Sa Kaharian Daylight
Ngayong araw ay isisilang ng mahal na Reyna Hannah ang kaniyang panganay na anak na lalaki.
"Mahal na Reyna umirie pa po kayo malapit na po"saad ng kumadrona ng mahal na Reyna.
"Ahhhhhh Ugghhhhh"eri ng mahal na Reyna.
Sa huling pag eri ng mahal na Reyna ay lumabas na ang lalaking sanggol.
"Uwwwaaaa uwaaaaa"iyak ng sanggol.
"Mahal na Reyna lumabas na po ang inyong anak"saad ng kumadrona.
Ibinigay ng kumadrona ang sanggol sa Reyna.Ng makita ng mahal na Reyna ang kaniyang anak hindi niya mapigilan na ngumite.Pumasok ang mahal na Haring Zedrick sa kwarto nila ng kaniyang asawa upang tingnan kung tapos na manganak ang kaniyang asawa.Ng makalapit ang mahal na Hari sa kaniyang asawa nakita niya ang kaniyang anak na natutulog.
"Mahal ano ang gusto mong ipangalan sa ating anak?"tanong ng mahal na Hari sa kaniyang asawa.
"Ano nga ba ang ating ibibigay sa ating anak,hindi ko alam kasi kamukha niya si Goddess Aphrodite pero lalaki ang ating anak?"tanong naman na nagugulohan ng mahal na Reyna.
"Oo nga,para sure ipangalan nalang natin kay Goddess Aphrodite."saad ng mahal na Hari.
"Sige,Aphrodite Ashley Daylight"saad ng mahal na Reyna.
"Napaka gandang pangalan."saad ng hari.
Ilang minuto may nakita silang portal na kulay gold at lumabas ang mga Gods and Goddesses.At ang panghuli ay may gintong buhok na may korona na kulay puti at may mga diamonds na iba't ibang kulay at nakasuot ng gintong gown.Ito ay walang iba ang Goddess of Everything na si Elena.
Nang makita ng mahal na Reyna at mahal na Hari ang mga Gods and Goddesses yumukod sila tanda ng paggalang.
"Bakit kayo nandito mga Gods and Goddesses?"tanong ng mahal na Hari.
"Nandito kami upang basbasan ang inyong anak."saad ng Goddess Kim.
"Salamat dahil babasbasan niyo ang aming anak."saad ng mahal na Reyna.
"Walang anuman"saad ni Goddess Elena."Simulan na natin ang pagbasbas.
"Ako ang Goddess of moon ay ibinibigay sa iyo ang kalahati ng aking kapangyarihan"saad ni Goddess Kim.
"Ako ang God of Sun ay ibinibigay sa iyo ang kalahati ng aking kapangyarihan"saad ni God Shan.
"Ako ang Goddess of star ay ibinibigay sa iyo ang kalahati ng aking kapangyarihan"saad ni Goddess Zandra.
"Kami ang Gods and Goddesses of elemental ay ibinibigay sa iyo ang kalahati ng aking kapangyarihan."saad ng God of Fire na si Fireo,Goddess of Water na si Wateria,God of Earth na si Earl,Goddess of Air na si Aerio,God of Ice na si Iceo,Goddess of Witch na si Allysa, at God of lightning na si Leo.
At ang panghuli.
"Ako si Elena Goddess of Everything ay binibigyan ka ng busilak na puso,mapagkumbaba,matulungin sa kapwa at mapagmahal sa lahat.At ibinibigay ko sa iyo ang aking Ancient Guardian at ang kalahati ng aking kapangyarihan."saad ni Goddess Elena.
Biglang lumiwanag ang katawan ni Aphrodite ng Rainbow color pero may halong gold at biglang naging violet ang kaniyan mata na may iris na gold at biglang naging violet ang kaniyang buhok pero bumalik rin sa dati nitong kulay na light brown.
"Paano mag papaalam na kami"saad ni Goddess Kim.
"Maraming salamat sa inyong basbas at ang ibinigay ninyo sa aming anak."saad ng mahal na Hari.
"Walang anuman,sige paalam."saad ni Goddess Elena.
Bigla na lang nawala ang mga Gods and Goddesses.
"Booooooooom"tunog ng pagsabog.
Nang marinig ng mahal na Hari ang pagsabog ay kaagad siyang nagpaalam sa kaniyang asawa upang tingnan kung anong nangyari at may biglang sumabog.
Sa pagkalabas ng mahal na Hari sa kaniyang silid ay may nakita siyang kawal na papalapit sa kaniya kaya tinanong niya ito.
"Ano ang nangyari at may narinig akong pagsabog?"tanong ng mahal na Hari.
"Umaatake po ang inyong kapatid kamahalan."saad ng kawal.
Nang marinig ng mahal na Hari ang sinabi ng kawal ay nagmadali siyang pumunta sa silid nila ng kaniyang asawa.Nang makapasok ang mahal na Hari ay kaagad siyang lumapit sa kaniyang asawa.
"Mahal sinusugod tayo ng aking kapatid na si Zef"saad ng mahal na Hari.
Nang marinig yon ng mahal na Reyna ay agad niyang pinatawag ang kumadrona na si Thes.
"Thes kailangan mong dalhin sa mundo ng mga mortal ang aking anak dahil mapapahamak siya dito dahil siya ang pakay ng kapatid ng mahal na Hari."saad ng mahal na Reyna.
"Masusunod po mahal na Reyna."saad ni Thes
Agad na binigay ng mahal na Reyna ang kaniyang anak.
"Mag iingat ka aking anak."saad ng mahal na Reyna at hinalikan sa nuo ang kaniyang anak.
Agad na gumawa ng portal ang mahal na Reyna.
Agad na pumasok si Thes kasama ang anak ng mahal na Reyna na si Athena.
Sa Laban ng Mahal na Haring Zedrick at ang kaniyang kapatid na si Zef.
"Aking kapatid ibigay mo sa akin ang aking pamangkin upang wala ng gulo."saad ni Zef.
"Hindi ko ibibigay sayo ang aking anak magkamatayan man tayo."saad ng mahal na Hari.
"Wla na akong magagawa kundi ang kalabanin ka aking kapatid"saad ni Zef.
At nagpakawala ng dark ball si Zef na agad iniwasan ng mahal na Hari.Nagpakawala ng light ball ang mahal na Hari iniwasan din iyon no Zef pero napurohan siya kaya agad niyang hinugot ang kaniyang espada sa kaniyang tagiliran at iniwasiwas papunta sa mahal na Hari na agad din naman na binunot ang kaniyang espada sa kaniyang tagiliran at sinalag ang espada ni Zef at nag right step ang mahal na Hari at iwinasiwas papunta sa tagiliran ni Zef na agad naman na tamaan ng mahal na Hari.Biglang nag back step ng tatlong beses si Zef at binato niya ng dark ball ang mahal na Hari na hindi naman naiwasan kaya tumilapon ang mahal na Hari.
"Hindi pa tayo tapos babalik ako at papatayin kita kasama ng Reyna at ang inyong anak."saad ni Zef at bigla siyang naglaho.
Kaya naman tumayo na ang mahal na Hari at pinuntahan ang kaniyang asawa.Ng makita niyang okay lng ang kaniyang asawa agad niya itong tinanong.
"Mahal nasaan ang ating anak?"tanong ng mahal na Hari.
"Pinapunta ko sila kasama si Thes sa mundo ng mortal upang malayo siya sa kaniyang kapahamakan."saad ng mahal na Reyna
Alam niyang magiging delikado ang buhay ng kanilang anak kaya ipinadala niya ito sa mundo ng mga mortal.
Alam din iyon ng mahal na Hari kaya pumayag na rin siya kasi para din iyon sa kaligtasan ng kanilang anak.

YOU ARE READING
The Cultivation Of The Strongest Gay
FantasyAko ay si Athena Aphrodite Frost isa akong bakla pero mukha akong babae dahil maputi,matangos ang ilong,mahahabang pilikmata,sexy ang aking pangangatawan at ang aking mapupulang labi. Gangster princess/prince,and mafia princess/prince. Paano kung ma...