REMINDERS:WALA PO AKONG ANY INTENTIONS TO GIVE BAD THOUGHTS ABOUT PROFESSIONAL WORKS at lahat lang po ito ay KATHANG ISIP LAMANG.
Kung meron mang pangalan ng tauhan, lugar, o pangyayari na pareho sa kwento ko at sa inyo ay hindi ko po ito sinasadya at nagkataon lamang.
THIRD PERSON POV
Kasalukuyang nasa lumang bodega ang mga armadong lalaking nagpaputok ng bus na sinasakyan nina Jayn. Dito na agad sila dumeretso kasi dito ang napag-usapan ng boss nila na lugar kung saan sila agad magkikita.
Wala pa ang boss nila at ayun ang pinagtataka nila. Kapag may mga ganitong pagpupulong pagkatapos ng misyon nila ay ang boss nila ang palaging nauuna.
Ngunit ipinagsawalang-bahala nalang nila ito sapagkat marami ring inaasikaso ang boss nila maliban dito.
Ilang minuting katahimikan ang namayani sa loob ng bodega pero naputol ito ng may mga narinig silang yabag ng takong na alam nilang papunta sa kanila. Batid nilang babae ito kasi nakikita nila sa gilid ng mga mata nila ang kurba ng katawan nito, ang mapuputing binti at mahahabang buhok na nagpaganda dito.
Tiningnan na nila ito pero hindi na sila nakapagsalita dahil isa-isa na silang pinaputukan ng babae ng kanyang baril. Sa magkabilang kamay ng babae hawak niya ang baril at binaril niya ito sa mga lalaki ng walang mintis. Lahat sila ay napatumba ng babae at wala ng malay.
Napangisi ang babae sa nagawa niya. "A piece of cake.", iyan ang sabi niya sa isip niya.
JAYN'S POV
Nagising na lang ako dahil sa ingay ng naririnig ko sa labas. Batid ko'y mga chismosang nurses ito na nag-uusap. Pero hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Malaking trauma iyon para sa aming lahat.
'Ikaw ba naman pagbabarilin tingin mo masaya yun?'
Bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang napakapangit kong ate.
May dala-dala siyang supot na sa tingin ko mga pagkain to.
'Yayamanin ah!'
Inilapag niya muna ito sa mesa sa harapan ng kama ko at lumapit sa akin.
"Okay ka na?" tanong niya na bakas ng pag-aalala sa mukha niya. Binigyan niya rin ako ng orange at mansanas at tinanggap ko naman ito.
Tango na lang ang nasagot ko habang ngumunguya ng orange na nabalatan ko na at ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago siya nagpalabas ng malalim na hininga.
"Muntikan ka na dun Jayn. Juskong paaralan to, hindi man lang tiningnan kung sino ang kinukuhang driver!"
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
"Ang driver niyo. Kasabwat sa mga taong nagpasabog sa bus niyo. Jusko! Eh paano ba kayo nakaalis dun? Ang sabi ng mga polisya nakahiga daw kayo sa damuhan sa gilid. Para pa ngang nag su-sun bathing kayo dun. Ano bang nangyari?" mahinahon niyang tanong sa akin.
"Hindi ko alam. Basta bigla nalang may humarang sa aming mga armadong lalaki at pinagbabaril kami. Gumewang gewang ang kotse at nabunggo sa isang puno. Yun lang yung naalala ko."
"Tsk. Hays, ayun dahil sa mala drama niyo pagkabunggo, edi natigil ang trip niyo."
Mabuti na nga 'yun. Ayaw ko rin ng trip eh. Kung aksidente pala ang maging rason para matigil ang trip, aba magpapakasagasa ako araw-araw.
Nagpaalam na muna si ate dahil may trabaho pa daw siya pero bago siya lumabas, may tinanong muna ako sa kanya.
"Ate, hindi naman sa mala coma yung nangyaring aksidente sa akin, pero hanggang kailan ako nakatulog?"
BINABASA MO ANG
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
Художественная прозаEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...