Part 3

12 2 0
                                    

"Oy Matandang babae! Im baaaackkk!!!!!" sigaw netong paranoid na lalaking kasama ko. "Ikaw ata etong sumayad ang utak eh! Malay mo walang tao jan!"

"Shuddap! Wanna die, ha?!"

"Ugh! Kanina pa ako patay! Di mo pansin nuh? Slow much.."

Sinamaan niya ako ng tingin at mangaasar pa sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

Naglakad sa harap namin ang isang matandang babae na naka suot ng wierd na damit.

Buong katawanan niya napapalibutan ng tela! Aish, ano to? Takot sa germs?

"Sinong kasama mo Prinsepe?" ngumiti siya saamin

Teka anong sabi niya? Prinsepe?! Weeeeeeh!!! Maniwala! Etong bosabos na lalakeng to?

Hahahahahaha!!! Pate ata si lola sumayad ang utak!!

"Ah, si Yuki po. Kaibigan ko po siya, tinutulungan ko lang po." Wow ha! Kaibigan?! Tse!

"Hmmm..." tinitigan ako ng lola. "Ah, isa nalang siyang kaluluwa. Kailangan mo ng gamot para mabuhay siya muli."

"Ah opo, kaya po ako nagpunta ulit dito."

Pumasok ang babae sa kanyang madilim na bahay, habang kami ni Taichi naiwan sa labas. "Kaano ano mo yun?" tanong ko sakanya, "Wala kanang pake dun." sagot niya saakin. Grabe ah! Kanina lang ambait bait niya saakin tapos bigla sasama!

Oo nga pala, kanina lang tinawag siyang prinsepe, di talaga ako makapaniwala dun pero siguro, sa sobrang tanda, medyo kinalawang yung ulo ni lola...

Mayamaya pa ay bumalik na siya. "Eto nalang yung nakita kong gamot. Kailangan muna ni Yuki maging ibang tao at pagkalipas ng 100 na araw, kailangan niya nang inumin lahat ito. Kung tutuusin, ganoon parin ang pangalan niya, ngunit ang dating Yuki na kilala ng mga kaibigan niya, ay mawawala. Pero kapag ininom mo na ito, babalik na ang dati mong buhay.... Ngunit hindi ko nga lang alam kung saang parte ng buhay mo ikaw babalik. Kainin mo ito. Ito ang magiging katawan mo sa ngayon." binigay niya saakin ang isang maliit na berdeng bato at ang gamot.

"Kapag nasa mundo na kayo ng mga tao, lunukin mo na yang bato." sabi ng matanda.

"Sige po, salamat po." tugon ko sakanya.

"Nga pala, bukas ng umaga ang unang araw!" sigaw niya.

Dumeretso na kami ni Taichi paalis, at pabalik naman sa mundo namin.

Tahimik kaming naglakad, nang tignan ko siya, mukang napaka seryoso niya..

Kakausapin ko sana siya pero bigla kaming tumigil,

"Sandali."

Tumingin ako sakanya, "Hah? Bakit?"

"May pupuntahan pa tayo."

Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 Days with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon