Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit. Pati puson ko sumama pa. Kasalanan 'to ni Allen eh! Kasalanan 'to ng gwapong hudas na 'yon. Hindi niya ako pinatulog at magdamag pa siyang labas masok sa aking pagiisip.
"Ang sakit ng ulo ko!" I yawned.
Bumangon na ako sa aking kama para sana maghanda na ng umagahan ko pero hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko. Pakiramdam ko napadikit na ako sa kama ko dahil di ko madala ang aking napakasexy na katawan. Pero kung hindi ko pipilitin walang mangyayari kaya dahan dahan kong itinukod ang aking braso at unti unting tumayo. Isang mabahong amoy ang umalingasaw sa aking kwarto at isang red spot ang nakita ko sa aking puting puting bed sheet!
Nako po! Kaya naman pala nasakit ang ulo ay dahil meron na akong dalaw! Pero bakit naman kailangang ngayon pa? Ngayon pa naman ang first day ko s trabaho tapos absent agad. Pag nga naman mina malas ka ng todo todo.
Bigla akong napatigil sa pagdadrama ng makarinig ako ng sunod sunod na pagdoorbell sa aking apartment. Naalala ko si Lio, naiwan nga pala niya yung coat niya dito nung inihatid niya ako pauwi. Siguro kukuhanin lang niya.
Hindi ko na nagawang mag-ayos pa ng sarili dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Kaya kahit muka akong baliw na bagong gising at halos gumapang na sa sahig para lang buksan ang pinto ay ginawa ko na. Inaatake na naman kase ako ng sakit ng puson. Ganito talaga ako kapag meron, mas malala pa sa nilalagnat.
Nang marating ko na ang pinto, dahan dahan akong tumayo habang nakasuporta ang isa kong braso sa pader para hindi ako bumagsak. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at jusko may hudas sa labas ng aking pinto. Kaya agad ko itong isinara para hindi ko siya makita pero huli na pala. Nakaharang na ang paa niya sa may pinto. Bwisit!
"A-anong bang ginagawa mo dito!" kahit ang sakit sakit na ng ulo ko at masama na ang pakiramdam ko pinilit ko paring tigasan ang boses ko at tikasan ang aking tayo.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong nito. Aba napaka-kapal pala ng pagmumukha ng isang 'to eh. Gago na nga feeling pa! Hindi na pala siya gwapo... kundi kwagong singkit na! Leche!
Pilit nitong tinulak ang pinto kaya wala na akong nagawa. Napa-sandal nalang ako sa pader katabi ng pinto, habol habol ko ang hininga ko. Kung kelan naman hinang hina ako saka pa darating ang isang asungot sa buhay. Ni-hindi ko naman siya kilala at kagabi ko lang siya nakita pero bakit ba parang alam na alam na niya kung sino at saan ako matatagpuan? Kamag-anak kaya niya si Madam Auring?
"Lumabas ka nga!" pagtataray ko sa kaniya. Pero dahil sa taas ng pitch ko, bigla akong nakaramdam ng hilo. Noong una sakit lang ulo pero ngayon hilo na. Parang any minute babagsak na ako pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng manghina ng sobra ngayon, kailangan ko muna siyang paalisin dito sa bahay ko.
"Do you have a girls flu?" I looked at him straight in eyes and frowned. Anong pinagsasasabi nitong girls flu?
Ngumiti lang ito sa akin ng pagka-tamis tamis at para bang nababasa niya ang nasa isip ko.
"May dalaw ka ba ngayon?" tanong muli nito. Bumagsak bigla yung mga braso ko pati panga ko dala. Tang'na. Sa kaniya pa talaga nanggaling ang salitang yon? Wala ba siyang konting hiya sa katawan niya para itanong pa sa akin ang sobrang confidential na bagay na yon?
"Tang'na naman oh! Lumabas ka na nga. Wala akong panahon makipag-usap sayo! Kaya please get out!" nakakabwisit talaga siya.
"Masama ba pakiramdam mo?" he asked while walking towards me. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko pero nanghihina talaga ang laman ko. Pakiramdam ko paggumalaw ako bubuhos ang dugo ko sa sahig wala pa man din akong napkin.
"A-ano bang pakealam mo ha? Umalis ka na kasi!" I replied. Tinulak ko siya ng bahagya ng makalapit na siya sakin. Kahit mabango pa siya, ayoko pa din na lumapit siya. Ayokong maamoy niya kung gaano kalansa ang dugo ko. Para sa isang babae, nakakahiya yon. At sa lalaki talagang nakakadisappoint yon.
"Syempre may pakealam ako, gusto kita eh" niyakap niya ako bigla. Napatuwid ako ng tayo at naninigas ang buo kong katawan. Bigla ding nablangko ang utak ko at halos wala nang matinong bagay ang pumapasok sa isip ko.
'Anong gagawin ko?'
'Anong gagawin ko?'
'Anong gagawin ko?'
'Anong gagawin ko?'
'Anong gagawin ko?'
"Kahit na malansa ang amoy ko, gustong gusto ko pading yakapin ka ng ganito kahigpit. Alam mo bang ilang taon mo na akong pinapahirapan?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil sa amoy ko o matutuwa akong dahil gusto parin niya akong yakapin kahit ang lansa ko. Ewan ko pero hindi nalang ako nagsalita. Parang napipi ako.
"Noong unang araw palang na makita kita, nahulog na agad ako. Hindi mo na ba natatandaan, two years ago, may isang lalaking nakabangga sayo at natapunan ka ng Iced coffee sa damit at willing na bayaran ka pero hindi ka pumayag? Ako yon at inaamin ko sinadya kong tapunan ka para mapansin mo ko pero failed..." siya? Natapunan ako? Parang wala akong matandaan.
"But when I saw you last night in the party, nabuhayan ako ng loob. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong lapitan ka at yayain kang maisayaw..." bigla siyang tumigil sa pagsasalita kaya napaangat ako ng tingin at nasalubong ko ang mata niya. Agad akong umiwas dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Look at me" utos nito. Yung mga mata ko parang gusto syang sundin pero ang utak ko ayaw. Kaya pumikit nalang ako para hindi ko siya makita. Nakaka-ilang kasi, sobrang lapit ng mukha niya sakin.
Ilang segundo lang ang nakalipas, napamulat ulit ako ng maramdaman ko ang isang malambot na bagay na nakadampi sa aking labi. He was kissing me right now. Para akong mahihimatay dahil sa ginagawa niya sakin ngayon. Yung puso ko... Yung puso ko parang gusto nang tumalon at pumunta sa kaniya. Pakiramdam ko rin nagliparan na ang mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi ko alam kilig ba 'tong nararamdaman ko o takot.
"And the kiss last night, that was great. Pero mas masarap pala pag umaga..." he whispered. Napasandal nalang ako sa kaniyang dib dib at di ko na nagawa pang magsalita. Nahigop na yata niya lahat lahat ng lakas ko sa katawan. Kung kanina naghihina lang ako dahil sa sakit ng puson ko at ulo ngayon naman wala na talaga akong lakas dahil sa halik na tumagos hanggang buto ko.
"Alam kong masarap ako pero hindi yon dahilan para lagi mo akong nakawan ng halik. And please... Umalis ka na, I don't need you" bulong ko pero alam kong sapat na 'yon para marinig niya.
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo pa kaya... Aalagaan kita at kahit magmakaawa ka pang iwanan kita, hindi parin ako aalis. Okay?" he said.
"Tang*na mo..."
"I love you too..." he just chuckled.
BINABASA MO ANG
Break with tradition
Teen Fiction"Itanan nalang kaya kita? Sasama ka kaya..."-Allen Qing