1

15 1 1
                                    

"Gago!" Sigaw ng lalaki sa akin na halos hindi na makatayo dahil puno ng pasa.
 

I just gave him an uppercut and konting suntok lang dahil sa panghipo niya sa isang babae dito sa loob ng campus. I just can't tolerate boys like him!
 
 
Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Uh-oh, bad ang magmura. Serves you right. Respetuhin mo ang mga babae ha? Kung hindi, 'di lang yan aabutin mo."
 

Magpapagpag pa lang sana ako ng kamay pero natuloy dahil may may taong nakatayo sa harap ko.
 
 
"EYRAH! In the Deans Office now!" Madiin at pasigaw na sabi ng assistant ni  Dean but I just gave her my sweetest smile.
 
 

Pagkapasok ko sa Dean's Office nakatingin si Dean Tiu sa akin at napa-sigh. Hinilot niya ang sentido niya at halatang nagpapakalma.
 
 
"Ms. Shi! Ikaw na naman. Kababae mong tao, nakikipag-away ka." Frustrated niyang sabi.
 
 
"I just can't sit and relax! Sana naiintindihan niyo ako. Alam mo naman siguro kung bakit ako ganito." Sabi ko gamit ang boses kong seryoso.
 
 
Lumunok si din pero bigla din sumeryoso. "Last warning, Eyrah. Pag nakipag-away ka pa ulit sa lalaki bibigyan na kita ng suspension."
 
 
"WHATEVER," Sabi ko na lang at tumayo na. As if naman magagawa nila eh isa kami sa major sponsor ng university na ito.
 
 
"Ms. Shi! Hindi pa ako tapos! Ikaw na bata ka! Argh I don't know what will do to you maybe I should call your parents now." Frustrated na sabi ni Dean habang kinakausap niya ako or ang sarili niya?
 
 
"Bye!" Ayun lang at lumabas na ako.
 
 
Pagkalabas ko pinagtitinginan ako ng mga tao. Tinaasan ko sila ng kilay at nilibot ang paningin ko sa kanila. Bigla naman silang umiwas ng tingin.
 

I know sobra yung ginawa ko to think na normal na tao lang yung binangga ko at ako isang Mafia Heir pero yung ginawa niya? Mali. Parang bumabalik ulit sa akin dati yung mga nangyari.
 

Naglalakad na ako sa parking area dahil uwing-uwi na ako. Pagkarating ko sa loob ng sasakyan, sumenyas na ako sa driver namin na iandar na. Gusto ko sana pumunta sa Mafia de Villa para magtraining pero I'm too tired.
   
 

 
Pagkapasok ko ng bahay I saw a unfamiliar man na nakatayo sa paintings namin. Off ng mga maids ngayon at pagkakaalam ko ako lang naiwan dito dahil nasa Japan si Daddy and Mommy. Bigla akong kinabahan. Bumalik yung takot ko na naramdaman ko 4 years ago.
 
 
Huminga ako ng malalim at kumalma. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at sinugod hanggang sa nakaramdam siya at umiwas.
 
 
"Wait miss!" Sabi niya habang umiilag pero sinugod ko pa din siya.
 
 
Sisipain ko na sana siya ng bigla siyang umilag kaya natamaan ko ang mga vase at nabasag lahat ito. Hinabol ko siya ng hinabol pero puro pag-iwas lang ang ginawa niya at 'di lumalaban. Huh, too scared to fight eh? Hindi pa din ako tumigil sa paghabol at pagsugod hanggang sa napatumba ko siya.
 
 
"What the hell? Eyrah!" Sigaw ni Kuya Austin na kakarating lang sa bahay.
 

Magsasalita pa sana ako pero nilapitan niya ang lalaki at ginising ito kaya napaawang ang bibig ko. What the? Kilala niya yang lalaki na yan?
 
 
"Bakit mo sinaktan ang bisita ko? Anak siya ni Tito Laxus, friend ni Daddy. My god, Eyrah!" Stress na sabi ni kuya Austin.
 

"What now? Why did you bring him sa house namin eh may bahay naman kayo. Ayan tuloy. I'm sorry, okay?!" Sigaw ko na sabi sa kanya.
 
 
I know I'm mean but I can't help it. I am just protecting myself from bad guys and people kaya ko nagawa iyon.  Alam naman iyon ni Kuya Austin eh.
 
 
"Okay calm down na Kiddo. Just clean all the mess you did to your house. Tignan mo basag lahat ng pwedeng mabasag sa bahay niyo before umuwi ang parents mo---" Hindi pa natapos ni Kuya Austin ang sasabihin niya bigla na bumukas ang pinto.
 
 
Sabay kaming napalingon dahil doon at lumunok ako ng tatlog beses ng nakita ko ang mga magulang ko. Lalo na si Mommy na galit ang itsura.
 
 
"EYRAAAAAAH!" My mom is fuming mad while Daddy just tap my mom's shoulder
 
 
"Hi? Welcome home," Malambing at maang maangan kong sabi..
 
 
Alam ko kung bakit sila umuwi. Hindi naman sila uuwi kung 'di ako ang rason. Baka yung incident sa University. Tss sumbungerong Dean.
 
 
"Tita and Tito Andrei." Sabi ni Kuya Austin para sana mag-explain pero pinatigil lang ni Mommy at pinauwi na pati ang Kasama niya
 
 
After that tinignan niya ako at huminga ng malalim.
 
 
"Ano yung nalaman ko na madami ka palang record sa university niyo and puro pakikipag-away sa lalaki? And what? Baka i-drop out ka pa." Sabi ni Mommy at doon na nagsimula ang sermon niya sa akin.
 
 
Pagkatapos ni mommy magsermon at tumawag ng maids para linisin lahat ng kinalat ko and after that pinapunta niya ako sa office sa loob ng bahay namin at nakipagtitigan ng matagal kay Mommy.
   
 
 

 
"Look Mommy, I'm sorry. I will not do it again. Promise," After saying that, I gave her my sweetest smile.
 
 
"Di mo ako madadaan sa ganyan." Strict na sabi ni Mommy sa akin kaya sumenyas ako kay Daddy ng tulong pero tahimik lang siya sa gilid at nakatingin sa akin.
 
 
Tumayo si Daddy at lumapit sa akin. "I'm thinking na ilipat ka na sa Sasime University." Napangiti ako sa sinabi ni Daddy.
 
 
Sasime University or Shi U, isa sa mga pag mamay-ari namin. Pero dahil natatakot sila na may mangyari sa akin na masama never nila akong in-enroll doon. Samantalang ang pinsan ko, Si Kuya Austin ay doon nag-aaral kaya noon inggit na inggit ako.

 
"Pag-aaralin ka namin doon." Final na sabi ni Daddy.
 
 
"Talaga? Thank you po!" Sabi ko at niyakap si Dad.
 
 
"But you're grounded. No mall, no credit cards, no car racing and your training will be twice a week." Ani Mommy.
 
 
Bigla akong napasimangot. "Mommy this is torture!!" Pagrereklamo ko sa kanya.
 
 
"You should learn your lesson. Hindi ka na bata Eyrah and a year from now ikaw na ang uupo bilang heir." Sabi ni Mommy.
 
 
"Fine!" Napipilitan kong sabi pero sumang-ayon na lang din ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko diba?
 
 
"And one more thing, Haze will be with you everyday para may magbabantay sa iyo at sa kilos mo." Sabi ni Mommy na kinagulat ko.
 
 
"Mommy that's too much! Bakit si Haze? Pwede naman mga Mafia Soldiers natin! Ayoko si Haze. I don't wanna be like him na grumpy!" Pagmamaktol ko.
 
 
Haze is one of part of the Mafia at simula bata pa lang tine-train na siya para maging Boss ng Red Dragon Mafia. Sobrang boring  at tahimik niyang tao at ayoko sa kanya!! Ayoko sa mga guy syempre except my Tito's, Kuya Austin and Dad.
 
 
"My decision is final." Pagkasabi niya noon umalis na siya sa loon ng office room.
 
 
"Daddy! Help naman oh." Pagmamakaawa ko kay Dad.
 
 
My Dad became soft and he held my hand. "I'm sorry princess. Wala na akong magagawa. Alam mong matigas ulo ng mommy mo parang ikaw at si Tita Audrina mo." Sabi niya.
 
 
"Anak, kapatid pala ni Haze si Rino yung sinaktan mo kanina." Dagdag niya pa.
 
 

Ang malas naman oh!!! Bahala na. Kung ayan gusto nila edi fine. Bahala silang pakisamahan ako at masangkot sa mga gulo na hatid ko. Deal with me.

Dealing with the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon