Wala naman talaga akong pakealam sa mga party na ganito eh. Kung hindi nga lang ba kay Lio, hindi naman ako pupunta dito at magpapakabagot sa panonood sa mga walang kakwenta kwentang ballroom dancing na ito. Inom na nga lang ako ng inom ng alak na hindi ko alam kung nakakalaseng ba o hindi. Basta ang alam ko lang tinatanggal nito ang pagka-inip ko sa lugar na 'to.
"Nag-e-enjoy ka ba Alex?" mahinhing tanong ni Lio. He's like a teddy bear. Medyo mataba at pwedeng pwedeng gawing unan sa gabi. Kung pwede nga lang sana naging unan nalang siya, hindi kasi bagay maging tao.
Ngumiti ako ng pilit at umoo nalang sa kaniya kahit na gustong gusto kong sabihin kung gaano ako nababagot sa party na ito. Wala man lang binata na gawa ni Adonis. Walang hot na mga kalalakihan, puro mga gurang na mayayamang manyak ang mga naandito eh.
"Wanna dance?" inilahad nito ang palad niya sa harapan ko. Gusto ko lang sanang titigan iyon pero bigla ko kasing naalala yung mga ginagawa niya para sakin. Yun pagpapautang niya sa tuwing walang wala ako. Ang laki na ng utang na loob ko sa taong ito kaya kung tatanggihan ko tiyak maku-konsensya ako.
"Oo naman friend..." ngumiti ako kahit sa loob loob ko gusto ko na takbuhan ang buhay na teddy bear na 'to. Sana bigla nalang akong lamunin ng dance floor at 'wag nang ibalik pa.
Naglakad na kami papunta sa dance floor. Pakiramdam ko pinagtitinginan kami ng mga tao. Siguro iniisip nilang dyosa ang kasama ni Lio o baka naman iniisip nilang bakit kasama ng isang buhay na teddy bear ang isang dyosa na katulad ko. Feel na feel ko naman.
"Good evening Lio..." isang lalaki ang biglang sumalubong sa amin. Tila natuod ako sa gwapo ng lalaking 'to. Nakasuot siya ng coat at pulang longsleeved polo na pang pormal sa loob. Kung titingnan ang mukha niya, para siyang artista sa kakisigan. May pulang labi na akala mo'y naglagay ng lipstick, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at halos mahiya ang mukha ko sa kinis ng kaniyang balat. Parang alagang belo ang katawan.
"Good evening din po sir..." nakipag-kamay ito sa gwapong lalaki. Wow! Yun lang ang masasabi ko. Hindi ko akalaing may nabubuhay pang katulad niya. Sobrang perpekto.
"Sino naman itong kasama mo? Maari ko bang makilala..." sabi ng gwapong lalaki at bigla akong binalingan ng tingin. Gosh! Yung titig niya parang araw, sobrang hot. Pakiramdam ko biglang uminit ang paligid. Pahingi nga ng yelo! Biglang nag-init ang katawan ko eh.
"Oh, um... This is my date, Alex... So Alex this is my boss, Mr. Qing..." sabi ni teddy bear este Lio pala. May sinasabi pa 'to pero hindi ko na pinakingnan. Natulala nalang kasi ako kay mr. Qing. Napakagwapo niya talaga.
"Pwede ko ba siyang maisayaw?" tanong nito kay Lio.
"Kung papayag po si Alex..." tumingin naman agad sa akin si Lio na para bang sinasabing 'wag akong pumayag. Pero wala akong magagawa mas pipiliin ko ang isang gwapong nilalang. Kaya pumayag ako.
"O-okay lang sakin" tumungo ako ng bahagya. Kunwari nahihiya pero sa loob loob ko gusto ko nang sumigaw. Ang swerte ko naman. Kung siya ang makakasayaw ko sa ganito kaboring na party aba'y sige lang.
Agad niya akong hinila sa dance floor at bigla namang tumugtog ang isa love song na talagang tamang tama para sa sweet dance. Ang isa nitong braso ay pumulupot sa aking lukuran at ang isa pa ay nakahawak sa aking kamay. Sobrang lapit namin sa isa't isa, halos wala na nga akong hangin na malanghap sa sobrang dikit niya sakin eh.
BINABASA MO ANG
Break with tradition
Teen Fiction"Itanan nalang kaya kita? Sasama ka kaya..."-Allen Qing