Prologue

0 0 0
                                    

"Hoy babae! halika *hik* dito! kundi malilintikan  *hik* sa'kin."

"Pa, ginagawa ko pa po assignment ko."

"Aba! *hik* sumasagot ka pa ha?! Kapag sinabi kong halika dito, pumunta ka!"

pakkk

Wala na. Tumulo na ang luha ko. Sobrang sakit ng pagmamaltrato sa akin ng papa ko, pero wala akong pinagsabihan. Sa akin na lang kung gaano kasakit, wala tayong magagawa. Dahil sa'kin namatay ang mama ko, dahil sa'kin naging lasenggo ang papa ko. Bakit ang unfair ng buhay?

Ngumiti ako ng mapait. Kahit may gagawin pa akong assignments, sinunod ko na lang ang utos ng tatay kong lasenggero. Mamaya magkapasa nanaman ako, wala na akong maisip na dahilan sa bestfriend ko kung nagkataong makita nya 'to.

"Ano po bang iuutos niyo papa?"

Aniya ko habang papalapit sa'kanya.

"Wala kang karaparatang *hik* magtanong! Hindi kita anak kaya pwede ba!"

booogsshh

Isang malutong batok ang nakuha ko. Yun ang dahilan kung bakit nauntog ako sa matigas na pader ng bahay. Unti unting nanlalabo ang paningin ko. Kinapa ko ang likidong mainit na umuusad sa noo ko. Nabigla ako ng makita yun. Dumudugo nanaman, ano nanamang idadahilan ko neto? Hays.

Kaagad akong tumayo. Kahit nahihilo ako dahil sa sugat na natamo ko. Mamaya madagdagan nanaman eh.

"O-opo."

"Ano nanaman bang ginawa sayo ng magaling mong ama! Namimihasa na siya Crys! Mygod. Magsusumbong na talaga ako kay daddy, kahit hindi mo sabihin nakikita ng mga kapitbahay ang pagmamaltrato sa'yo ng tatay mo!"

Talak ng talak nanaman ang bestfriend ko. Lawyer ang daddy niya at doctor naman ang mommy niya. Parehas kaming angat sa buhay, ngunit simula noong nawala ang mama ko, hindi na masaya.

Napansin kong may maliit na benda na ako sa noo at nakahiga sa puting silid.

"Anong ginagawa ko dito?"

Yan agad ang binungad ko sa nag-aalalang mukha ng bestfriend ko.

Unti unting lumambot ang mukha niya na kanina ay mukhang ready ng manapak.

"Same scenario. Sinaktan ka ng papa mo, nakita ng mga kapitbahay, tinawagan ako at sinugod ka namin dito. Mygod! Di mo alam kung paano mo 'ko pinag alala. Kung pumayag ka na tumira sa bahay namin edi hindi ka na magkakaganyan! Pamilya mo na kami Crys, naawa na ako sa lagay mo."

Huminga ako ng malalim. Bakas sa mukha ni Kate ang pag aalala. Mabait ang pamilya nila Kate, but sobra sobra ang tulong na binigay nila sa'kin.

"Hindi pwede Kate, malaki na ang naitulong niyo sa akin pero kailangan din ako ng papa ko. Siya ang nagpalaki sa akin, malaki ang utang na loob ko sa kanya."

Nagbigay siya ng malalim na hininga. Alam kong suko na siya sa pagpilit pero makikita niyo, hindi pa din siya titigil.

"Okay Crystal, basta tawagan mo agad ako pag kailangan mo ng tulong okay?"

Tumango na lang ako bilang sagot.

PrologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon