Prologue

5 2 0
                                    

Ito ang mundo ng "Sandaigdig". Ang mundo na nababalot ng malalawak na mga dagat, mga matataas na bundok, mga nagbabagang mga bulkan, mga matatayog na kagubatan, mala gintong disyerto ng buhangin, mga islang nababalot ng yelo at iba't ibang mga kaharian. Dito rin naninirahan ang mga iba't ibang uri ng mga kakaiba at mga makapangyarihang mga nilalang sa karagatan, kalupaan, kagubatan at sa kalangitan.
Sa kabila ng kagandahan ng mundo ng "Sandaigdig", ito ay nababalot parin ng mga misteryo at mga alamat. Ang "Sandaigdig" ay nabubuhay sa mahika at mga kwento patungkol sa mga dios, mga hari, mga mandirigma, mga halimaw, mga salamangkero, mga pirata, mga madugong digmaan, mga sinumpang mga armas, mga batong crystal na nagbibigay ng kapangyarian, mga misteryosong mga aklat at kaharian na nababalot ng kadiliman at kamatayan.
Sa kabila ng panganib, mga nakakatakot na halimaw at mga delikadong lugar ay marami parin ang nais malakbay ang buong mundo. Ngunit ang mga matatapang at may mga sapat lamang na lakas ng loob na sagupain at makipagsapalaran sa mundo ng "Sandaigdig" ang mga maaaring magtagumpay upang malaman ang sekretong natatago ng mundong ito. Ngunit hindi lahat ng mga nakikipagsapalaran sa mundong ito ay nagtatagumpay at nahahanap ang nais nilang makita, at iilan lamang ang nagtagumpay makita ang sekreto at kayamanan ng mundong ito.
Ang kahariang "Adventia" isa sa mga malalaking kaharian sa buong "Sandaigdig". Tahanan ng mga "Adventian" isang lahi ng nga maharlikang pamilya, isa sa mga pamilya na nakipaglaban sa dating hari ng kadiliman at kamatayan. Sa paglipas ng panahon nanatiling tahimik at mapayapa ang buong kaharian at ang mga nasasakupan nito. Nagkaroon ng tahimik na pamumuhay sa pagitan ng mga tao, at mga kakaibang nilalang na namumuhay sa lupain ng "Adventia". At dito din matatagpuan ang isang maliit at payak na bayan ang "Indan".
Ang "Indan" ay isang maliit na bayan lamang na nakatago sa timog kanlurang bahagi ng kagubatan ng "Narrara" isang malawak na kagubatan na nababalot ng matatayog na iba't ibang uri ng mga puno. Ito rin ay malapit sa malawak na "Karagatan ng Perlas", kaya sagana ang pamumuhay ng mga tao dito. Nasa isang daan at limampu lamang ang taong naninirahan dito. Pangingisda, pag-aalaga ng mga hayop at pagbubukid lamang ang kinabubuhay ng mga taong naninirahan dito. Dahil sa malayo ito sa kapitolyo ng kaharian ng "Adventia", ito ay malayo sa ingay at gulo sa loob ng kaharian. Payak at tahimik ang pamumuhay ng mga tao dito at para sa kanila walang espesyal sa bayan na ito. Maliban sa isang lumang aklatan.
Sa dulong bahagi ng bayan, sa isang burol ay natatago ang isang lumang aklatan. Isang luma at mataas na gusali ang aklataan na ito. Isa sa mga malalaking aklatan sa mundo. Tinatawag din itong "Aklatan ng mga Tactirian". Isang aklatan kung saan nakalagay ang libo libong aklat patungkol sa mga iba't ibang kaharian, lupain, mga nilalang, mga halaman, mga kasaysayan at iba't ibang kwento at alamat at iilang mapa ng mundo ng "Sandaigidig". Ang gusali ay may taas na pitong palapag, ngunit may iilang bahagi na ng gusali ay tila bibigay na dahil sa katandaan nito. Ang bawat palapag ay mga ibat ibang aklat ang maayos na nakalagay sa bawat aparador. at sa gitna ng gusali ay may nakatayong istatwa ni "Christopher Lizar" ang kauna unahang manlalakbay na halos malibot na ang mundo at ang mga may akda ng halos lahat ng aklat sa aklatan. Pinaniniwalaang maraming sekretong nalalaman at tinatago ang manlalakbay, at eto ay isnulat nya sa kanyang mga espesyal at sekretong aklat. Ngunit marami na ang naghanap nito ngunit wala ni isa ang nakakita, kaya pinaniniwalaang wala talagang ganong aklat na sinulat si "Lizar". Sa tuktok ng gusali ay may malaking replika ng globo ng mundo ang nakatayo at kapansin pansin din ang simbolo ng mga "Tactirian" na nakatatak sa pintuan ng aklatan. Isang grupo ng mga iskolar na ang tungkulin ay ingatan at pangisawaan ang mga aklatan. Ngunit dahil nga sa katandaan ng gusali ay may mga bahagi na ng globo ang nabutas at mahuna na. Mahigit isang daang taon na ang nakakalipas ng itayo ang siyam na malalaking aklatan. At isa ang aklatan sa bayan ng "Indan" sa siyam na malalaking aklatan sa mundo, upang dito mapanatiling buhay ang kasaysayan ng mundong na sa mga aklat na sinulat ng mga iskolar at mga manlalakbay. Maraming mga manlalakbay mula pa sa iba't ibang lugar at kaharian ang nagpupunta sa aklatang ito, ngunit sa paglipas ng panahon at dahil din sa mga digmaang nagdaan ay unti unti, hanggang sa halos wala ng nagpunta sa aklatan. At kahit ang mga taga rito ay bihira na lamang pumunta sa aklatan. Ang mga taga pangalaga na lamang ng aklatan ang patuloy na nagmamalasakit sa lugar na ito. At ang isang bata na nahilig magbasa ng mga iba't ibang aklat at mga mapa.
    Si Tramyar ay isang batang lalake na mahilig sa aklat at simpleng namumuhay sa bayan ng Indan. Si Tramyar Brightside ay labing apat na taong gulang, may katamtamang pangangatawan, kayumangging balat, kulay itim na mga buhok at , kulay abo na mga mata.
    Pangalawang anak ng mag-asawang Ricardo at Marilyn Brightside. Mula ng umalis ang kuya ni Tram upang maging sundalo sa kapitolyo ng kahariang Adventia ay si Tram ng ang naging katuwang ng kanyang mga magulang sa kanilang bukid, sa pag aalaga ng kanilang mga alagang hayop at iba't ibang mga gawain.
Ang bawat tahanan sa bayan ay kusang nagbibigay ng pagkain sa mga taga pangalaga ng aklatan, at madalas na si Tramyar ang nauutusang magdala ng pagkain sa akltan. Kaya mula noon ay naakyat sya ng burol upang maghatid ng pagkain sa mga taga pangalaga ng aklatan. At sa tuwing napunta sya sa aklatan ay madalas syang kuwentuhan ng mga tagapangalaga nito at madalas din syang nagbabasa ng iba't ibang aklat. Mula noon ay nahilig na syang pumunta sa aklatan pagkatapos ng kanyang mga gawain at sa tuwing sya ay maghahatid ng pagkain. Pagkamangha ang laging nararamdaman ni Tram sa tuwing nababasa nya at napapakinggan ang mga kwento ng mundo. Kwento patungkol sa mga Dios na dating nabubuhay sa mundo, mga digmaan ng mga iba't ibang kaharian at mga hari nito, mga kagitingan ng mga dating bayani, at paglalakbay ni Christopher Lizar sa iba't ibang misteryoso at mapapanganib na lugar sa mundo. Dahil sa pagkamangha ay pinangarap ni Tram makita ang iba't ibang lugar sa mundo at malaman ang sekreto ng mundo ng "Sandaidig". At ito ang kwento ni Tramyar Brightside, ang taong nais malibot ang buong mundo.

ANG TAONG NAIS MALIBOT ANG BUONG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon