Alfred is the guy whom I met last year. Sa sobrang pagkadesperada ko ay sinagot ko siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung anong masamang esperitu ang sumapi sa akin at sinagot ko na siya basta ang alam ko ay pagkagising ko ng isang araw ay mahal ko na siya.
" Sus, sigurado akong niloloko ka lang niyan Aida. Ni wala ka ngang impormasyon tungkol sa kanya eh. Ang alam mo lang ay mahal na mahal mo siya. Eh sa facebook mo lang yan nakilala ah." sambit ng kababata kong si Daniel sa akin.
Oo sa internet ko lang siya nakilala. Sa sobrang sweet niya mag salita ay nahulog ako sa kanya at dahil doon tuloy-tuloy na ang relasyon namin. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya kahit every Saturday lang kami nagkikita mukhang mabait naman eh.
" Tumigil ka nga diyan Daniel. Hindi ganyang klase si Alfred mas kilala ko siya kaysa sa yo at FYI alam ko ung pangalan niya at yun yung information ko sa kanya at mahal na mahal na mahal niya ako. Inggit ka lang kasi wala ka kasing lovelife"
" Hah sinong niloloko mo ni ikaw nga tong hindi makaramdam."
" Anong hindi ako makaramdam yang pinagsasabi mo"?"
" Ah wag mo akong intindihin. O ayan na pala ang mokong, sige mauna na ako Aida."
" Sige ingat!"
Lumipas nga ang panahon at kami pa rin ni Alfred. Hindi man siya nakakasipot sa usapan namin ay nagtetext naman siya. Pero alam kong may mali eh. Nararamdaman ako. Paano kaya kung tama ung sinasabi ni Daniel? Ah, basta bahala na si Batman. Tiwala na lang. Sabado na naman ngayon at nag-promise sa akin si Alfred na magkikita kami ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na siya.
" Pasensiya na Aida ha? May hinabol lang kasi ako."
" Ah okay lang yon. So an....."
bzzzzzzzzzzzzzzzz! bzzzzzzzz!
" Sandali lang ha? Sasagutin ko lang to."
".......oo alam ko....akong bahala.........konti na lang basta mag-relax ka lang diyan.....O sige....magkita na lang tayo....."
Hindi ko alam kung sino kausap niya. B akit may iba yata akong nararamdaman?
" Ah kailangan ko nang umalis Aida eh. May pinanalolo....ah I mean may pinagagawa pa sa akin. May mali daw ung ginawa ko. Mauna na ako. Bye! "
Hindi na ako makatanggi kasi tumakbo na siya. Nung paalis na ako, hinabol sa akin ng waiter ung bag. Bag siguro to ni Alfred. Kukunin ko na lang. Nung nakauwi na ako hindi ko maipaliwanag ang nakita ko sa bag niya.
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most (one shot)
Short StoryYou can't expect the unexpected things that may come up.