QUEN'S POV
"Ano ba Lia! dahan-dahan naman..bakit ba tayo nandito?.'tanong ko kay Lia kase dinali niya ako sa isang Mall
"Pumili ka... saan mo gusto? dito sa Mall o sa Morgue?'.mataray niyang tanong
"Morgue? bakit yun ang choices???..bakit mo ba kase ako dinala dito sa Mall?'.tanong ko
"Huwag kang maraming tanong kung ayaw mo talaga mapunta sa morgue at imbalsamuhin ang patay mong katawan.
Pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa loob ng Mall kase nagpupumiglas ako at hinihila ako ni Lia.Yung mga lalake ang sama ng tingin sa akin.Akala naman nila gusto ko ang ginagawa ng Lia na to, kung pwede lang sana magpadouble kase parang dragon ang babaeng ito.
Hinatak niya ako sa bilihan ng mga damit.
"Pumili ka na ng gusto mong damit.'.sabi niya
"Ha???
"Ay Oo nga pala... wala ka nga palang taste sa pagpili ng damit
kaya nga ang jologs mo,promdi talaga.'dagdag pa niya
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at bigla siyang nag-smirk.
Siya pa lang ang nakikita kong babae na ang hot kapag nag-smirk.
Hinila na naman niya ako at pinapasok sa isang Fitting Room.
Tinulak niya ako at nagulat ako dahil pumasok din siya.
"Hubad!'.nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Hanudaw? maghuhubad ako? maghuhubad sa harap niya?
"I said take your shirt off!!!'.hindi pa rin ako makagalaw sa sinabi niya.
Pero nabibingi na ako sa sobrang lakas ng boses niya.
"Maghuhubad ka, o gusto mong ako pa ang maghubad sa iyo?!?'.galit niyang tanong
Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa babaeng ito.At gusto niya pa talaga makuha ang virginity ko?.. gagahasain pa niya talaga ako.
"Maghuhubad ka ba o baka naman gusto mong makita si San Pedro ngayon pa lang?'.tanong niya at tiningnan ako ng masama
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at unti-unti ko ng hinubad ang Shirt ko .
Shi* ! Siya ang unang babae na makakakita ng abs ko.
Nakatingin siya sa katawan ko nang tuluyan ko ng mahubad ang shirt ko.
Tapos nag-smirk na naman siya.
O_o
"Quen!!!!!!!'.sigaw niya sakin
"O bakit
"Ba't mo tinatanggal ang belt mo?!?'.sigaw niya at tila namumula siya.Hindi ko alam kung sa galit ba o hiya?
"Sabi mo maghubad eh..O ito na..
"Sabi ko t-shirt lang! hindi ko sinabi na pati ang pang- ibaba!
Hala! at ano ang gusto niya?
Gusto niya pala suspense pa?
Lord!Gagahasain na ba ako ng babaeng ito?
BINABASA MO ANG
"WRECKING LOVE" [Sequel of TMWTMIALA]
AcakSEQUEL OF THE MAN WHO TURNS ME INTO A LADY AGAIN.