This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. If you are looking for a perfect story, don't continue reading this. Hehe thank you!
There are few chapters with mature scenes. Read at your risk.
Happy Reading guys❤
_________________________
"Anita tumakbo ka!"
"Sa gulod! Pagkarating mo sa gulod lumiko ka sa may ilog!"
"Hindi inay! Hindi kita iiwan!" Humahagolgol kong sumamo sa aking ina.
Madilim ang paligid, magulo, maingay, maraming katawan ang nakahandusay, maraming umiiyak kagaya ko, maraming humihingi ng saklolo at awa, hinihiling na naway matapos na gulong ito at kami'y patakasin at ipaglaban ang tama. Nawala ang aking tapang ng isa-isa kong tanawin katawan ng aking mga kasamahan, mga kubong sinunog at mga batang sinasaktan.
"Makinig ka!" Hinawakan ng nanginginig nyang kamay ang aking braso, umiiyak kagayo ko, walang lakas at tapang. "Mamamatay tayong dalawa kapag nanatili ka dito!" Tinitigan nya ako ng mariin at pilit na kinukumbinse akong sumunod sa kanya. "Tumakbo ka! Sa dakong roon ang gulod! Pilitin mong makarating doon at ipaalam sa ating kasamahan ang ating kalagayan! Ikaw........... Ikaw ang tanging pag- asa ng lahat! Tumakbo kana at ipaglaban ang tama at nararapat!" Tinulak niya ako.
"Hindi ina! Hindi!" Tinangka kong lumapit ngunit isang palad ang sumalubong at tumama sa aking pisngi.
"Gumising ka Anita!" Sigaw ng aking ina sa akin, wala akong magawa kong hindi ang umiyak sa gitna ng kaguluhan. "Hindi mapapahinto ng luha mo ang gulong ito! kaya wag kang umiyak at sundin mo ang sinasabi ko! Tumakbo ka!................takbo! Wag kang lilingon at magpatuloy!" Hinaplos ng kamay niya ang aking buhok. "Balang araw! ang kalayaan ay mapapasakamay ng tamang tao! Mahal na mahal kita!" Kasabay ng huling linyang binitawan niya ay ang pagtulak sa akin ng kanyang mga kamay.
Wala akong nagawa kundi ang tumakbo kagaya ng sinabi ng aking ina, hindi ininda ang sugat sa katawan na aking natamo sa pakikipaglaban. Hindi inabalang lingunin ang mga katawan ng nakahandusay.
Tatakas ako hindi dahil kami'y talunan, tatakas ako upang magpalakas at babalikan kayo ng mas matapang at katawan ninyo ang kakalat sa lupain inyong ninakaw sa amin.
Hinugot ko ang aking itak na nasa kanyang kaluban ng may mga militar akong nakasalubong sa aking dinaraanan , kahit lumuluha ay kinitilan ko sila ng buhay at nagpatuloy sa pagtakbo marating lang ang gulod na sinasabi ni inay, ngunit napahinto ako sa magkakasunod na putok ng baril mula sa aking pinanggalingan.
"Inay!" Malakas kong sigaw ng malingunan ko ang duguang katawan na nakahandusay sa lupa. "Inay!" Muli kong sigaw at tumakbo pabalik sa kinasasadlakan ng aking ina na pinalilibutan ng mga armadong tao.
Iwinasiwas ko ang itak na hawak ko at at sinugod ang mga kalaban. Sa gitna ng mga balang nagliliparan ay matapang ko itong iniwasan, nawala ang mga luhang kanina'y nag uunahang lumabas, napalitan ito ng galit at tapang. Napatumaba ang tatlo mula sa walong kalaban gamit ang sariling lakas at manumanong laban.
"Wag mo nang tangkain pa binibini!" Maangas na tinuran ng matangkad at matipunong lalaki. "Babae ka lamang at wa---"
Hindi ko na pinatapos pa ang walang kwenta nyang bwelta at pangiinsulto, Mabilis kong itinarak sa kanyang dibdib ang itak na tanging sandatang hawak ko.
"Mali ka heneral at ito ang patunay!" Hinugot ko ang itak at umikot...... kasabay ng aking paghinto ay ang pagbasak ng kanyang ulo sa lupa.
"Lapastangan!"
Hindi ko naiwasan ang balang tumama sa aking kagiliran at braso, napaluhod ako at napahiyaw sa sakit. Pinilit kong tumayo ngunit mabilis ulit na napaluhod ng bumaon sa aking bente ang bala mula sa huwad na militar, napahiyaw akong muli ng mabitawan ko ang itak ng taamaan ang kamay ko.
"Hindi ninyo mapapatay ang babaeng sumisigaw ng kalayaan mula sa bulok ninyong sistema!" Kahit nahihirapan ay matapang ko itong isinigaw. Hinila ng isa ang aking buhok at itiningala paharap sa kanya, pinagtawanan ako ng kanyang mga samahan ng duraan nya ang aking mukha at malakas na sinampal.
"Ang sistemang kinakalaban mo ang papatay sayo binibini! kaya sumuko ka na lang at yakapin ang batas."
"Para ano?......... Para maging inutil kagaya ninyo!" Napapikit ako ng sampalin muli niya ang pisngi ko.
"Isa ka talagang hangal" hindi ko nagawang salagin ang paa nyang tumama sa tagiliran ko kung saan ako tinamaan ng bala ng baril. Hinila ang isa kamay ko at walang awang binali..............napahiyaw ako sa sakit, walang kasing sakit. Nakakaubos ng lakas, nakakawala ng ulirat.
"Tama na yan!" Tutol ng isang nakauniporming militar. "Anita ako'y nagsusumamo sumuko kana!" Madamdamin nyang pahayag at tila nasasaktan sa aking kalagayan. Tinigan ko siya ng may pagkasuklam at hinanakit.
"Wag mo akong tignan at kaawaan! Ang isang tulad mo tenyente ay maiihahalintulad sa hayop na gahaman sa kayamanan, isang tuso! Isang tuso........... isang manggagamit! Hindi nararapat na ika'y mahalin pa!" Umiwas siya ng tingin na tila nasasaktan.
"Hindi natin siya maaaring dakpin! Marapat na siya'y patayin tenyente!" Napatawa ako ng malakas dahil sa tinuran ng lalaki.
"Isinusumpa ko! Babalik ako at babawiin ang para sa amin!" Hirap na hirap kong turan habang habol ang aking hininga. " matitikman ninyo ang pait at galit sa aking pagbabalik!kayo mismo ang huhukay sa sarili nyong libingan at uubusin ko kayo ng walang alinlangan!" Buong lakas kong sigaw na tila wala akong iniindang sakit sa katawan. Isinusumpa ko! Na sa aking muling pag silang............................. " Napahinto ako ng kalabitin ng isang militar ang gatilyo ng baril at bumaon sa aking kaliwang dibdib ang bala na lalong nagpasakit sa aking buong katawan at nagpahirap sa aking pag hinga ............
"Anita" dinig kong sigaw ng tenyente at sinubukang lumapit sa akin ngunit hinarang siya ng kanyang mga kasamahan.
bago ko maipikit ng tuluyan ang aking mga mata ay pinakawalan ko ang huling kataga ng aking sumpa.
"Ako mismo ang magiging batas"
_________________________
YOU ARE READING
Tears after Dream
Historical FictionAng pagbalik tanaw sa kwentong nalipasan ng panahon, natupok ng lumalagablab na alikabok, natabunan ng mga sikat na obrang nililok ng mga pintor na kapwang may lasong kamay at isipan. Nabuhay sa magkaibang panahon na may tapang at gustong ipag laban...