Chapter 1

7.8K 150 40
                                    

CHAPTER 1: Kiss

Kasalukuyan akong naglalakad nang biglang may humila sa buhok ko.

“Aray!” daing ko.

“Buti nga sa 'yo!” sigaw niya.

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa buhok ko then, I immediately shifted my gaze at him.

“Aaron?” bulong ko.

“I'm not Aaron! Call me Ara!” he blurted out. Nagtatagis ang mga bagang niya dahil sa galit.

Ba’t ba galit na galit ang baklang ’to?

I slowly shooked my head, ramdam ko pa rin ang sakit dahil sa ginawa niyang paghila sa buhok ko.

“Ano ba’ng problema mo?!” inis na sigaw ko. Finally, I have the guts to yell back.

“Impakta ka kasi! Ang landi mo! Inaagaw mo sa akin ang James ko!”

Inaagaw?

“Wala akong inaagaw sa 'yo!”

“Nilalandi mo siya! You're a damn flirt, Anne!”

“I'm not a flirt! Kung may malandi man sa ating dalawa, ikaw 'yun Aaron!” iritang sigaw ko.

“Sinabi nang tawagin mo 'kong Ara, e!”

I rolled my eyes and plastered a playful smirk. “AARON!”

“ARA!”

“AARON!” patuloy na pang-aasar ko kaya muli niyang hinila ang buhok ko.

Hindi na 'ko nagdal'wang isip na labanan siya.

Now, this is the real war.

Nagsabunutan kaming dal'wa.

This is insane.

“Akin lang si James!” umuusok ang ilong na sigaw niya.

“Walang sa 'yo, Aaron! Bakla ka! Babae ako kaya talo ka!” buong tapang na sigaw ko at humalakhak kaya lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

“Mang-aagaw ka talaga!”

“Hindi ko siya inagaw sa 'yo! Kasalanan ko bang maganda ako at g'wapo ka—este bakla ka?”

“Ibalik mo siya sa akin! Akin lang siya!”

“E'di sa 'yo! Lamunin mo! Itali mo! 'Di ko siya inaagaw, kusa siyang lumalapit sa akin!”

“Dahil nga malandi ka!” muling sigaw niya na siyang ikinapikit ko dahil pakiramdam ko, maaalis na ang buhok ko sa anit ko dahil sa lakas niya.

“Aaron bitawan mo ang buhok ko, nasasaktan na 'ko.” I whispered, trying to lower my voice.

“Pasalamat ka at mabait pa ako,” usal niya at pinakawalan ako.

“Tse! Nakakaloka ka! Huwag na huwag kang magpapakita sa 'kin!” dagdag niya at tinalikuran ako.

Kasalanan ko ba kung ako ang bet ng bet niya?

Days had past, sa tuwing makikita ako ni Aaron ay lagi niya 'kong pinagtitripan. Minsan niya na 'kong tinapunan ng juice at spaghetti sa school at siyempre, ginagantihan ko rin siya.

Because why wouldn’t I?

For all I know, takot siya sa palaka kaya nilagyan ko ang locker niya ng fake frog at siyempre todo sigaw ang bakla.

I LOVE YOU AARONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon