What if

198 8 5
                                    

"What if?" Yan yung laging tanong na napasok sa isip mo sa tuwing naiisip mo sya.

What if nakapag-move on na pala sya, samantalang ikaw na-stuck up at mahal mo pa rin sya. What if may iba na sya at ikaw tong si tanga, este martir pala, e hinihintay at nagbabakasakaling babalik pa sya.

Pero what if mahal ka pa rin pala nya pero ang akala nya e nakapag-move on ka na kaya naisipan nyang mag-move on na lang din? O kaya vice-versa.

Mahirap. Mahirap yung puro tanong ang nasa isip mo. Hindi mo alam kung ano ba talagang gagawin mo.. Magmove-on o hayaan na lang tumibok ang puso mo para sa kanya hanggang sa kusa na lang na tumigil ito?

Halos maloka ka na dahil hindi mo alam kung san ka ba lulugar o ano ba ang dapat mong gawin.

Oo hindi ganun kadaling mag-move on at kalimutan na lang basta-basta ang taong naging dahilan na rin kung bakit naging makulay ang buhay mo.. NOON. Yung taong nagparamdam kung ga'no ka ka-espesyal at kahalaga. Yung taong minsan na ring nagparamdam sa'yo kung pa'no magmahal ng sobra.

Hindi mo alam kung may pag-asa pa ba, o wala na talaga. Paggising mo sa umaga, tulad pa rin ng dati, siya ang unang laman ng isip mo. Sinusubukan mong maging busy sa mga bagay-bagay para lang hindi mo sya maisip, pero once na mag-isa ka nalang at wala ka nang ginagawa, halos i-occupy nya ang buong utak mo kakaisip sa kanya. Nakakainis diba? Nakakabaliw, halos masabunutan mo na angsarili mo. E pa'no ka nga naman kasi makaka-move on kung hindi mo maburabura yung pictures nyo, lalo na ang mga huling sweet texts nya sayo? Chinecheck mo pa rin ang profile nya kahit inunfriend kana. Kase nga tanga ka, kase umaasa ka na baka maging okay pa. Na what if maayos nyo pa.

Tapos tuwing maririnig mo pa yung theme song nyo o kahit na anong love song, di mo maiwasang mag-reminisce. Maaalala mo lahat ng sweet moments nyo noon. Pakiramdam mo kasama mo sya. Yung feeling mo hawak-hawak nya yung kamay mo.. o kaya naman yakap-yakap ka nya. Ang sarap alalahanin diba? Mapapapikit ka pa habang dinadama yung bawat memories nyo. Pero ang masakit dun, ay ma-realize na wala na nga talaga at tanggapin na lang ang katotohanan sa pag mulat ulit ng mga mata mo.

Hinihiling mo na sana bumilis na yung oras. Lumipas na ang panahon para lumipas narin yung nararamdaman mo.. Ang hirap kasi eh. Yung may mga araw na ang saya-saya mo tapos sa susunod na araw, bigla mo na naman syang maaalala. Mahihirapan ka na namang huminga kase naninikip yung dibdib mo. Ang hirap nung pinipigilan mo yung sarili mo na kausapin sya kahit miss na miss na miss mo na sya, kase nga.... Tapos na. Yung pakiramdam mo ikaw lang yung nasasaktan at nahihirapan samantalang sya, masaya.

Siguro nga ganun talaga ang buhay..walang permanente. Lahat nagbabago.. kahit ang nararamdaman ng isang tao. Pero sa tingin ko kung totoo naman ang nararamdaman ng isang tao para sa'yo, diba hindi agad nawawala ito? Tama. Ganun nga, kaya nga hindi ka pa nakaka-move on sa kanya. Yung tipong isang linggo pa lang ang nakakalipas, nahihirapan ka na agad. Namimiss mo na agad sya. Gustong-gusto mo na syang makausap muli at sabihin na "Tayo na lang ulit". Diba mala-one more chance lang ang linya? Pero ang buhay ay hindi gaya ng mga teleserye o drama na laging may happy ending na babalik ang lahat sa dati.


Sometimes you need to accept the fact that certain things will never go back to how they used to be.

Just like you and him.

Tandaan mo, hindi natatapos ang buhay ng isang tao once na iniwan tayo ng taong mahal natin. May dahilan ang lahat ng bagay kung bakit ito nangyayari...

"Sometimes good things fall apart so better things can fall together. Every story has an end, but in life every end is just a new beginning."

What if (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon