CHAPTER 4

142 7 2
                                    

Dedicated to KATHLEEN SOMBILLO..thank you sa support bH3 :')


LIA'S POV

Kailangan ko na itong simulan ngayon. Para maipakita ko sa kaniya na kaya ko.

"Lia..

"Oh?

"Bakit mo ako sinama dito?'.tanong ni Quen ng makapasok na kami sa condo ko

"Ayaw mo ba akong samahan?'.tanong ko na parang nagtatampo but its part of the plan.

"H-hindi naman sa ganun..kase naguguluhan lang ako kung bakit ganito ang treatment mo sa akin samantalang bago lang tayo nagkakilala. .

Hindi ako magsusungit ngayon,kailangan ko siyang sakyan.

"Ayoko ko lang kase makakita ng taong inaapakan ng iba ang dignidad nila, yung parang wala silang tiwala sa kakayahan at magagawa ng kapwa nila at hindi nila binibigyan ng importansya ang halaga ng taong yun...

QUEN'S POV

"Ganun ba?...Ah'.sumang-ayon ako sa sinabi ni Lia pero pakiramdam ko hindi talaga yun ang rason.At parang may pinanghuhugutan siya sa bawat salitang kaniyang binibitawan.

Pero ano ba ang koneksyon nun sa pagdala mo sa akin dito?'.muli kong tanong sa kaniya

"Gusto kong ikwento mo sa akin ang buhay mo..'.sagot niya at umupo siya sa dulo ng kama at ako naka-upo sa couch.Bale magkaharap kami.

"Tungkol sa buhay ko?..wala naman akong magandang maikekwento sa iyo eh... Kase wala na ang mga magulang ko.

"Wala ka ng magulang?

"Oo, ang tatay ko construction worker sa probinsya namin at namatay siya dahil nabagsakan siya ng mga materyales ng ginagawa nilang gusali.Ang nanay ko naman namatay sa heatstroke..

"At paano ka naman napunta dito sa Manila?

"2nd year college ako ng mamatay si Nanay pero nagpursige at nagsikap ako para matapos ang 2nd year at kumuha ako ng examination para sa binibigay na schollarship at natanggap ako kaya ginamit ko ang ipon ko para makapunta dito sa Manila..

Bakit mo pala naitanong?'.tanong ko kay Lia pero hindi siya sumagot at nakita ko na ang lalim ng iniisip niya

"Lia...may gusto ka rin bang ikwento sakin? makikinig ako..

"Wala..iniisip ko lang na ang swerte mo kahit papaano..hindi tulad ko..'.sagot niya habang nakayuko.

Lalapitan ko sana siya para damayan sa kung anomang bumabagabag sa kaniya pero parang may pumipigil sa akin.

"Pagod lang siguro ako..matutulog na ako..'.sabi ni Lia

"Paano ako?

"I-extend mo ang sofa..bed din yan..'.sagot niya

"Teka, dito ka ba nakatira?

"No..But this conduminium is our property. May bahay talaga kami pero dito ako mas kumportable..'.she answered at tuluyan ng humiga sa kama..

Inayos ko na rin ang hihigaan ko at nahiga na rin ako.

Pero marami talagang katanungan sa isip ko kung bakit ganyan si Lia at kung bakit niya ginagawa sa akin ito.

KINABUKASAN

Nagising ako dahil nag-ring ang phone ni Lia, Nasa mini table ito malapit sa sofa bed na hinihigaan ko kaya mas nauna ko itong narinig.

Calling: Mr. Perfectionist -.-

Yun ang nakalagay na name sa tumatawag sa phone niya..gigisingin ko na sana siya nang makita ko siyang humihilik ng mahina.Sobrang pagod siguro kaya hindi ko na lang siya ginising.

Napansin ko ang lockscreen ng phone niya." Picture ng puso pero biyak-biyak tapos itim na dugo ang lumalabas dito tapos may nakalagay na word "He's the TARGET"

"Hmmm...she's the most mysterious among all the mysterious person.

'Quen?

"O..gising ka na pala..may tumawag pala sa phone mo.

'Sino?'.tanong niya habang nakahiga pa rin.

"Hindi ko sinagot, syempre ayaw kong makialam..private yan eh. pero 'Mr.Perfectionist' yung nakalagay sa screen.'.sagot ko at agad siyang bumlikwas sa kaniyang kama saka dali-daling kinuha sa mini table ang kaniyang cellphone.

Meron siyang di-nial saka lumabas siya.

SOMEONE'S POV

She still wants to prove me that she can. Let's see what she can do. *Insert Evil Smile*

On Phone Convo:

"Still want to continue of what you are doing now?

'Of course, hindi ako duwag!.. I will prove to you that I can.

"Just make sure, na hindi mo kakainin ang sinabi mo..

'Bakit ba hanggang ngayon ganyan pa rin ang trato mo sakin???

"Wonder why? alam mo na kung bakit..huwag mo ng itanong.

'Hello? Hello???

....toot.....toot......

-CALL ENDED-

QUEN's POV

2 Hours na ang nakalipas pero hindi pa rin bumalik si Julia mula pa kanina nung lumabas siya ng kwarto. Kaya napilitan na lang akong lumabas para hanapin siya.

"Miss, may nakita po ba ka bang lumabas na babae dito 2 hours ago?

'Sorry sir, marami rin po kaseng babaeng labas pasok dito eh kaya hindi po ako sigurado kung yun po ang tinutukoy niyo..

"Uhmm.matangkad siya, tapos maputi, tapos wavy dark brown ang buhok..

'Ahhh.. si Ms. Lia po ba ang tinutukoy niyo?

"Oo..siya nga.. kilala mo naman pala eh..

'Hehe.pasensya na po.. uhmm.. hindi ko pa po siya nakitang lumabas.. wala po ba siya doon sa room niya?

"Kaya ko nga siya hinahanap eh kase wala siya dun -.- (Walang kwentang kausap to, nakatulala lang sakin -.-)

'Pasensya na talaga sir, hehe.. hindi ko po talaga nakita eh..hehe

(Hala! baliw naman talaga to eh... kasalanan to ni Lia bakit niya ba kase binago ang itsura at pananamit ko -_-)

Lumayas na ako dun sa harap ng babaeng mukhang ewan. Sumakay na lang ako ng Elevator pabalik sa 5th floor kung saan nandun ang room ni Lia.

"Hala! mali yung napindot ko..ba't umabot to sa 10th floor! kainis sira na talaga mata ko -.-.

No Choice ako kaya lumabas na lang ako ng elevator,hagdan na lang gagamitin ko.

Bababa na sana ako sa 9th floor nang may narinig akong umiiyak sa may Rooftop.

Unti-unti akong lumapit doon at naging klaro sakin ang tinig ng babae.

Di ko alam kung anong pumasok sa kukute ko at binuksan ko ang pinto ng rooftop..

"Bakit ka umiiyak???

-------------------------


A/N: Sorry sa late update :'( patawarin niyo ako :'(


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"WRECKING LOVE" [Sequel of TMWTMIALA]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon