puso ko. Owww, keep standing, don't run my heart!

"Sorry for the trouble, I was-"

"I don't need your explanation and I won't accept that book." Sabay turo ko sa paperbag na naglalaman ng paborito kong libro at tinarayan siya. Ipinasok ko ang ballpen ko sa shoulder bag.

River of Tears (Seville Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon