Don't worry. Okay lang ako.

11.7K 253 114
                                    

Unang beses mong um-attend ng isang rave event kung saan maraming kabataan ang sumasayaw sa musikang nilalapat ng mga sikat na DJ sa Pilipinas. Lahat ng mga taong nasa napakalaking venue ay may kanya-kanyang hawak na light sticks; mga ilaw na iwinawagayway nila sabay ng pagtalon at pagsigaw sa mga beat na binabato ng DJ.

Kung titingnan mo ang sarili mo sa salamin, mapapangiti ka na lang kasi first time mong nakakita ng totoong kasiyahan. Yes, naramdaman mo yung happiness na matagal mo nang hinahanap sa mga taong nakikita mo – nakangiti habang winawagayway ang mga light sticks, magkahawak ng kamay habang tumatalon, at sabay na sumisigaw na parang gustong ipaabot hanggang langit kung gaano sila kasaya, kung gaano sila kalaya ng mga oras na iyon.

Kasama mo ang mga kaibigan mo, first time din nilang um-attend sa ganitong event. Mula sa lugar kung saan kayo nakatayo para magmasid, mga ilang hakbang mula sa entrance gate, hinila ka ng isa mong kaibigan papunta sa gitna ng crowd. Wala ka nang nagawa dahil ginusto mo na rin naman.

Bumuhos ang malakas na ulan na lalong nagpaingay sa mga tao. Hindi dahil nag-aalala sila na baka magkasakit sila o mabasa ngunit parang nakaabot na yata sa langit ang kasiyahan nila at ulan na lang ang tanging sagot ng nasa itaas para mabasbasan ang kaligayahang nararamdaman nila.

Kinuha mo yung light stick na kulay blue na inabot sa iyo ng kaibigan mo. At sa unang pagkakataon, nasabi mo sa sarili mo na ito ang pinakamasayang araw ng buhay mo. Tumingin ka sa mga kaibigan mo at sa mga taong nasa harap niyo. Kumbaga, punung-puno ng good vibes ang hangin na lalong nagpapalamig ng gabing iyon.

Parang walang paglagyan ang saya na nararamdaman mo ngayon, para mo na rin kasing naisabay sa pagsigaw ang lahat ng lungkot at sakit na naranasan mo nitong mga nakaraang araw. Para bang nakahinga ka na ng maayos; bagong buhay, bagong pag-asa.

Wala kang pake sa mga tao sa paligid mo. Ang alam mo lang, masaya ka. Kahit mukha ka nang basang sisiw na tuwang-tuwa sa pagsayaw sa ilalim ng maulang gabi. Mapapatingin ka sa mga kaibigan mo. Slow motion ang lahat – ang pagtalon nila, ang pagpatak ng ulan, ang tugtog na nanggagaling sa stage, ang sigaw ng mga tao. Parang ayaw mo nang matapos ang gabing yun.

This is the best day of my life!

So far.

'Yan lang ang nasabi mo habang pabalik na kayo sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ng kaibigan mo. Alas tres na ng madaling araw pero parang wala ni katiting na antok at pagod sa katawan mo. Tumingin ka sa bintana habang binabaybay niyo ang kahabaan ng EDSA na hindi ma-traffic, dire-diretso, walang hinto, walang sakit ng ulo.

Biglang tumunog yung phone mo. Yes! May phone ka pa! Nakalimutan mo dahil sa kasiyahang lumulunod sa isip mo. Kinuha mo ang cellphone mo sa plastic na lalagyanang binili niyo sa halagang singkwenta pesos bago kayo pumasok sa venue kanina.

Nagulat ka dahil nagchat sa 'yo yung taong gusto mo. And yes again, may papausbong kang love life. Naging madalas na kasi ang pag-uusap niyo ni Crush nitong mga nakaraang araw.

Ikaw: Bakit gising ka pa? :)

Siya: Wala. Hindi ako makatulog, e. Nandiyan pa kayo?

Ikaw: Pauwi pa lang kami, e. Matulog ka na, uy!

Siya: Ingat kayo pauwi ah. Teka may sasabihin pala ako sa 'yo.

Naghintay ka. Kinakabahan kung ano ba ang sasabihin niya. Naghahalo ang iba't ibang emosyon sa dibdib mo. Saya, kilig at kaba. Kung nakakaadik ang pagiging masaya, siguro, sabog na sabog ka na ngayon. Nakatitig ka lang sa mga building na nadaraanan niyo pauwi habang sinasalubong ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana na tuluyang tumuyo sa buong katawan mo.

Kunwari, Hindi Na Lang Ako Nasaktan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon