(Beg)Benedict POV
Iniwan ko na muna si kulit sa bahay nila kiera gusto kong kausapin ang daddy niya bahala na ayaw ko na masira na naman ang samahan nilang dalawa.
From kulit: Sungit Asan ka?
To kulit: may important lang akong gagawin babalik din ako agad I love you please stay ka lang sa bahay okay?
From kulit: okay I love you too please don't let my dad hurt you again.
Kaya naman napa buntong hininga ako hindi ko alam kung saan aabot ang usapan namin ng daddy niya ngayon basta ang alam ko lang kakausapin ko lang ito at ng makarating na ako sa lugar kung saan kami mag-uusap ng daddy niya nagulat ako kasi nandon din si daddy kaya napa lunok ako what the fvck! Anong ginagawa ni dad dito? Kaya ng makalapit na ako ay agad kong naramdaman ang tension sa kanilang dalawa galit na galit ang mukha ng daddy ni kulit but wala akong pakialam mahal na mahal ko ang anak niya kaya umupo ako sa tapat nila at agad namang umiling ang papa ni kulit.
"Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa gusto kong hiwalayan mo ang anak ko hindi kayo bagay'ng dalawa!"Biglang sigaw ng daddy niya sa akin kaya naman napa iling ako kita ko ang pag igting ng panga ni daddy.
"I'm sorry sir but I don't have a plan na pakawalan ulit ang anak niyo maybe i was a jerk years ago para hiwalayan siya pero ngayong sinabi niyang mahal pa niya ako."Umiling ako.
"I'm sorry but I won't mahal ko ang anak niyo sir."Sabi ko na tiningnan siya sa mga mata nakita ko ang galit dito.
"Kung mahal mo anak ko papakawalan mo siya! Hahayaan mo siyang maging masaya sa amin she's better without you! Hindi ka karapatdapat sa anak ko!" Sigaw niya kaya naman napa tayo si daddy.
"We're not here para lang insultuhin mo ang anak ko nandito kami para sabihin sayo Fernando na papakasalan na ng anak ko ang anak mo for God sake Fernando matagal na ang isyung iyon walang kinalaman ang mga bata iyon ba ang gusto mong mangyari sa kanila ang maghiwalay at maging miserably? Nanghingi na kami ng tawad sa inyo naka move on na sila ikaw nalang ang wala tapos ngayon idadamay mo ang mga bata please Fernando as a father ako na mismo ang nag mamakaawa sayo hayaan mo namang maging masaya ang mga bata I beg you para lang sa kanila."Sabi ni daddy kaya naman inilalayan ko si daddy.
"Let's go son kung ayaw niya huwag mong pilitin ang importante nagmamahalan kayo ng anak niya."Sabi ni daddy at tumayo.
"I'm begging you please hayaan Mona ang mga bata."Sabi ni daddy
"Please hayaan muna ang mga bata Fernando."sabi ulit daddy bago nag lakad paalis kaya naman napa iling ang daddy ni kulit.
"Let's go son huwag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo remember you're a Cardeval." Sabi ni daddy but umiling ako at tiningnan ang ang daddy ni kulit.
"Sir I'm begging you please let me love your daughter please I really love her please sir I'm begging you I won't hurt your daughter I won't I really love her I really do please." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata ng daddy niya at nakita ko ang pag lambot ng tingin niya sa akin."Ang gusto ko lang naman ay ang makabuti sa anak ko ayaw ko siyang magaya sa auntie niya natatakot ako na baka iiwan mo sa huli ang anak ko but right now pinatunayan mo na mahal mo nga ang anak ko hindi ko ito sinasabi sayo kasi gusto kita para sa anak ko sinasabi ko ito dahil alam ko mahal na mahal ka ng anak ako ayaw ko lang siyang masaktan ng dahil na naman sa isang Cardeval mahal na mahal ko ang anak ko at gusto ko na masaya siya kaya sana alagaan mo siya kahit matigas ang ulo ng anak kong yon mahal na mahal ko iyon." Sabi nito kaya naman napatulala ako sa sinabi ng daddy at nakita ko rin na may tumulong luha sa mata nito at agad ding pinahiran.
"Sana alagaan mo ang anak ko alam ko na mahal na mahal ka niya pero hindi ako nagsisi nong pinabugbug kita kasi don mo lang ipinakita kung gaano mo ka mahal ang anak ko."Sabi nito at tumayo na para umalis kaya naman ng mag sink utak ko kung ano ang sinasabi ng daddy niya.
"Salamat po salamat po hinding-hindi ko sasaktan ang anak niyo at hinding-hindi ko siya papaiyakin pangako."Sabi ko kaya naman naplingon siya sa akin.
"Patunayan mo ikaw na ang bahala sa anak ko."Sabi nito at umalis kaya naman napa suntok ako sa ere ng wala sa oras finally tanggap na ako ng daddy niya
A/N
Don't forget to vote and comment.
follow niyo narin ako thankiesss
BINABASA MO ANG
WHEN MR. SUNGIT FALL (Book 2)
General FictionPaano mo haharapin ang isang taong nanakit sayo noon? Kaya mo ba siyang patawarin? Maniniwala Kapa ba sa kaniya? Kaya mo bang kalimutan ang lahat ng inyong pinagdaanan? Hanggang saan ang kaya mo para lang ipakita sayo kaniya na wala na siyang hal...