CHAPTER I

12 0 2
                                    

Martina's POV

"Martina!!"

Bakit kaya ang laki ng bunganga ni tiya Pat?

"Martina!!"

Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ulit ang boses ng pinakamamahal kong tita.

"A-andyan na ho!"

Pagkababa ko ay nakita ko ang tiya ko hawak hawak ang paborito nyang hanger.

Kelan kaya mapuputol yung lecheng hanger na yan? Naa-alala ko nung bata pa ako lagi nya kong pinapalo gamit yang litsing hanger nayan,tuwing pinapalo ako napuputol yan...tini-tape lang nya ulit.

"B-bakit ho tiya Pat?"

"Sunduin mo nga yung kapatid mo kila aling Mitring,abay alas otso na ay di parin umuuwi."

"Ah,sige po."

Lumabas ako ng bahay at naglakad papuntang kabilang kanto duon kasi nakatira ang kalaro ng sampung taong gulang kong kapatid na si Mikael.

Habang naglalakad ay di ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng buwan,at dahil full moom bilog na bilog ito at masala kayat kahit madilim ay may makikita kaparin.

Abala akong tignan ang buwan ay biglang humangin ng malakas dahilan para liparin ng kaunti ang suot kong bestida.

Hayy Ber-months na pala,kaya pala ang lakas at lamig ng simoy ng hangin lalu nat gabi,tuwing may nadadaanan akong bahay ay makikita mo ang liwanag ng mga christmast lights sa bawat bahay.

Limang bahay nalang at mararating ko na ang bahay nila aling Mitring.

Naglalakad ako ng mapansing may nakasunod saakin.

Binilisan ko ang lakad ngunit humahabol ito. Liningon ko ito at may nakitang isang itim na pusa,pero ang mga mata nya ay kulay green.

Pusa lang pala,puewww kala ko kung ano.

Binuhat ko ito at pinagpag ang balahibong may konting dumi ng dahon.

"Anong pangalan mo?"

"Meow.."

Tanging meow lang ang sagot nito.

Hayy nako Martina,hayop ang kausap mo hindi tao kaya hindi magsasalita yan,puro meow lang.

Sabi ng isang bahagi sa utak ko.

Tss,oo nga pala.

"Oreo na ang pangalan mo simula ngayon,akin kana."

Dinilaan nya ang aking pisngi at siniksik ang kanyang ulo sa aking leeg,dahilan para mapahagikgik ako.

Habang buhat buhat si Oreo ay narating ko din ang bahay nila aling Mitring.

"Aling Mitring."walang sagot.

Isa pa.

"Aling Mitring!"wala parin.

Eto last na.

"Aling Mitring...aling Mitriiiiinnngg...Yohooo!"

"Oh ikaw pala Martina,bakit?"

"Andyan po ba si Mikael?"

"Ahh oo nasa loob,halika pasok ka."

Habang papasok ay biglang nagtanong si aling Mitring.

"Alaga mo?"

"Ah,opo."

Tanging tango nalang ang nasagot ng matanda.

Nag makapasok sa bahay nila ay nakita ko sa sala si Mikael at si Clay.

"Mikael andyan na ate mo!"sigaw ni aling mitring para mapalingon si Mikael saamin.

Lust at first BiteWhere stories live. Discover now