" Ang Lihim ng Aklatan "
Isang magandang umaga na naman ang sumapit sa buong bayan ng Indan. Maagang nagsigising ang mga magsasaka at nag aayos naman ng mga lambat at kani-kanilang mga bangka, upang pumalaot ang mga mangingisda. Sa Plaza ay maririnig na ang ingay ng mga nagtitinda sa palengke. Ang ingay naman ng mga naglalarong kabataan ang maririnig sa kalsada. Sa gitna ng plaza ay makikita ang isang replika din ng isang globo ng mundo na katulad ng nasa itaas ng aklatan. At tuwing sasapit ang gabi ito ay lumilinawag dahil ang loob nito ay nagsisilbing malaking sulo. Kapag sasapit naman ang umaga ay pinapatay ito ng tagapagbantay ng plaza. Masaya ang bawat tahanan sa maliit na bayan at masagana ang bawat ani ng mga magsasaka at mangingisda.
Sa tahanan nina Tram ay may dalawang bisita ang pumunta. Si Ginoong Saiyas at Ginoong Abraham. Si Ginoong Saiyas Gold ay apatnaput pitong taong gulang, matangkad, may kayumangging balat, itim na buhok at itim na mga mata at amg Ama ni Vee. Si Ginoong Abraham Spiral naman ay limamput limang taong gulang, medyo mababa, malaki ang pangangatawan, kayumanggi, itim na buhok at berdeng mga tao at ang Ama naman ni Drew. Ang dalawa ay magsasaka din tulad ng Ama ni Tram. Naabotan ni Tram na nag aalmusal ang mga magulang at ang mga bisita ng kanyang Ama. "Magandang umaga anak" bati ng Ama ni Tram habang hinila nito ang upuan upang makaupo ang anak.
"Sumabay ka na ng almusal", yaya naman ng Ina ni Tram sabay iniabot ang plato.
"Magandang umaga po Ama, Ina.. magandag umaga din po Ginoong Saiyas.. Ginoong Abraham", bati ni Tram sa apat. Umupo si Tram sa tabi ng kanyang Ama at inabot ang platong iniabot ng kanyang Ina. Habang nakain si Tram ay tahimik na nakikinig si Tram sa usapan ng kanyang Ama at ng kanyang mga bisita.
" Di ako makapaniwalang magkakaroon ng digmaan sa mga kaharian ng VoinStrana at Qiu Guótû" malungkot na sambit ni Ginoong Saiyas. "Alam naman nating may malalakas na hukbo ang bawat kaharian pero ang isipin na sila ang maglalaban ay nakakalungkot" muling wika nito.
"Nakakalungkot talagang isipin na pagkatapos nilang magtulungan upang matalo ang dating Dios na si Cithen at talunin ang kahiran ng Dictorian ay sila pa ngayon ang maglalaban." sabat naman ni Ginoong Abraham.
"Isa pa, marami na namang mga tao ang madadamay, buti pa ang Elves ng Thoria at mga Krongle ng Anirnia ay di na ata makikialam sa gulo at ayaw na nilang may dumanak pang muling dugo mula sa kanilang mga kalahi", muling wika Ginoong Saiyas. habang muli itong humigop ng mainit na kape. "Sa tingin nyo ba ay muling makikialam ang mga Dios?" seryosong tanong nito.
Biglang tumahimik ang buong hapag kainan at tila napaisip ang bawat isa sa tanong ng ginoo. Habang natahimik sila ay mabilis na inubos naman ni Tram ang pagkain, na tila di niya napakinggan ang usapan ng matatanda patungkol sa digmaang maaring maganap. Dali dali itong uminom ng tubig at nagpasalamat sa pagkain. " Ama, maaari na ho ba akong pumunta sa aklatan?" biglang tanong ni Tram sa Ama. Napangiti ang Ama at tila nawala ang alalahanin nito patungkol sa digmaan ng magsalita ang anak at makita itong nakangiti at tili di natatakot sa maaaring dumating na digmaan.
"Oo naman anak maari ka ng umalis, mag aral ka ng mabuti at maari ka ring makipaglaro sa mga kaibigan mo", wika nito sa anak.
"Oo nga Tram at yayain mo na din ang anak ko, upang matutu naman ito sa pagbabasa Hahahahahaha" patawang biro naman ni Ginoong Saiyas.
"Sige po," sagot ni Tram. Nagmano at humalik sa pisngi ng kanyang mga magulang at nagmano din sa dalawang ginoo bago ito lumabas. Ngunit muli itong huminto ng saglit at tumingin sa kanyang mga magulang. "Huwag po kayong mag alala kay Kuya, matapang at malakas po yun, tulad niyo Ama", wika ni Tram sabay muli itong tumakbo palabas ng bahay.
Napangiti ang mga magulang ni Tram. "Tama si Tram alam kong ligtas si Ickyr" mahinahong sambit ni Marilyn habang ito ay naghuhugas ng pinggan.
Mabilis na tumatakbo si Tram papuntang burol at sabik na muling makapagbasa ng panibahong aklat ng makita niyang muli ang mga kaibigan. " Hoy..... Tram", malakas na hiyaw ni Drew sa kaibigan. Nasa itaas ng puno ng Mangga sina Drew at Vee ng ito ay kanyang lapitan.
"Halika Tram umakyat ka dito, mamaya ka na pumunta sa aklatan", pagyayayang sambit ni Vee kay Tram. Pumitas ng isang hinig na bunga si Vee at initsa ito kay Tram. " Salo",wika nito.
Sinalo ni Tram ang hinog na bunga. "Salamat Vee.. pero bukas na lamang ako senyo sasama umakyat ng mga puno kelangan ko kasing ibalik itong libro sa aklatan eh", wika ni Tram habang nakangiting tumingalala sa taas ng puno.
"Sigurado ka ba Tram? Mas masaya kayang umakyat at kumain ng mga bunga nito", panghihinayang na wika naman ni Drew.
" Sige ayos lang Tram..", wika ni Vee habang muling nag itsa ito ng hinog na bunga. "Sige ba basta magsabi ka lang" muling sambit ni Vee habang masayang naglalambitin sa taas ng puno.
"Biglang napansin ni Tram na dalawa lang sila ni Vee at Drew na madalas ay tatlo silang magkakasama. "Teka.. asan si Kcid?", tanong ni Tram. "Bakit di sya sumama sa inyo?", muling tanong niya sa dalawa.
"Nagtatampo kasi unanong yun Hahahaha" pangaasar na wika ni Vee.
"Nasa aklatan din siguro yun Tram" sabat ni Drew. "Nagtalo kasi sina Kcid at Vee, dahil sa pangalan ng isang alamat patungkol sa mga insektong tumutugtug ng mga instrumentong pang musika.. hanggang sa inasar na siya ni Vee dahil wala namang ganung mga nilalang di ba?" muling wika ni Drew.
" Sige na Tram pumunta kana sa aklatan at sabihin mo na humihingi ako ng tawad, Hahahahahahaha" wika ni Vee, at muli itong naglambitin paitaas ng puno.
"Sige, ingat kayo.. paalam" masayang umalis si Tram at iniwan ang dalawang kaibigan. Kahit mas madalas na nasa aklatan o kaya bukid ay naging matatalik na kaibigan niya sina Vee, Drew at Kcid, di lang dahil sa magkakaibigan ang kanilang mga tatay, dahil mula sa pagkabata pa ay magkakasama na at magkakaibigan na ang apat na bata. Natutuwa si Tram sa mga ugaling taglay ang mga kaibigan. Si Vee ay maloko at mahilig mang asar. Mahilig din itong makipag away at madalas ito ang nagtatanggol sa tatlo kapag sila ay inaaway ng ibang mga bata. Habang si Drew ay Mahinahon, maramdamin at mahilig kumain. Ang pinaka bata namang si Kcid, ay tahimik, mahusay din ito sa halos lahat na bagay dahil madali itong matuto dahil likas na matalino s i Kcid. Siya rin ang madalas namang biruin ni Vee. Ngunit magkakaiba man ang ugali ng bawat isa ay lagi parin silang magkakasama at marami nadin silang napagkuwentuhan, napagtawanan at napagsamahan. Kaya kahit di man sila madalas na magkakasama ay matuturing sa silang tatlo ang mga matatalik na kaibigan ni Tram.
Sa pagdating ni Tram sa harapan ng aklatan ay napansin niyang nakatayo si Kcid. Dali daling tumakbo palapit si Tram kaibigan. "Kcid!", pagtawag ni Tram sa kaibigan. " Kcid, sabay na tayong pumasok" wika niya sa kaibigan.
"Uy, Tram, sige sabay na tayo" sagot ni Kcid. "Pero wala pa si Gurong Morrel eh", wika niya habang naghihintay kay Ginoong Morrel.
" Ah, kaya pala nakatayo ka pa diyan, oo nga noh? bakit kaya wala pa si Gurong Morrel?", tanong ni Tram. " Nga pala nakasalubong ko sina Vee at Drew habang papun.."
" Wala akong paki sa kanila!", galit na wika ni Kcid. Kapansin pansin sa mukha ni Kcid ang sobrang inis sa mga kaibigan. "Nakakainis sila!" muling wika nito.
" Ganun? pero nag aalala sila at humihingi sila ng patawad sayo" wika ni Tram sabay akbay sa kaibigan. " Pag pasensyahan mo na lamang sila, kahit yung mga yun tunay na kaibigan naman sila at patuloy parin silang nag aalala sayo", muling wika ni Tram.
" Pero di man lang sila naniniwala sa mga kwento at patuloy silang nang aasar," paiyak na wika ni Kcid.
"Huwag ka ng magtampo Kcid naniniwala yung mga yun sa iyo at naniniwala din ako", wika nito. "Dahil nabasa ko din sa aklatan ang patungkol sa mga isang lahi ng mga Krongle na mahilig sa musika, at alam kong mahilig ka sa musika".
" Oo at nag aaral ako tumugtug ng gitara" wika ni Kcid at tila bumalik ang sigla nito. "Gusto kong mahanap ang nawawalang maalamat na gitara ni TomFrusciante, ang pinaka mahusay na musikero sa buong mundo" pagmamanghang wika ni Kcid.
" Nabasa ko din ang patungkol sa kanya, isa siya sa mga naging kasamahan ni Christopher Lizar sa paglalakbay at.." biglang naputol ang usapan ng dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng aklatan.
" Pasensya na sa paghihintay mga bata, meron lang kaming pagpupulong na nagaganap", wika ni Ginoong Morrel. " Pasensya na ngunit di muna namin kayo pwedeng papasukin sa loob ng aklatan mga bata, meron lang kaming mahalang pinag uusapan", malungkot na wika ng Ginoo sa dalawa.
" Po? kanina pa naman po kami dito nakatayo kakahintay..", inis na wika ni Kcid. " Bakit di po kami pwede puma.."
Pinutol ni Tram ang kaibigan sa paminilit nito. " Ayos lang po Gurong Morrel nauunawaan po namin", sagot ni Tram sa Ginoo.
" Pasensya na talaga mga bata, napaka importante lang ang aming pag pupulong, dumating pa dito ang ibang mga pantas mula sa kapitolyo upang makipagpulong kay punong guro", sagot nito. " Pasensya na talaga", muling wika nito sa mga bata.
Ngunit tila nainis si Kcid sa dahilan ng Ginoo at ayaw pa nitong umalis sa aklatan. " Ayos lang po Gurong Morrel", wika ni Tram sabay hinila nito ang kaibigang namimilit pumasok. " Halika na Kcid" wika nito sa kaibigan habang hinila nito ang kaibigan paalis ng aklatan.
" Ano bang ginagawa mo Tram?", tanong ni Kcid. " Kanina pa tayo naghihintay pero di naman pala tayo papasukin? sinong di maiini.."
" Tumahimik ka Kcid ", wika ni Tram at tinakpan nito ang bibig ng kaibigan, habang nagtago ang dalawa sa likod ng isang puno. " Tumahimik ka Kcid, papasok tayo may alam akong lihim na daan papasok ", pabulong na wika nito.
" Saan tayo pupunta Tram? at bakit ngayon mo lang sinabi?", tanong ni Kcid.
" Siyempre ginagamit ko lang naman ang daan na yun kapag di nila ako pinapasok sa loob at narinig mo ba na nandito ang mga Tactirian ng kapitolyo" pagmamanghang sambit nito. " Kaya di pwede na di tayo pumasok, gusto ko silang makita, kaya tumahimik ka lang at sumama sa akin ", wika ni Tram. "Sasama ka ba?", tanong nito sa kaibigan at wala namang pag aalinlangang sumama si Kcid. Nang makita ni Tram na pumasok na muli si Ginoong Morrel sa loob ng aklatan ay dadali itong tumakbo sa may kanluran bahagi ng gusali kung mag malaking puno ang nasa gilid nito. Umaakyat ang dalawang bata sa may puno at sa malapit ang isang sanga ng puno sa may bintana ng pangalawang palapag ng gusali. Tahimik at dali daling lumiban ang dalawa sa may bintana ng gusali upang makapasok.
Sa pag pasok ng dalawa ay napansin nila ang nakakabinging katahimikan ng pasilyo. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ng dalawa na tila merong sekreto sa nangyayaring pulong ng mga pantas. Habang pinapakiramdaman ng dalawa ang buong paligid ay nakita ng dalawa si Zac na patakbong bumaba ng unang palapag. Nagtingin ang dalawa at tila pareho ang nasa isip nila ang sundan ang Binatang Guro. Sa pagsunod nila kay Zac ay napansin nilang huminto ito sa isang pasilyo. Pinagmasdang mabuti ng dalawa ang binata na nakatayo sa harap ng pader, napatingin ang dalawa sa isa't isa ng biglang lumiwanag ang pader at nagkaroon ito ng isang pinto. "Isang lihim na pinto?", pabulong na tanong ni Kcid. Dali daling tinakpan ni Tram ang bibig ni Kcid upang di marinig at malaman ni Zac na may ibang tao. Pagbukas ng lihim na pinto ay pumasok ang binata at sa pagpasok niya, maya maya pa'y dahan dahan itong nagsasara. Di nag isip ang dalawa at mabilis silang tumakbo papasok ng pintuan.
Sa pagpasok nila ay biglang nagsara na nga ng tuluyan ang pinto. Puno ng lumiliwanag na kristal ang buong pader ng pasilyo. At patungo ang hagdan nito pababa. Muli napatingin ang dalawa sa isat isa, ngunit alam nilang huli na para umatras pa. Dahan dahang bumababa ang magkaibigan upang malaman ang sekreto ng aklatan. "Tram?" tanong ni Kcid na gulat na gulat sa kanyang nakita. Takot at kaba ang bumalot kay Kcid habang sila ay bumababa, ngunit patuloy padin sila sa paglalakad. Sa paglalakad nila ay naabot nila ang dulo ng pasilyo at nakita nila ang isang malaking kwarto na may malaking pintuan at may mga malalaking rebulto sa bawat tagiliran ng pinto. Dalawang rebulto ng mga Dios na si "Memorio ang Dios ng Alaala" ang nasa kaliwa at ang rebulto ni "Talisan ang Dios ng kaalaman" naman ang nasa kanan. Tram ano ang mga yan?" takot na tanong Kcid.
Dahan dahang lumapit si Tram sa rebultong nasa kaliwa. "Sila ang dalawang magkapatid na Dios, na sina Memorio at Talisan", manghang mangha si Tram sa kanilang nakita. Ngayon lang niya nakita ang mga itsura ng mga Dios na isa sa mga sinasabing lumikha sa buong "Sandaigdig". Si Talisan ay Dios ng alaala, isang nilalang na may katawan ng tulad ng isang tao ngunit nababalot ng mahabang kasuotan, at may mukha ng isang magandang babae. Si Memorio naman ay ang Dios ng Kaalaman, nababalot ng mahabang kasuotan ang buong katawan nito at may apat na mahahabang kamay at may mga hawak itong pluma. Nakatakip ang mukha nito ng maskarang nababalot ng mga simbolo, tila meron din itong mahabang balbas na lagpas na sa kanyang maskara at ito may mahabang sungay sa gitna ng noo nito. May mga bahagi nadin ng mga rebulto ang sira ngunit nakakamangha padin ito sa mga mata ng magkaibigan. Dahil sa laki ng mga rebulto ay tila nalimutan nila ang maaaring mangyari kung sila ay mahuhuli ng mga pantas.
Maya maya pa ay " Tram ! ang pinto!", wika ni Kcid. Nakita nito na dahan dahang bumubukas ang pinto. Sa sobrang gulat at kaba ay dali daling nagtago ang dalawa sa likod ng rebulto. Tahimik na naghintay at nakamatsag ang dalawa. May mga taong papalabas ng kwarto. May tatlong tao ang unang lumabas ng pinto at sa mahahabang kasuotan at malalamang sila ay mga pantas. May mga pandong sa ulohan ang mga pantas kaya di maninag ng dalawa ang mga mukha ng pantas.
" Teka lang po!" pasigaw na wika ni Zac sa tatlong pantas. Ngunit patuloy sa paglalakad ang mga pantas. " Wala ba tayong gagawin sa mga problemang ito? hahayaan lang ba nating matuloy ang bagong digmaan?" malakas na wika ni Zac. Sumunod si Ginoong Morrel at Ginoong Grandaf kay Zac. Napahinto ang tatlong pantas at lumingon ang isa sa mga pantas. " Alam kong may iba kayong problemang kinakaharap pero di natin pwedeng hayaan magkaroon muli ng isang digmaan dahil marami ang maaring madamay at mamat.."
" Ano naman ang maari nating gawin? " wika ng isa sa mga pantas. " Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, pero di natin pwedeng hayaang makuha ng mga Void ang isa mga makapangyaring armas!" wika ng pantas kay Zac. Napahinto si Zac at bakas sa mukha nito ang galit. " At lalo pang magiging malala ang sitwasyon kung malalaman pa nila ang sekreto ng mga Tactirian kung ano ang tunay na ginawa namin at sino naman ang maniniwala sa atin?", wika muli ng pantas. Tumulo ang mga luha ni Zac na tila ba naubusan na siya ng lakas ng loob. " Sana maunawaan mo ayaw kung madamay at maubos ang mga Tactirian, pagnalaman ng mga taga Voin Strana at Qiu Guótô ang katotohanan, at di lang sila ang kalaban natin, andyan pa ang mga Void" malungkot na wika nito kay Zac. Lumapit sina Ginoong Morrel at Ginoong Grandaf kay Zac at tinapik ang balikat ng binata. Muli ay nagpapatuloy sa pag akyat ang mga pantas ng biglang napahinto muli ang isa sa mga pantas at bigla itong naglago. Nagulat ang lahat pati nadin ang dalawang bata.
" Tram?" bulong ni Kcid kay Tram. Gulat na gulat ang dalawa sa paglaho ng isa sa mga pantas.
" Shhhh.. " wika ni Tram kay Kcid. Lumaki ang mga mata ni Tram at bumalot sa buong katawan ng bata ang kaba ng makitang nakatayo na sa likuran ni Kcid ang pantas na naglaho.
BINABASA MO ANG
ANG TAONG NAIS MALIBOT ANG BUONG MUNDO
AdventureSa malawak na mundo ng "Sandaigdig" na puno ng mga malimaw at mga mapapanganib na lupain. Marami ang nais lakbayin ang buong mundo at tuklasin mga sekreto at mga kayamanang natatago ng mundo. Marami ang nagtangka ngunit iilan lang ang nagtagumpay. N...