Prologue

29 3 2
                                    

" OKAY GUYS I HAVE A VERY IMPORTANT ANNOUNCEMENT"

sigaw ni Boss Xian habang naglalakad ng pabalik-balik sa pwesto namin.Kasalukuyang naka off-queue ang aming mga computer para hindi kami pasukan ng anumang tawag habang nakikinig kami sa announcement. Lahat kami ay sinusundan lang ng tingin si Boss Xian at wala ni isa sa amin ang nagbalak na magsalita. Tumigil siya banda sa harapan ko bago siya tumuloy sa pagsasalita niya,

"For your safety purposes, you guys will be working at home temporarily or until further notice", aniya. Bahagya akong napangiti sa sinabi niyang 'yon. Tama, mas maganda na 'yon dahil convenient and safe 'yon para sa lahat.

"But, for the trainee that we have here, Shay" and then he pointed me out. Lahat sila ay napatingin sa akin, umiwas ako ng tingin at tinignan ko na lamang ang computer sa harapan ko, nakakailang kasi talaga sa pakiramdam kapag maraming nakatingin sayo

"Since you are still under the training program, you will be working with Adam, and you guys will live under the same condo unit so that he can train you" Nang sinabi 'yon ni Boss Xian, literal na nanlaki ang mga mata ko, what the fuck? Work from home nga eh, di ba dapat nasa bahay lang ako? Why on Earth would I live in the same unit with that conceited teamleader?

Okay lang sana kung approachable siya, eh kaso hindi eh. Mas masungit pa yan sa mga babaeng may menstrual cycle.

" Sir okay lang naman po na dito nalang po ako magwork sa site, sanay naman po akong magbyahe" I insisted. Pero he just shook his head.

" You will be working with Adam, we already paid for the condo unit that you guys will be using. Saka maganda na 'yun, mas matututukan at matuturuan ka ng maayos kapag magkasama kayo", he replied firmly.

"Tama, para 'matutukan' ka ng mabuti" rinig kong hirit ng isang tenured agent na nasa kabilang desk. Napairap nalang ako sa sinabi niyang 'yon. What the hell is that?

Hindi ko alam kung magpa-file na ba ako ng resignation ngayon palang dahil ayoko talaga ng makakasama ko, pero kailangan ko ng trabaho eh. Not really that I need it, but since I'm still waiting for my scholarship grant, nag-apply nalang ako to turn my busy-waiting into productive-wating. At least kahit papaano kikita ako ng pera para makatulong ako sa bahay or para may funds din ako na magagamit ko sa future. At isa pa, seasonal account lang naman 'tong na-applyan ko. Until the end of February lang. So hopefully that time, approved na siguro ang scholarship ko at makakahabol ako sa second semester. Bahala na.

" A-ahh s-sir, wala na po bang iba na pwede kong makasama sa condo? I mean, trainer sir hehe" I asked shyly na halos pabulong na dahil nahihiya na talaga ako.

" I thought you want to live with me?", muntik akong mapatayo nang marinig kong magsalita si Adam, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. " Live with you? ano ka chix? tumira ka don mag-isa, 'TL' " I replied. Sabi ko na nga ba, pagtitripan nanaman ako nito. " okay. it's up to you, then. live with me or leave the job. Goodluck finding one" He answered back and then he left.

Napatingin ako kay Boss Xian, umiling-iling lang siya.

" Puntahan mo ko sa office mamaya para makuha mo na 'yung duplicate key sa condo niyo. I'm not giving you further choices. Trainee ka palang dito and you need to be trained by your teamleader- approving on this might help you maintain your spot in this company"

He narrated and he started walking away.

"Okay guys, you may now go back on queue, thank you!

That moment, I knew, this is hell. I have to answer this call.

I Was Trained To Answer CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon