Labinlimang Minuto Pa

2.7K 113 25
                                    

Noong bata ako, nagkakaroon lang ako ng bagong damit tuwing Pasko. Madalas na sinasalo ko lang 'yung ibang pinaglumaang damit ng mga kapatid ko. Kaya naman nasanay na ako sa pagpapaulit-ulit ng mga damit noong college ako. Mas okay kasi sa akin, e. Mas kaunting damit, mas kaunting oras lang ang igugugol ko sa pagpili ng isusuot. Kung may bagong damit, e 'di salamat, kung wala, e 'di magtiis sa kung anong nandiyan.

Pero one day, pagkatapos ng klase namin, naisipan kong mag-ikot sa mall na dinaraanan ko pauwi ng bahay. Kahit seventy pesos na lang ang laman ng wallet ko, tumingin-tingin ako ng mga bagay na gusto kong bilhin kapag nagkapera ako. Doon ko lang na-realize na ang pag-ibig pala ay parang pagwi-window shopping.

May makikita kang damit na bibihag sa paningin mo. That's love at first sight. Nagustuhan mo siya kasi ang ganda niya, dahil sa tingin mo, bagay siya sa 'yo. Titingnan mo ito nang malapitan. Bawat sides, sinusuri mo. Bawat kulay o uri ng tela na ginamit, inaalam mo. Tapos susukatin mo. Bagay na bagay sa 'yo. Mapapangiti ka na lang sa harap ng salamin kasi sa wakas, may bumagay din sa 'yo. Tititigan mo ang sarili mo sa harap ng salamin. Ngingiti pero bahagyang mawawala ang kurba sa mga labi mo dahil maiisip mo, wala kang pambili. Nagwi-window shopping ka lang. Nangangarap ka lang nang gising.

Pero tanggap mo naman eh. Alam mo naman sa sarili mo na noong pumasok ka sa mall na 'yon at nagdesisyong mag-ikot, makakita ka man ng bagay na gusto mo, hindi rin mapupunta sa 'yo. Para bang pagpasok sa isang relasyong walang commitment, 'yung parang kayo pero hindi naman. Sa umpisa pa lang kasi, alam mong walang label 'yung kung ano mang mayroon kayo. Kaya wala kang karapatang magreklamo kung nasaktan ka man o umasa sa isang pag-iibigang wala namang pinatunguhan.

May sapatos ka ring makikita. Parang pangarap lang na magkaroon ka noon pero imposible kasi hindi mo naman afford 'yung presyo ng bagay na gusto mo. At ang mas masakit pa roon, paulit-ulit mong sinasanay ang sarili mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan, sa isang bagay na hindi naman talaga mapapasa 'yo.

Wala lang. Kasi naniniwala ka na kahit sa ilang sandali lang, napasaya ka ng idea na may perfect clothes, perfect shoes, perfect love na para sa 'yo. Kahit saglit lang, sumaya ka. Kahit kunwari lang, may bumagay rin sa 'yo.

Tapos mapapagod ka sa kakaikot at dadalawin ng gutom kaya dumiretso ka na agad sa pinakamalapit na fastfood na nagbebenta ng pagkaing sapat lang sa pera mo. Naka-move on ka na sa mga damit at sapatos na isinukat mo kanina. This time, doon ka na sa sigurado. Doon ka na sa afford mo. Although maraming tao sa fastfood na iyon, pumila ka pa rin kahit mahaba ang pila. Mga ilang minuto ka ring naghihintay at nag-aabang ng turn mo para maka-order. Sa wakas, ikaw na. Tinanong ka niya kung anong gusto mo, at dahil may presyo naman, doon ka sa kaya mo. Naisip mo na sa pag-ibig, kung ano ang kaya mo, 'yun ang mapupunta sa 'yo. Kung sino ang bagay sa 'yo, 'yun ang makukuha mo. At least, sigurado kang may magmamahal din sa 'yo pero hindi ito basta-basta. Kadalasan, kailangan mong maghintay.

"Ay! 15 minutes pa po bago maluto, willing to wait po ba?"

At dahil nandoon ka na rin naman, no turning back na. Gutom ka na rin kasi kaya mapapa-oo ka na lang at mag-aabang sa pagdating ng pag-ibig na hinihintay mo. Darating siya para pansamantalang busugin ang puso mo ng pagmamahal. Para makalimutan mo ang pagod at gutom na naranasan mo sa pag-iikot sa pamilihan ng mga damit at sapatos na hindi naman mapapasaiyo... sa ngayon.

Tapos back to normal na ulit ang buhay mo. Uuwi ka ng bahay. Hihiga sa kama at itutulog na lang ang lahat. Aasa ka na sa pag gising mo kinabukasan o sa susunod mang mga bukas, ay magkaroon ka rin ng masayang pag-ibig na pangmatagalan. 'Yung pag-ibig na walang hinihinging bayad, 'yung pag-ibig na hindi ka papagurin, 'yung pagmamahal na hindi ka masasaktan.

Darating din 'yan. Just be willing to wait.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kunwari, Hindi Na Lang Ako Nasaktan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon