2.
New home
"Crystal, andyan na sila."
Sinundan ko na lamang si sister Em. Kinakabahan ako, pero sabi naman ni Sister ay mababait sila.
"Mr. and Mrs. Benedicto. Magandang umaga sa inyo."
narinig kong pagbati ni sister suprema sa mag asawa.
Bahagya kaming pumasok sa opisina ni Sister suprema. Biglang akong napatingin sa mag asawa. Namangha ako sa ganda ng babae, wari'y isang dalaga at sa asawa niyang parang isang Model. Napansin kong teary eyed na siya.
"Siya ba, siya ba si Crystal Rae?"
Masayang sambit ng mag asawa.
"Opo Mrs Benedicto. Siya nga."
Sumenyas si sister na lumapit sa kanila. Naamaze pa din ako sa ganda ng lahi nila.
"Magandang umaga po Mr and Mrs Benidicto."
Ngumit sa akin ang mag asawa.
"Mommy at Daddy na lang ang itawag mo sa amin. Kami na ang bago mong pamilya, wala kaming anak na babae pero may anak kaming lalaki. I'm sure magkakasundo kayo, pero may sarili siyang condo kaya hindi natin siya makakasama, pero umuuwi naman siya kada friday."
Kwento sa akin ni Mommy ko daw.
Mayaman sila, marami silang business kaya't kung ano daw ang gusto ko ibinigay nila.
Naging comfortable na ako sa kanila. Ang saya nila kausap, feeling mo close talaga kayo.
Shaina Benidicto pala ang pangalan ng mommy ko at Alexander naman ang daddy ko. Parehas silang model at superstar. Halata naman sa kutis at pananamit.
"Ano palang buong pangalan mo iha?"
tanong ni Daddy.
"Crystal Krae Hockin po. Half mexican po kasi si mama ko, then si papa ko is half japanese."