2

21 1 1
                                    

Napakadilim ng paligid ko. Pagtingin ko sa aking kamay nakatali ito. Pinilit kong tanggalin 'yon pero ayaw. Hanggang sa may narinig akong mga lalaki na nagtatawanan. Biglang tumaas ang balahibo ko. Palakas ng palakas ang tawa kaya tumakbo ako.
 
 
Bigla akong napatid at pag angat ko ng ulo ko may nakatayo sa harap ko at nilapit niya ang mukha niya. "No! Don't!" Sigaw ko.
 
 
Bigla akong nagising. Hawak-hawak ko ang dibdib ko dahil sa takot. Ramdam ko din ang pawis sa noo ko.
 
 
"Hey, you okay?" Biglang sabi ng tao sa gilid ko.
 
 
"AAAAAAHHHHH! WHAT THE HEL?? WHY ARE YOU HERE?"
 
 
Bigla ko siyang pinagpapalo ng unan at sinisigawan. Wala pang nagbalak pumasok sakwarto ko at una pa lang si Haze! Nakakaasar! Di niya ba alam ang word na privacy?
  
 
"Hey, aw! Stop it!" Pag-aaray niya pero patuloy ko pa din siyang hinahampas.
 
 
Dahil siguro sa ingay bumukas ang pintuan at pumasok doon si Mommy at Daddy kaya napatigil ako.

 
"Anak naman! Hindi ka na nahiya kay Haze," At umiling si Mommy.
 
 
I just rolled my eyes to her. "Whatever, bakit ba siya nandito ma?" Pagtatanong ko.
 
 
"Sasamahan ka niya sa new school mo. Dalian mo na! Kumilos ka na." Sabi niya kaya binitawagan ko kaagad ang unan at kinuha na ang bath robe ko.
 
 
"Alis na Haze! Susunod na 'ko." Pagtutulak ko sa kanya palabas ng kwarto ko.
 
 
"Sungit." Bulong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay pero bigla niya lang akong tinalikuran at umalis.
 
 
Pinabayaan ko na lang siya at nag-ayos na. I'm so excited at my new school! To think sa amin pa iyong university. Hinanda ko na ang mga gamit ko at bumaba na. Nagpaalam na din ako kay Mommy at Daddy.
 
 
Pagpasok ko ng sasakyan ni Haze bigla niya akong tinignan sa mukha kaya nailang ako. I compose myself and looknat his eyes too. "What?" Tanong ka sa kanya.
 
 
"About kanina, okay ka lang talaga? I saw fears in your eyes." Sabi niya kaya nanigas ako.
 
 
"Wala yon!" Sabi ko at umiwas ng tingin at naglagay ng earphones.
 
 
Habang nakatingin sa labas ng bintana bigla kong naalala na nakafreeze ang credit card ko at hindi ako nakahingi ng allowance. Humarap ako sa kanya at tinanggal ang earphones ko. "Hey, pwede bang humiram ng pera sa iyo?" Tanong ko sa kanya.
 
 
Bigla naman siyang tumingin sa akin at parang di makapaniwala. "Look, babayaran ko din naman. Grounded lang ako sa ngayon at I don't have cash eh." Pagdadahilan ko sa kanya.
 
 
Pero di niya ako inabutan ng pera sa halip inabot niya ang phone niya sa akin. "Save your number here." At inabot niya ang cp niya. Nagtataka man, sinave ko pa din ang number ko.
 
 
"I will call you pag breaktime niyo na. I can't give you cash kasi magagalit si tita sa akin. If you need something, I will give it to you." Sabi niya kaya nginitian ko siya. Ayos naman pala eh! Ang bait ni Haze.
 
 
"Okay." Sabi ko at wala na siyang imik. Bigla naman tumahimik ulit yung byahe, may 10 minutes pa bago makarating sa Sasime Univeristy at nababagot ako!
 
 
"Hey, how's Rino pala? Okay lang ba siya? Di ko naman kasi alam na Rino is a friend kaya nasaktan ko! Gosh, may kapatid ka pala? Akala ko noon mag-isa ka lang eh." Pagdadaldal ko sa kanya.
 
 
"Ang ingay mo." Sabi niya at bigla naging masungit ang tono. Grabe naman mood swing ng lalaking ito! Parang nagtatanong lang eh.
 
 
"Sungit." Bulong ko din at hindi na umimik.
 
 
Pagdating sa Sasime University or Shi U, bigla na lang akong bumaba at umalis na. Kabisado ko naman ito dahil dati lumilibot ako dito pag free time ko. Tinignan ko ang sched ko at napasimangot dahil naging irreg ako. Ugh! I hate college.
 
 
After ng klase naiinip na ako dito sa may hallway. Scam 'yong Haze na yon. Sabi niya tatawagan niya ako. Dapat pala kinuha ko na din yung number niya para matawagan ko din siya.
 
 
Dahil kanina pa ako dito. Nagtry ako magtanong sa dalawang naglalakad na babae. "Hey, kilala niyo ba si Haze Collien? Saan ko siya mahahanap?" Sabi ko.
 
 
Pero nag roll eyes lang silang dalawa sa akin. "Another fan girl? Girl, wag ka na umasa. Hindi ka mapapansin non!" Sabi noong isa at tumawa sila.
 
 
"Excuse me? Baka kayo ang hindi mapapansin. I know him." Mataray na sabi ko. Hindi ata nila ako kilala? We own this school! And ako fangirl? Eww. Kadiri. No way!
 
 
"Sobrang ambisosya din pala ng babaeng 'to." Sabi noong isa.
 
 
Sasagot pa sana ako pero bigla kong nakita si Haze kaya tinawag ko siya. "Haze!"
 
 
Habang papunta si Haze sa akin tinignan ko ang dalawang babae at tinaasan sila ng kilay. Napanganga pa silang dalawa.
 
 
"Ang tagal mo naman.  Tara na I'm hungry." Sabi ko at kumapit sa braso ni Haze. Lumingon naman ako sa dalawa and I stuck my tongue.
 
 
Noong nakalayo na kami tinanggal ko ang braso ko kay Haze at tumingin ng masama. "Ang tagal mo! At akala ko ba tatawagan mo ako?" Sabi ko ng masungit sa kanya.
 
 
Umiling naman siya. "You're weird. Kanina ang bait mo tapos," Sabi niya pero di na niya tinuloy.
 
 
"I'm sorry kung pinaghintay kita. I lost my phone." At pagkatapos non hinila na niya ako at dumiretso kami sa cafeteria para kumain.

 
Habang kumakain kami pinagtitinginan kami ng tao. Medyo naiilang ako dahil first day ko pa lang dito tapos ganito na agad. I mean pwede naman wag titigan diba?Feeling ko tuloy pinag-uusapan kami. And I heard na sikat tong si Haze sa Shi U.
 
 
"Hey, naiilang ka ba?" Tanong niya sa akin.
 

Hindi pa ako ako nakakasagot, bigla na niya akong hinila patayo at palabas. "Hey wait, sayang yung food!" Sabi ko pero tuloy tuloy lang kami hanggang sa nakasakay na kami ng sasakyan niya.
 
 
"Let's eat na lang sa restaurant and after that bili tayo ng bagong phone." Sabi niya sa akin.
 
 
"Eh bakit hindi ka na lang bumili ng sariling phone mo? Idadamay mo pa ako!" Sabi ko sa kanya ng mataray.
 
 
"Buy what you want. Ako bahala." Sabi niya kaya nagningning ang mga mata ko.
 
 
"Let's go!" Sigaw ko ng masaya. Okay naman pala 'to eh! Ang bait ni Haze.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dealing with the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon