CYRUS LYNZADERAS
+Iyo Morimoto_______________________
"Opo , Boss , Nandito na po sila"
"Yeah", tamad kong sabi. "Just tell them that I'm on my fvcking way"
Tinapon ko ang cellphone ko sa gilid ng upuan. At ginulo ang aking buhok.
Mambababae pa yung tao tapos naistorbo dahil lang sa trabaho-trabaho na 'yan.
Bakit pa kase kailangang magtrabaho! Grrrr. Bakit pa naimbento ang pera?!!!
Napatingin ako sa harapan ko ng makita ko ang isang lalake na tumatakbo. May hawak itong bag at sa likod nito ay isang babae na tumatakbo.
Malaki at maluwang ang damit ng babae , naka-bonnet pa ito ngunit nakikita ko pa rin ang malalaki n'yang pakwan na nagsisitalunan.
Napakagat ako sa labi.
Pwede na 'to, kahit mukhang tibo.
Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse ko upang ma-bunggo roon ang mama.
Tumilapon agad ito at nabitawan ang bag. Bago pa ito nakatayo , binigyan ko iyon ng isang suntok kaya't ito'y nawalan ng malay.
Lihim akong napangisi sa utak ko ng madampot ko ang bag ng dalaga.
Pasimple kong tiningnan ang hulma ng katawan n'ya mula paa hanggang ulo.
"Miss , is this yours?"
Siguro nakita n'ya naman ang ginawa ko r'on magnanakaw , baka pwedeng pa-isa lang.
Habas na kinuha n'ya sa kamay ko ang bag at inismiran ako.
Pota.
Inismiran ako.
"Salamat.", pabalang n'yang saad at saka tumalikod sa akin.
Ako? Ginanon? Isang Cyrus Lynzaderas? Ginanon lang? Inismiran tapos pabalang pa magsagot.
Baka kung ibang babae 'to , niyakap at pinaghahalikan pa ako pero iba 'to. May pagka-animal.
Tinalikuran ako men , ang gwapo ko para talikuran lang!
Agad kong hinawakan ang braso n'ya at hinarap s'ya saken.
"Ah----Ano bang problema mo , hinayupak ka?"
Napakurap ako. Ako hinayupak? Kilala n'ya ba kausap n'ya. Isa pa. Bubuhatin na kita , at ipasisigaw ko sa'yo ang salitang ligaya!
"Hey , Miss , nakita mo naman na tinulungan na kita , tapos ang taray mo pa!"
"Kung tulong ang tawag mo sa pagnanasa , salamat na lang. Kung tingnan mo'ko , parang naka-panti at bra lang ang kausap mo!", singhal n'ya pabalik.
Bakit n'ya nalaman 'yon.
Napakalas ang hawak ko sa kanya nang maangas n'yang inalma ang braso n'ya. Dinuro n'ya ako gamit ang daliri.
"Hoy Mister , kahit 'di mo'ko tulungan , mapapatulog ko 'yang magnanakaw na 'yan. Umepal ka lang e"
Aba , sumo-sobra na ang isang 'to ah!
Agad kong hinila ang babae na 'to at hinalikan s'ya sa labi ng mariin.
Kahit na segundo lang 'yon , ay nanamnam ko ang lambot ng kanyang labi.
Nang kumalas s'ya sa akin ay nakatanggap ako ng isang sapak.
Ouch , mahapdi.
Napahawak agad ako sa panga ko.
"Pasalamat ka nga hinalikan ka ng isang Cyrus Lynzaderas , aayaw ka pa!"
