" Ang Batang Nangangarap Maglakbay"
" Magandang tanghali po Guro", magalang na bati ni Tram kay Ginoong Morrel, isa sa mga tagapangalaga ng aklatan.
" Magandang tanghali din", sagot ng ginoo. " Tila ata napaaga ka ng punta Tram, tapos ka na ba sa mga gawain mo?" tanong ng ginoo sa batang sabik na makarating sa aklatan.
" Opo" sagot ni Tram. "Maaga po kasi kaming nag umpisa ni Ama sa mga gawain sa bukid kaya napaaga din po kami ng tapos", sagot ni Tram sa ginoo. Tuwing natatapos ni Tram ang kanyang mga gawain ay nakasanayan na niyang maghatid ng pagkain para sa mga tagapagbantay at upang makapagbasa na rin sya ng mga iba't ibang aklat.
"Nakakatuwa ka talaga Tram", masayang wika ng matanda sa batang sabik na makapasok sa aklatan. "Marami sa edad mo ang pinili pa ang maglaro kaysa magbasa ng mga libro, unti nalang sa bayan na ito ang may interes pa sa pagbabasa ng mga aklat", malungkot na wika ng matanda.
"Para po sa akin ay nakakapanabik mag basa ng aklat, tila po kasi ako ang bida ng mga aklat at parang napuntahan ko na din ang mga lugar na napupuntahan nila" masayang wika ni Tram sa matanda. " Kaya nga po isang araw nais ko pong lakbayin din ang mundo, kung kaya ko lang po talaga", at tila nalungkot ang bata.
"Oh? bakit bigla kang nalungkot? dahil sa pangangatawan mo akala mo di mo na pwede malibot ang mundo?" tanong ng matanda kay Tram na tila pinapalakas nito ang kanyang loob. "Naaala mo siguro ang kwento ng Prinseping si Randel, di ba? maliit at mahina man sya pero kinaya niya at nailigtas niya pa ang kaharian niya", muling wika ng matanda. " Binaba nito ang patpat na hawak at tinulak nito ang pinto.
Malaki at makapal ang pinto ng aklatan, at yari ito sa matibay na kahoy at bakal. May kabigatan at mahirap buksan ang pinto nito kaya di madaling makapasok sa loob ng gusali. Sa kabila ng matandang edad ni Ginoong Morrel ay malakas parin ito at tila di ininda ang bigat ng pintuan ng kanya itong buksan. Si Ginoong Morrel ay limamput limang taong gulang na at may kalakihan ang pangangatawan, kalbo na ang uli nito dahil sa katandaan, habang maputi at mahaba ang balbas ng ginoo. Kasing kulay ng nagbabagang apoy ang mga mata nito na tila lagi syang galit kabaliktaran ng ugali ng ginoo na tahimik at laging mahinahon. Dahil din sa may kalakihan ang boses at mga peklat at mga sugat sa mukha at katawan nito ay madalas din syang mapagkamalan na mahilig sa basag ulo. Dating sundalo ng kahariang "VoinStrana" si ginoong Morrel bago ito pumasok sa pagiging isang iskolar at tagapagbantay ng aklatan. Kaya maliban sa maraming kaalaman patungkol sa ibat ibang bagay ay mahusay din ito sa pakikipaglaban. Madalas siyang nakasuot ng puting kasuotang pang itaas at kulay abo naman ang ibabang pantalon. Madalas din itong may hawak na mahabang patpat na kahoy na tila isang sibat. Kapansin pansin din sa kanyang mukha at leeg ang mga nakatatak na simbolo ng mga "Tactirian", isang grupo ng Iskolar. " Oh, nguniti at pumasok ka na magiting na manlalakbay" muling wika ng matanda.
"Salamat Ginoong Morrel... tama po kayo darating din ang araw na buong tapang kong lalakbayin ang buong mundo", sambit ni Tram at daliang iniabot ang dala niyang pagkain at patakbong pumasok sa loob ng aklatan.
Sa sobrang saya ni Tram ay di niya napansin ang isang taong kanina pa pala siya inaabangan. Bigla nitong hinablot ang likurang bahagi ng damit ni Tram. "Aaaaaaahhhh!!!!" malakas na hiyaw ng bata dahil sa sobrang gulat.
"Hahahahahahaha" isang malakas na tawa ang bumalot sa gusali. " Daig mo pa ang isang babaeng Crescian sa lakas ng pagtili mo." wika ng lalake, sabay humalakhak muli ng malakas.
"Itigil mo yan Zac.." wika ni Morrel sa lalake sabay batok dito. "Niloloko mo na naman si Tram".
"Hahahahahaha... pasensya kana Tram" wika na Zac isa din sa mga tagapangalaga ng aklatan. Si Zac ay mahigit limang taon pa lang siya ay pumasok na siya bilang isang iskolar ng Tactirian. Kasabay niyang pumunta sa bayang ng Indan si ginoong Morrel at siya pinakabatang tagapagbantay ng aklatan sa Indan. Dalawamput limang taong gulang si Zac at may katangkaran ang binata. May katamtamang pangangatawan, may gintong buhok, mga puting balat at mga asul na mga mata. Dati din siyang miyembro ng isang maharlikang pamilya, ngunit di na niya ito binabanggit sa ibang mga tao kung saang pamliya siya nabibilang, maliban sa ibang mga tagapagbantay. Isang araw nalang ay pumunta nalang siya sa "Lizardia" ang pinakamalaking aklatan at templo ng mga iskolar.
" Gurong Zac, nagulat niyo po ako dun ah", wika ni Tram na nakangiti. "Pero di nyo ako natakot". Tumayo si Tram sa pagkakaupo nito.
"Talaga ba?? hahahahaha kung nakita mo lang sana ang mukha mo Tram... " pang aasar ni Zac.
"Itigil mo na yan Zac, hayaan mo na si Tram, upang makapagbasa na siya ng mga aklat" pagtatanggol ni Morrel kay Tram.
"Sige na, sige na" sabay inilagay nito ang kamay sa ulo ni Tram at ginulo nito ang buhok ng bata, at nginitian si Tram. " Sige na magiting na manlalakbay humayo ka na".
"Salamat po", masayang wika ni Tram. Muling tumakbo ang bata ng mabilis na tila sabik na sabik na sa mga panibagong kwentong mababasa. Ang ikatlong palapag ng aklatan ang pinakapaboritong puntahan ni Tram. Dito nakalagay ang mga paboritong mga aklat niya patungkol sa mga pakikipagsapalaran ng mga iba't ibang mga manlalakbay, Mga alamat patungkol sa paglikha ng mundo ng Sandaigdig. Ngunit ang pinakapaborito at madalas na binabasa ni Tram ay libro ng "Ang Paglalakbay ni Prinsipe Randel sa Kaharian ng mga Dragon", na isinulat ni Christopher Lizar. Ito ay patungkol sa isang prinsiping nais iligtas ang kanyang nasasakupan na sinumpa ng isang Salamangkero. Ilan rin sa paborito niyang basahin ay "Ang Devirnia ang Sinumpang Kaharian ng Kamatayan", " Mga Isla sa Langit", "Mga Taong Makina" at Aklat na patungkol sa mga sinumpang mga armas. Dito na halos nauubos ng bata ang kanyang oras sa pagbabasa ng mga aklat. Madami dami rin ang mga kabataang kaedad ni Tram pero mas nais niya pang magbasa ng mga aklat at tumingin ng mga mapa kaysa makipaglaro sa ibang mga bata.
Sa isang sulok ng ikatlong palapag ay nakaupo si Tram at tahimik na nagbabasa. Sa bawat pahina ay tila napapadpad ito sa ibat ibang lugar. Kita sa mga mata nito ang pagkamangha at tuwa sa bawat kwentong nababasa. Maya maya pa habang nagbabasa si Tram ay di nya napansin ang isang aninong unti unting palapit sa kanya.
"Tram, iho?"wika ng matanda na di napansin ni Tram ay nasa tabi na nya pala. Si punong tagapagbantay na si Grandaf Whiteshield ay pitumput dalawang taong gulang na. May katangkaran, payat na pangangatawan, mahaba at kulay abo ang buhok nito, mahaba din ang puting balbas ng matanda at may berdeng mga mata. Nakasuot ito ng mahabang kulay pulang kasuotan." Iho? kanina ka pa ba nariyan?" tanong ng matanda.
"Opo, punong guro.." magalang na sagot ni Tram habang inayos ang mga aklat na nakalat sa kanyang paligid. "Pasensya na po kung medyo magulo, aayosin ko naman po pagkatapos", wika ng bata.
"Ayos lang iho, masaya ako na palage kitang nakikita dito sa aklatan.. ikaw na lamang at yung batang si "Benidick" ang halos napunta dito pero di kasing dalas mo sa aklatang ito." masayang wika ng punong tagapagbantay na si Grandaf.
"Si Kcid po ba?.. opo mahilig din po yun basa kaso madalas na po niyang nakakasama sina Vee at Drew" wika ng bata.
"Bakit di ka makipaglaro sa kanila? tanong ng matanda habang umupo ito sa tabi ni Tram.
"Nakikipaglaro din po ako sa kanila minsan pero..." napatigin si Tram sa mga aklat. " Pero parang nalilibot ko po kasi ang mundo sa tuwing nababasa ko ang mga ibat ibang aklat patungkol sa mundo" masayang wika nito.
"Gusto mo bang libotin ang buong mundo?" tanong ng matanda. " Alam kong matapang ka Tram pero alam mo namang mapanganib ang mundo at maraming mga halimaw na nasa paligid." wika ng matanda. Napansin ng matanda na nalungkot ang bata. "Pe.. pero alam kong kakayanin mo naman basta magsumikap ka munang lumaki at lumakas hahahahahaha" masayang wika nito, upang mapawi ang lungkot ng bata. Pero napansin nito na di umepekto ang sinabi niya. "Pasensya kana Tram di ko nais na malungkot ka sa aking sinabi.." malungkot na wika ng matanda.
"Ayos lang po punong guro wag po kayo mag alala" ngumiti si Tram sa matanda. "Alam ko po na mahina ako at walang alam sa pakikipaglaban pero parte po ng pakikipagsapalaran ang panganib, at tulad po ng mga naunang manlalakbay ay di po naging madali ang pakikipagsapalaran nila pero di sila sumuko at nagtagumpay silang malibot ang mundo" masayang wika ni Tram sa matanda.
" Hahahahahahahahahahaha" malakas na tawa ng matanda ang kumalat sa buong silid. Tumingin ang matanda at inilagay nito ang kamay sa ulo ni Tram. "Nahiya ako sa mga sinabi mo iho, hahahahahahahaha ako pa ang nabigyan mo ng lakas ng loob kaysa ako ang dapat magbigay sayo nun," wika ng punong guro. "Pasensya kana muli iho sa aking mga nasabi kanina.. alam ko na mahina at di ka marunong sa pakikipaglaban at wala ka ring mahika o kapangyarian pero alam kong malilibot mo ang mundo gamit ng katapangan mo" wika ng matanda habang nakangiti.
Natahimik si Tram sa sinabi ng matanda pero bumalik sa mga labi nito ang saya. Kumuha ng isang aklat ang matanda at ibinigay kay Tram. " Ito iho iuwi mo muna ang aklat na ito at sa inyo mo na basahin mag gagabi umuwi ka na at nag aalala na ang iyong mga magulang" wika ng matanda. Tumayo ang dalawa. "Sige na iho umuwi ka na at ako na ang bahalang mag ayos ng mga ito", muling wika ng guro.
" Salamat po guro, sige po bukas po ulit" masayang wika ng batang nagmamadali na umuwi.
"Wag kang tumak... bo" wika ng matanda kaso mabilis na tumakbo ang bata. Napakamot na lamang ang matanda sa ulo at napangiti. Nang paalis na ang matanda ay napatingin ito sa isang madili na sulok kung saan nakaupo ang bata.
Sa pag uwi ni Tram ay nakita niya ang ilang mga tao na nag- uumpukan sa plaza. Tila may isang komusyon ang nagagana, " Digamaan isang malaking digamaan muli ang magaganap" wika ng isang lalake sa plaza. Hindi na ito binigyan ng pansin ng bata at dumiretso nalang sa paglalakad ng bigla nakasalubong ang tatlong kabataan.
"Tram sa aklatan ka na naman ba galing?", wika ni Vee. Si Victarion Gold labing apat na taong gulang. May katamtamang pangangatawan, may kayumangging balat, may itim at magulong buhok, mga singkit at kulay itim na mga mata, bungi ang gitnang ngipin nito at madalas din itong walang suot na pang itaas. Si Vee ang pinaka matangkad sa tatlong bata at kasing tangkad lang ni Tram.
"Hanga talaga ako sa tiyaga mong magbasa ng mga aklat Tram.." paghangang wika naman ni Drew. Andrew Spiral labing tatlong taong gulang. May katabaan ang pangangatawan may kayumangging mga balat, kulay itim na buhok, mga berdeng mga mata at mahilig din itong magsuot ng kulay asul na banda sa noo nito. "Ako kasi madalas akog antukin at makatulog sa tuwing magbabasa ako" wika nito sabay tawa.
"Tamad ka kasi" pang-aasar na wika naman ni Kcid. Benidick Perrytwinkle labindalawang taong gulang, may kaliitan ang pangangatawan, mga puting balat, manipis ang buhok nito sa ulo at may kulay kape ang mga mata nito at ang pinakatahimik sa magkakaibigan. Madalas itong nakasuot ng sombrero ng patalikod at mga salamin sa mata. "Pauwi kana ba Tram? " tanong nito.
"Oo eh, kanina pa kasi ako nasa aklatan" sagot ni Tram at sabay muling napatingin sa mga taong kanyang nalagpasan kanina. "Oo nga pala alam niyo ba kung ano ang pinag uusapan ng mga tao doon sa plaza?" tanong nito sa tatlong bata.
"Haaaaaaaaa? Di mo pa alam??" gulat na wika ni Vee.
" Digmaan na naman daw" mahinahong wika naman ni Drew. habang napaakbay kay Tram.
"Digmaan?, hindi ba't natapos na ang huling digmaan dalawampung taon na ang nakakalipas at nagkaroon na kapayapaan sa mundo?" pagtatakang sambit ni Tram.
" Sa dami mong nabasang aklat naniniwala ka parin sa kapayapaan?" pang aasar na tanong naman ni Vee, habang nakatitig at nakangiti ito kay Tram na tili ba nang aasar. " Alam naman nating kapayapaan lang naman ang nais ng ating hari pero hindi ito ang nais ng ibang kaharian", muling wika nito.
" Hahahahahahaha bakit naman ba tayo kakabahan o matatakot?.. malayo sa atin ang digmaan", wika ni Drew. "Ang kahariang VoinStrana at Qiu Guótû naman ang magdidigmaan at malalayo naman ang mga kahariang yun sa atin" masayang wika muli nito.
"Malayo man o malapit kailangang hindi matuloy ang digmaang yun" masigasig na wika Tram.
" At anuman ang magagawa ng isang batang tulad mo sa digmaan ng dalawang malalaking kaharian?" pang aasar na tanong ni Vee kay Tram. Habang inakbayan ito, " Ano?" muling tanong nito.
"Pero hindi ito magiging hadlang sa paggawa natin ng paraan" matapang na sagot ni Tram. "Alam naman natin ang mga naiwan ng mga digamaang nagdaan", malungkot na wika nito. "Kaya maaring gumawa tayo ng liham para ibigay sa ating hari upang makagawa sila ng para mapigilan ang digmaan", matapang na sagot ni Tram. "Kung maghihintay lang tayo at walang gagawin maaaring madamay din tayo sa digmaan", muling ni Tram.
Napahinto at napatahimik ang tatlo sa sinabi ni Tram. Tila napaisip ang bawat isa sa maaring mangyari kung matutuloy ang digmaan. "Alam ko kaibigan kaya nga sana di na matuloy ang digmaan diba??", nakangiting sambit ni Vee kay Tram habang nakaakbay.
" Tama di niyo na dapat iniisip ang mga bagay na ganyan" wika ni Ricardo ang ama ni Tram, na nakatayo na pala sa kanilang likuran at kanina pa pala nakikinig sa pag uusap ng apat. "Kaya tara na Tram umuwi na tayo at hayaan na ang mga bagay na yan", pagyayayang banggit nito sa anak. Inakbayan nito ang anak habang magkasabay na naglakad pauwi. Si Ricardo Brightside apatnaput limang taong gulang. Malaki ang pangangatawan, may katangkaran, kayumangging balat, itim na buhok at kilay abong mga mata.
"Sige ingat kayo.. ", pagpapaalam na wika ni Tram sa mga kaibgan habang kumakaway papalayo sa mga kaibigan.
"Kamusta ang hapon mo sa aklatan? marami ka naman bang nabasang mga aklat?" tanong ni Ricardo sa anak. Ngunit napansin nitong tahimik at tila malalim ang iniisip ng bata. " Hoy anak, ano bang iniisip mo? tungkol ba ito sa digmaan?" tanong nito sa anak. " huwag mo na isipin yun, alam kong di tayo pababayaan ng ating dakilang si Bathalum" masayang wika ng ama. (Si Bathalum ay isa sa mga Amang Dios ng Sandaigdig). Huminto ito at lumapit sa harapan ng mukha ni Tram at tila naging seryoso ang mukha nito. " Ang isipin mo eh kung paano mo hahanapin ang mga manok na nakawala dahil nakalimutan mong isara ang kulungan" wika ng ama ni Tram habang humalakhak ito ng malakas. " Patay ka na naman sa nanay mo..." muling wika ng ama ni Tram.
Nagulat at napahinto si Tram. Nanginig at bumalot sa mukha at buong katawan nito ang takot. "Haaaaaaaaaa!!!" malakas na hiyaw ni Tram. " Patay ako kay ina" sambit niya habang paikot na tumatakbo aa kanyang ama. "Itay, pano na? ang alam ko po ay sinara ko ang kulungan bakit sila nakawala?" paiyak na wika ni Tram.
Habang maiyak iyak na si Tram eh may isang tinig siyang narinig. "Hoy ano pa bang ginagawa niyo dyang dalawa?" wika ng tinig. Sa paglingon ni Tram ay nahiyaw ito ng napakalakas "ahhhhhhhhhhhhh!!!! inay ko po!!! aaaaaaahhhhhhhh!!" ang malakas na sigaw ni Tram ng makita ang kanyang ina.
"Ano bang sinisigaw sigaw mo dyang bata ka?" wika ng ina ni Tram. Si Marilyn Brightside ay apatnaput anim na taong gulang, may kalakihan din ang pangangatawan, maputing balat, mahabang buhok na kulay pula at mga singkit na kulay asul na mga mata. Napatingin ito sa anak." Ano bang nangyayari sayo? Tram" tanong nito sa anak.
"Inay... pa.. pasen..sya na po kung nakawala ang mga manok" malungkot na wika nito sa kanyang wika. At tumakbo ito at yumakap sa kanyang ina. "Patawad po inay" muling wika ni habang umiiyak.
"Ha? pero kompleto naman ang lahat ng manok ah??" pagtatakang tanong ni Marilyn.
Napatingin si Tram sa kanyang. "pe.. pero sabi ni.. ama? haaaa??" muling sigaw ng bata habang humalak ng malakas ang kanyang ama.
"Hahahahahahahahahaha sabi ko na nga ba eh hahahahahaha" malakas na tawa ni Ricardo. "Kakamadali mo kasi makarating sa aklatan di mo na naaalala ang mga ginawa mo ahahahahaha" muling wika nito. " Nakakatawa ang mukha mo anak, Hahahahahahaha namumutla na ang mukha mo sa sobrang takot mo sa iyong ina hahahahahaha" pang aasar na wika nito sa anak. Habang napangiti na lamang ang asawa nito.
Napahinto si Tram sa pag iyak at napatingin sa kanyang mga magulang. Tumawa nadin ang kanyang ina habang naglulumpasay sa kakatawa ang kanyang ama. Sa saya ng pagtawa ng kanyang mga magulang ay napatawa nadin si Tram ng malakas at tila nalimutan na ang gulo ng mundo.
BINABASA MO ANG
ANG TAONG NAIS MALIBOT ANG BUONG MUNDO
AdventureSa malawak na mundo ng "Sandaigdig" na puno ng mga malimaw at mga mapapanganib na lupain. Marami ang nais lakbayin ang buong mundo at tuklasin mga sekreto at mga kayamanang natatago ng mundo. Marami ang nagtangka ngunit iilan lang ang nagtagumpay. N...