CHAPTER 28

843 36 0
                                    

Cherafhel

"Nay! Tay!"

Mahigpit na sinalubong ako ng yakap nila Nanay at Tatay nang makapasok ako sa bahay namin. Kararating lang namin ni Seb. Ngayong araw yung plano namin na bisitahin sila Nanay at Tatay dito sa bayan.

"Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka ngayon anak? Sana nakapag handa kami kahit konti." Saad ni Nanay nang kumalas sila sa pagkakayakap.

Nakangiting umiling ako. "Ayos lang Nay. Hindi niyo naman kailangang maghanda para sa akin. Mamaya ako ang magluluto para sa inyo. Miss na miss ko na kayo."

"Miss ka na din namin ng Nanay mo, anak." Puno ng suyo ang boses ni Tatay.

"Siya nga pala Nay, Tay. Nasaan si ate?" Tanong ko sa kanila.

Ngunit sana hindi ko nalang yun tinanong dahil nawala ang ngiti sa mga labi ng aking magulang. Nawala tuloy ang kasiyahan na naramdaman ko. Gusto ko pa naman sana siyang makita dahil may pasalubong ako sa kanya. Pero alam ko namang mangyayari ito. Inaasahan ko na ito.

Tipid ang naging ngiti ni Nanay. "Simula nung dumating ang empleyado na kinuha para sa atin ni Sebastian, hindi na niya ako tinutulungan sa tindahan. Hindi pa man nagigising ang manok ng ating kapitbahay, wala na siya sa bahay. Nalalaman lang namin ng Tatay mo kapag gising na kami."

Bumuka ang bibig ko upang magsalita ngunit wala akong makapang salita na sasabihin sa kanya. Even I don't ask, I know mom and dad are worried. Halata naman sa lungkot ng kanilang mukha at kislap ng kanilang mga mata.

"Pero ayos lang yun anak. Malaki na ang ate mo. Kaya na niyang gawin ang gusto niya. Alam na niya ang tama at mali."

Gusto kong mag proptesta sa sinabi ni Tatay dahil hindi ako sigurado. Oo, alam ni ate kung ano ang tama sa mali. Pero kapag kasama niya ang kanyang mga barkada, baka hindi na siya makapag isip ng tama at gagawa nalang sa ayon niya.

Bagaman nalulungkot ay pinilit ko paring ngumiti sa kanila. "Wag na kayong malungkot. Tama si Tatay. Malaki na si ate. Samahan niyo nalang akong kumain."

"Teka, hindi mo ba kasama si Sebastian?" Pahabol na tanong ni Tatay.

Umiling ako. "May inasikaso siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Mamaya pa niya ako susunduin para sabay kaming pumunta sa Isla."

Napatango-tango silang dalawa bago kami naglakad patungong kusina. Inihatid lang talaga ako ni Seb dito dahil wala naman akong ibang sasakyan. Mabuti nalang at naabutan pa namin si Nanay at Tatay dito bago sila pumunta sa kani-kanilang trabaho.

Saktong hindi pa kumakain sila Nanay kaya ako ang nag presentang magluto ng agahan para sa kanila. Pinaupo ko lang sila habang ako ang umaasikaso. I miss doing this with my parents. Iba pa din talaga kapag kasama ko ang aking pamilya. Gayun nga lang, hindi kami kompleto.

Kapag nasa condo naman ako ay tinapay at kape lang ang kinakain ko dahil kailangang maging maaga ako sa trabaho. Minsan pa ngang pinagalitan ako ni Seb nang malaman niyang konti lang ang kinakain ko tuwing breakfast.

Kaya siguro palagi niya akong pinapaalalahanan na kumain ng marami kapag lunch. Alam kasi niyang konti lang ang kinakain ko tuwing umaga.

I prepared longganisa and piniritong tilapia with creamy coffee for mom ang strong coffee for dad. Dahan-dahan kong inihanda ito sa harapan nila para makakain na sila.

"Ikaw anak? Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Nanay matapos ko silang pagsilbihan.

"Mamaya nalang Nay. Busog pa naman ako. Kamain kasi ako kanina sa buong biyahe namin."

"Mabuti kung ganun. Mukha ka kasing pumayat anak." Tugon naman ni Tatay dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Pumayat ba ako? Parang hindi naman." Pinasadahan ko pa ng tingin ang aking katawan kong pumayat nga ba ako.

Black Mafia 8: Sebastian EnriquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon