IKAW PA RIN (PART 2)
+Iyo Morimoto______________
-
"Bridgette....", nandito nanaman siya. Nangungusap nanaman ang kanyang mga mata."Mag-usap tayo", napasulyap ako sa mga taong nasa paligid ko. Halos lahat sila ay nagtataka sa inaasta ng boss namin sa tagiliran ko
"Mamaya na , nagtratrabaho pa ako", nakaramdam akong lumuhod siya kaya't nanlaki ang aking mga mata.
"Mag-usap tayo Bridgette pls. Kahit sandali lang ..."
Napalinga ako sa mga taong nanunuod sa amin. Katulad ko ay nagulat sila sa inasta ni Taehyung.
"Mamaya na .... Taehyung...",nanginginig ang aking boses .
"Alam kong tatakasan mo lang ako. Kaya ngayon na"
Napahinga ako ng malalim at siya'y itinayo. Ayaw ko talagang kausapin siya ,pipilitin niya lamang ako na balikan siya.
"Maraming nakatingin sa atin Taehyung. Saka na kapag ...." napalunok ako. "...kapag hindi mo na ako mahal", halos ibulong ko na ang huling salitang iyon.
Nagbago ang mukha ni Taehyung at tila siya'y lalong nanghina. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay at may dinukot siya mula sa bulsa.
Kinuha niya ang aking kamay at isinuot roon ang isang singsing.
"Magpakasal na tayo Bridgette ... ayoko ng ganto.. , parang awa mo na"
Napayuko si Taehyung at alam ko'y ngayo'y umiiyak nanaman siya.
"O my gosh kaya pala laging pinapatawag siya sa opisina kase--
"Kabit siya ni Sir"
"May relasyon sila. What the fvck!!"
Sunod-sunod na ang bulungan sa paligid. Naramdaman ko na lamang ang isang tapik sa aking balikat.
"Paumanhin po boss. Pero aalis na kami ni Bridgette , mukhang naiipit na ho siya sa kahibangan niyo. Malalaman niyo na lamang na nilalako na ang pangalan niya sa iba't ibang dako ng kompanyang ito", madiin ang tinig ni Jimin.
Ang kaninang nakayukong Taehyung ay humarap kay Jimin na galit na galit.
Bago pa magkainitan , hinubad ko ang singsing.
Ayaw kong makasira ng pamilya. Hindi ko hangarin iyon.
Hinawakan ko ang kamay ni Taehyung at inilagay ang singsing roon "Taehyung patawad pero.. hindi ko matatangap iyan. H'wag mong talikuran ang pamilya mo dahil sa kahibangang ito."
"Pero---
Hinawakan niya ang kamay ko ay isusuksok muli doon ang singsing ngunit inalis kong muli iyon.
Di ko napigilan ang aking satili , bigla kong naitapon papalayo ang singsing sa malayong sulok
"TAEHYUNG!! TUMIGIL KANAAA! HINDI NA KITA MAHAL!"
Nabasa ko na tuluyan siyang nabasag sa aking sigaw. Maging ang ibang tao ay nakisawsaw at tila naaawa sa kalagayan ng boss namin
Kailangan eh.
Kailangan.
Napaluhod siyang muli sa sahig. "Bawiin mo ang sinabi mo... bawiin mo"
"Hindi." Matigas kong sabi.
Lumakad siya papalapit sa akin habang nakaluhod , ngunit umaatras ako ng umaatras habang nakaalalay sa akin si Jimin.
"Bridgette naman eh , kailangan mong malaman na ----