Prelude

4 0 0
                                    






"Mas fierce pa, Cyone. Don't be too stiff! May problema ka ba?" Marie, my manager.

Mas lalo kong pinaseryoso ang muka ko at pinataas ang kilay ko. Why now? Mapapahiya ka Cyone, wag sa harap niya!

"Okay, wrap up na tayo!" Nagligpit na ng mga gamit ang crew. We're shooting for another beauty product. "What the hell is your problem, Alcyone?!" Umiling ako dahil naguumpisa na naman siyang magseminar sa akin.

"Nothing, Marie. I'm starving, what do we have here?" sabi ko habang bumubuklat ng mga tupperware na may takip na foil.

"Sheryl, tanggalan mo na ng make up si Cyone at baka magkarashes!" Utos ng manager ko sa make up artist ko. "Nagmemeeting lang yung mga nanuod ng shoots mo kanina kaya umayos ka. Baka magoffer sila sayo." Tumango ako at sumulyap sa mga businessmen na naguusap.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ng vegetable salad. Kaunti na lang ang nanditong tao sa loob ng studio. Few company staffs, my crew, and the four businessmen.

Natapos ako sa pagkain ng may dalwang businessmen ang lumapit sa akin.

"You still look stunning even without makeup, Ms?" Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis. Endorser ba siya ng toothpaste? Ang puti ng ngipin niya.

"Just Cyone." I smiled back.

"Napagusapan namin nitong si Mr. Frogoso na i-inivite ka sa isang party mamaya! It's for good cause!" Nakita ko ulit ang maputi niyang ngipin.

"Excuse me, gentlemen but Cyone is a busy person she can't just come with you. Sorry." Marie butts in.

Ngumiti ng hilaw ang lalaking maputi ang ngipin. " If that's the case then I'm sorry. Maybe next time, Miss Cyone." Tumango sa akin ang dalawa at umalis na.

"Kj ka talaga, Marie." Tumaas ang kilay niya sa akin kaya natawa ako.

"By the way, Mr. Montoya wants to talk to you. Yung gwapong naka dark blue suit." Kahit hindi sabihin ni Marie kung sino yun ay kilala ko na.

He really became successful. I pity myself.

Humarap si Triston at madilim na tumingin sa direksyon ko. Bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko? Nakakatakot.

Is it normal to feel this electricity in your body? Even if you and him didn't even bump into each other like skin to skin. Nanlalamig ako at hindi na makagalaw sa kinakatuyaan ko habang humahakbang siya papalapit sa pwesto ko. Habang tinitingnan siyang lumalapit sa akin, marami akong napansin. His body built. His height. The way he walks. His lips. And that damn chest! What it feels like if I put my face in the center of it?

Iniling ko ang isipin na iyon at mas lalong nanlamig ng nasa harapan ko na siya. Now, what? Binaba ko ang tingin ko sa sapatos na hindi man lang siguro nakaapak sa lupa. Ang dami kong napapansin kapag alam kong wala akong masabi at kinakabahan.

Natigil lang ako sa pagtingin sa sapatos ni Triston ng danggilin ako ni Marie.

"What?!" I spat. Nangunot ang noo niya sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko.

"Anong what ka diyan? Kanina pang nasa harap mo si Mr. Montoya! Kunot na kunot na ang noo at mukhang galit na sayo!" Pagalit na bulong ni Marie sa akin. Napataas ako ng tingin kay Triston at agad ngang napansin ang nakakunot niyang noo. Now, I am thinking that he is really mad.

"Ayusin mo yan! Baka kunin ka niyang model kaya umayos ka!" Naramdaman ko pa ang simpleng paghila niya sa dulo ng buhok ko. Patay ka sa akin Marie mamaya!

Pinanuod ko si Marie na bumalik sa team ko at nagliligpit na. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin kay Triston na mas lalong nangunot ang noo sa kakatingin sa ginagawa ko. Siguro napapansin niya na kanina pa ako naghahanap ng palusot para hindi siya makausap.

Tumikhim ako. "Uhm... Good afternoon M-r. Montoya." Yumuko pa ako sa kaniya bilang paggalang.

"Cut the formalities. I thought you don't like addressing someone." Malamig na boses na sabi niya. Sobrang nanginig ang tuhod ko dahil doon.

"Ah...hehe. Sorry, what's up?" Napapikit ako sa katanghan ko. Anong what's up, Cyone? Hip-hop ka ba ha?

"I thought you're professional when it comes to entertaining. So it's just a gossip, huh?" Insulto sa akin iyon. "Anyways, our company is looking for a good model that is suitable for the upcoming event. Do you think you are suitable?"

Taas noo ko siyang tiningnan. Ganito na siya ngayon, sobrang mang-insulto. "I think my manager can tell my information to you and I am pretty sure that I will be suitable model for that event. So, if you will excuse me, Mr. Montoya?" Nakita ko ang pag-igting ng panga niya sa inis sa aking sinabi, sige lang mainis ka lang. Tumalikod na ako sa kaniya ng hindi siya sumagot.

Walang buhay akong naglakad palapit sa team ko at inayos na din ang gamit ko. Hindi ko inaasahan na ngayon pa talaga kami magkikita at mag-uusap. Halos hindi ko masikmura ang mga salitang natanggap ko mula sa kaniya. May kasalanan ako, I get it, pero sapat ba iyon para kausapin ako sa ganoong paraan. As if ako lang ang may kasalanan. I think he forgot that he did so much damage in me. May pasabi sabi pa siya na professional kahit nga sa sarili niya hindi niya na-apply yun!

Humiga ako sa kama ng laman ang isipin na iyon hanggang sa makatulugan ko na.

"Do you really have to do that to prove your point?!" Triston shouted at me.

Nandito kami sa parking lot ng building kung nasaan ang kaniyang condo. I think it's safe to talk here.

"I-i only did that for your sake, Triston!" Gusto kong maintindihan niya na hindi ko iyon ginawa para sa sarili kung hindi para sa kaniya.

Umiling siya, tumingala at mariing ipinikit ang mga mata na para bang nahihirapan siyang ipaliwanag sa akin ang mali ko. Lumapit ako sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang braso pero hindi ko inaasahan na lalayo siya na para bang nakakadiri akong babae.

Humikbi ako. " Triston, please sabi mo diba na you love me. You told me that! Pero bakit may iba? Bakit parang ako yung nakikihati? Bakit? Bakit ganon?!" Halos magmakaawa ako at lumuhod sa kaniya para sabihin sa akin na ako ang mahal niya.

Ngumisi siya at bahagyang napailing. "I think that's your illusion, Cyone. When did I tell you that, huh?" Yun ang sagot niya sa tanong ko na mas lalong nagpadurog sa akin.

"Alam ko! Pinadama mo! Kahit...kahit alam kong ginawa mo akong rebound!  Alam ko...alam ko na minahal mo ako! Sinabi mo sa akin na malapit na... na makakalimutan mo na siya pero bakit ganon parang wala namang nangyari!" Nanghina ako at naupo sa malamig na sahig dito sa parking lot. Yumuko ako at doon humagulhol. "Pinadama mo, bakit mo ako pinaniwala na totoo yun? Ang unfair! Ngayon sinugod ko lang siya dahil nakikipagkita siya sayo habang tayo pero para kang bodyguard niya at baliw na baliw na bumalik para lang hindi ko siya masaktan! You protect her and abandoned me!" Naghina ako sa huli salita na binitawan ko.

"You know na walang tayo diba, Cyone? Galing na sayo na rebound kita. And you will stay that way." Malamig niya tugon.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya at natawa. Para akong tanga na tumatawa. Why I am so desperate?  Dapat tinanggap ko na noon pa na hindi niya talaga ako mahal at hindi magiging babae na papahalagahan niya.

"Right. Sino ba ako kay Triston Conor Montoya? A bitch who is willing to give her all. Body and heart. Ang desperada ko ba, Triston?" Umiiling na tumayo ako. This is the last time. "Thank you, really. Grateful ako na nakilala kita at naramdaman ko na I am not alone kahit peke. Salamat sa white lies. That's it." Now, I realized that hindi dapat pinipilit ang sarili sa mga tao na walang ibang gustong gawin ay gamitin ka at saktan ka ng paulit ulit.

Hindi siya umimik o ano kaya sa tingin ko tapos na talaga. I walked away and never looked back. He didn't even tried to stop me anyway.

That's right, Cyone. Move forward for yourself.





Fragmented Scintillating Star Where stories live. Discover now