CHAPTER 1

46 8 18
                                    


REMINDERS:

WALA PO AKONG ANY INTENTIONS TO GIVE BAD THOUGHTS ABOUT PROFESSIONAL WORKS at lahat lang po ito ay KATHANG ISIP LAMANG.

Kung meron mang pangalan ng tauhan, lugar, o pangyayari na pareho sa kwento ko at sa inyo ay hindi ko po ito sinasadya at nagkataon lamang.

JAYN'S POV

I was staring in my ceiling, trying to analyze things that trying to bother me. Like the environment, the people that judging me because of my looks, because of my.. my status in life. I'm already used to it, but I just can't help myself to think it.

Choz.

Napa english ako dun ha! HAHAHAH

Di talaga ako madrama, inenglish ko lang para may pa intro.

Andito ako ngayon nakaupo. Naghihintay ng pagkain, alam niyo mahirap kami. Ganyan talaga. Minsan may makain, minsan wala. Si ate kang kasi ang may trabaho sa amin. Ako nag-aaral. Pangalan ng ate ko? RAYN MALASANAS, waiter sa umaga, prostitute sa gabi.

Choz.

Minsan wala yang trabaho sa gabi minsan meron. Hindi niya kasi sinsabi. May tinatagong sikreto siguro to.

*BROOOGSHHH*

Tunog yan ng tyan ko pag gutom.

"Ate sure na? Wala na talaga tayong makakain?" tanong ko

"Hindi ko pa alam Jayn, hays."

'Hays, mamatay na siguro ako nito bukas.'

Hindi na ako umimik, bala siya diyan. Kunwari galit ako, hehe.

So ayun na nga, simple man lang ang buhay namin, mahirap nga kami pero hindi sobrang hirap, patay na yung nanay at tatay namin.

'Juskoo ang aga-aga iniwan agad kami, edi ngayon mukha kaming timang dito ni ate na naghihintay na dalhan kami ng pagkain. Choz baka bumangon yun.'

"HOY KINAKAUSAP KITA HA?!"

Nagulat ako sa sigaw ni ate.

'Panong gulat be? Eto oh "😯".'

"Ano ba? Nagmomoment nga ako dito para mawala ang gutom ko pagkatapos iingay-ingay ka diyan!"

'Pektusan ko kaya 'yang bibig mo?!'

Pero syempre sa isip ko lang 'yun mabait ako eh, hehe.

"Tinatanong kita kung ano oras pasok mo bukas?" Ate

'Bahala siya diyan, gutom ako, wala ako sa mood makipag tahol sa kanya.'

Btw, ayun nga, single pa naman ako, gusto ko ng magkajowa pero hindi ako ready sa commitment. Ano daw? Basta yun na yu--

SHEMSSS! 12:00 a.m na, may pasok pa ako bukas--- Ay mamaya pala!

"Ate pasok na ako sa kwarto, may pasok pa ako mamaya."

"Geh."

Ayun dali-dali akong pumasok sa kwarto at hiniga agad ang katawan ko, kahit gutom.

>>>>>K I N A B U K A S A N<<<<<

Napadilat ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, kahit naman mahirap kami, may alarm clock ako no.

Hindi ko to binili, actually..ahmmn.. sasabihin ko ba? Ahmmmm.. ninakaw ko lang to sa mall eh hehe. Buti nalang wala yun cctv tas ang guard tulog edi nakuha ko hehe, babayaran ko nalang yun pag naging mayaman na kami.

Keeps Forgetting Memory(ON - GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon