I DO | 13

393 16 1
                                    

Dear HAHAHA, maraming salamat dahil nandyan ka sa mga panahong speechless ako.

¤°.¸¸.•´¯'»¤°.¸¸.•´¯'»¤°.¸¸.•´¯'»¤°.¸¸.•´¯'»¤°.¸¸.•´¯'»¤°.¸¸.•´¯'»

ilang araw at taon ang nakalipas ay malaki laki na ang tiyan ni Julie, pinagpatuloy pa din nya ang pag aaral nya kahit may baby bump na sya. Napag uusapan nga sya sa school nila nang malaman nilang buntis si Julie pero hindi pinapansin ito ni Julie kase alam nyang blessing ang pagdating ng baby na nasa tiyan nya. Tuwang tuwa naman ang tatlong best friend nya kase kahit na buntis si Julie ay maganda pa din sya at kita pa din ang pagka sexy nito kahit buntis ito. Hindi naman pinapabaayan ni Elmo si Julie pero hindi pa din nasasabe ni Elmo sa parents nito na buntis si Julie pero naghahanap pa sya ng time para sabihin ito sa kanila. Andito nga pala si Elmo sa bahay nila Julie dahil dinalaw nya ito, naka upo silang dalawa sa sofa sa may living room ng bahay nila Julie, nakapag pa ultra sound na sila at babae ang anak nila ni Elmo at eto sila at nag iisip ng ipapangalan sa baby nila..

Elmo: (naka upo sa sofa habang hawak ang kamay ni Julie) Anu bang gusto mong ipangalan sa baby natin?

Julie: (habang hawak ang tiyan nya) mmmmm *nag iisip* Ikaw ba?

Elmo: Anu kaya kung Anna Karylle?

Julie: Uhm, Pwede din pero parang maganda din ang Eve Christine?

Elmo: Pwede rin, kung anu kaya Uhm. Alam ko na let's name her Gummy, what do you think?

Julie: Seriously? Gummy?

Elmo: Kase diba sabe naman ni Doctora na pag labas nya ay our baby wil be a size of a gummy bear

Julie: Oo nga anu, haha. Gummy Nicolette San Jose Magalona. I Like That

And its settled, Gummy Nicolette na ang name ng baby nila! Sa pag iisip nilang dalawa ng pangalan ng baby girl nila ay nakaramdam ng Gutom si Julie kaya pinagluto nya si Elmo ng Pancake (yun kase ang hinahanap nya) at nagluto naman si Elmo ng Pancakes na gusto ni Julie. Pagkaluto ni Elmo ng pancakes ay ibinigay nya agad ito kay Julie at saka naman kumuha si Julie ng ketchup na may butter at syrup at inilagay nya ito sa pancakes at kinain nya naman ito. Pagkakain yun ni Julie ay nakaramdam ito na inaantok ito kaya pinag bed rest na muna ni Elmo si Julie sa kwarto nito at saka na sya umuwi...

*****

Elmo's Point Of View

Siguro nga eto na yung time na sasabihin ko na sa parents ko yung tungkol sa pagbubuntis ni Julie, ayokong itago ito sa kanila. Sana naman ay wag silang magalit sa sasabihin ko...

*Sa Bahay Ng Mga Magalona*

Nadatnan ni Elmoang parents nya at kapatid nyang babae kasama ang akong nya na kumakain ng meryenda. Nakita naman sya ng kapatid nya at niyaya itong kumain at sumalo naman sya sa mga ito..

Elmo: Uhm, Ma. Pa?

Pia: Anu yun Elmo? 

Elmo: May sasabihin po kase ako sa inyong lahat

Yuki: (yan yung pangalan ng step father ni Elmo) nakatingin lang habang nagsasalit si Elmo

Elmo: Anu po kase, Si Julie po (nanginginig sya habang sinasabe nya ito)

Pia: Oh, anung meron kay Julie?

Elmo: Kase po, Uhm. A e i, Uhm, Nabuntis ko po sya

Nagulat naman ang Mommy ni Elmo sa sinabe nito at parang galit naman ang step dad ni Elmo at akmang susuntukin na ito pero pingilan ito ng mom ni Elmo. Kinuwento ni Elmo ang lahat kung paano nangyari na nabuntis nya si Julie at sinabe na rin nya na gusto ng Papa ni Julie na ikasal agad sila. Hindi naman nagsasalita ang akong ni Elmo at nakikinig lamang ito. Umakyat sa taas ang step dad ni Elmo at sumunod naman ang mommy nya at niyakap naman sya ng kapatid nito na si Sabrina, sinabe nitong na excited sya sa baby at magkakapamangkin na daw kase sya. Nagsalita naman ang akong ni Elmo na magiging maayos din ang lahat at tatanggapin daw ng parents ni Elmo si Julie.  Dahil sa sinabe ni Elmo ay hindi sya pinayagang lumabas at kinonfiscate ng step dad nya ang cellphone nito. Di malaman ni ELm oang gagawin nya kase gustong gusto nya na makausap si Julie kaso wala syang cellphone dahil kinuha ito ng step dad nya at hindi rin sya pwedeng gumamit ng telepono. Nag aalala na nga si Julie kase ilang araw nang hindi tumatawag si Elmo at nagtetext. 

I DO (JuliElmo || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon