MAHAL KITA , MAHAL MO AKO.
+Iyo Morimoto_____
"Sky eh kase ganto , binigyan ko siya kahapon ng letter tapos halos sumuka na ako ng rainbow kase nginitian niya ako at inilagay niya sa bag niya yung sulat na binigay ko" Nagkunware pa siyang nahimatay at nakahawak ng konti ang ulo.
Baliw talaga tong babae na to.
"Hoy Gracel , umayos ka nga halatang patay na patay ka sa Dwight na yan! Mukha kang tanga!" Pabiro kong sabi sa kanya.
"Ako ang nagmumukhang tanga , hindi ikaw. So why do you care?" Mataray niyang saad.
Hindi na lang ako nagsalita. Panatag ang loob ko na 'di siya papatulan ni Dwight.
"In fact , sabay daw kami mag lunch tommorow. Oemjiii Skyyy is this for real na? Set na ba ako na 'In a Relationship' sa FB? Advanced kase ako mag-isip"
Naibuga ko ang iniinom kong coke.
"A-ANO?! SABAY KAYO MAG-LUNCH!!" Naisigaw ko sa kanya.
"Ang OA , Sky ha? Kakasabi ko lang diba? Boomerang ka? Boomerang?"
Napakunot ang noo ko kahit na alam kong nakakatawa ang tinig niya.
"Whoy Sky , alam mo kunti na lang talaga iisipin kong nagseselos ka"
Bigla akong napatingin sa mata niya.
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya.
Teka?
Nagseselos ba ako?
Hindi ko rin alam.
Nagseselos ba ako?
"Oemjiii..." Bigla siyang napatili. "...huwag mo sabihing...." Napalunok ako ,".... bakla ka!!!"
Nahulog ang aking panga
"Tapos nagseselos ka kase crush ko si Dwight. Tapos mag-aagawan tayo sa kanya kase crush mo rin siya. Tapos sasabutahihin mo lahat ng diskarte ko sa kanya dahil bet na bet mo din siya para sayo Omooooooo----
Napatigil siya ng hampasin ko ng mahina ang braso niya
"Hindi ako bakla , Gracel. Hamag na to!" Iritado kong sabi
"Joki joki lang Sky. Paano kase gulat na gulat ka kanina ...." Bigla ulit nagliwanag ang kanyang mga mata "...What if may chance pala talaga ako kay crush?"
"He he pa-fall lang yon"
"Wala na , ayawan na. May pa-epal kase"
"He he , mas mabuti pa ako nagsasabi ng totoo. Ganon talaga kapag gwapo. Honest."
Sinuportahan ko pa rin siya sa kagagagahan niya sa lalaking iyon. At sa tuwing natutunghayan ko ang kalambingan niya sa lalaking yon may kung ano sa puso ko ang nasasaktan na tila tinuturok ng karayom.
"Inaaaakbayaaaaan niya akoooooo" Tili niya sa harapan ko
Napasimangot agad ako. Nakita ko. Nasa likuran nyo ako kanina eh. Enjoy na enjoy ka nga sa galamay ni kupal.
"Oemji , I'm ganna die . I'm ganna daaaaaiiii"
"Loka" Tanging nasabi ko
"Pag naging kami ni crush papa-fiesta ako with clowns and balloons"
"Bobita ka ba? Ang clowns para sa mga bata lang , kaya di ka sinasagot ni Dwight e , isip bata ka"
Alam kong masyadong masakit ang binitawan kong salita ngunit nais kong mamulat din siya sa katotohanan na hindi siya para sa lalaki na yon.