REMINDERS:
WALA PO AKONG ANY INTENTIONS TO GIVE BAD THOUGHTS ABOUT PROFESSIONAL WORKS at lahat lang po ito ay KATHANG ISIP LAMANG.
Kung meron mang pangalan ng tauhan, lugar, o pangyayari na pareho sa kwento ko at sa inyo ay hindi ko po ito sinasadya at nagkataon lamang.
WARNING: THERE ARE SOME SCENES DITO NA HINDI ANGKOP SA IILAN LALO NA SA MGA KUMAKAIN. KUNG MADALI KAYONG MASUKA SA MGA SCENES NA DUGO HABANG KUMAKAIN, MAS MAINAM NA MAMAYA NIYO NA LANG BASAHIN.
THIRD PERSON POV
Andito ang lahat ng mga armadong lalaki sa harap ng bahay ni Jayn kasama ang kanang kamay ng boss nila. Nakatago sila sa damohan dito sa harap nila. Para silang mga sundalo na nakahiga at anumang oras ay aatake sila. Umaga na at kakapasok lang ni Jayn sa eskwelahan, pero isang tao pa ang naiiwan sa bahay nila.
ANG ATE NIYA, SI RAYN.
Ang plano ng boss nila ay pagbantaan ito sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya habang naglalakad. Patatamaan nila ito pero hindi nila ito papatayin.
Nakahanda na sana silang lahat sa pag-atake dahil mukhang lalabas na si Rayn pero isang matanda ang nakakita sa kanila na tinututok ang baril kay Rayn. Naramadaman nila ito kaya hindi nila tinuloy ang pagbaril kay Rayn bagkus ay tiningnan nila ng masama ang matanda na ngayon ay takot na takot na.
May mga dala siyang paninda: kendi, chichirya at marami pang iba.
Tumayo ang kanang kamay ng boss nila at nakapamulsang pinuntahan ang matanda na aatras aatras dahil sa takot.
"Pabili ho kami kendi." parang bata na sabi niya na dahilan para magtawanan ang lahat.
"I-ikaw? A-akala ko p-po guro k-ka?"
Binigyan lang siya ng ngiti ng lalaki at sinenyasan ang mga kasamahan.
Nabulabog ang lahat ng mga tao dahil sa putok na narinig nila at dahil yun sa pagtadtad ng baril ng mga armadong lalaki sa matanda.
Inakay nila ito at binabaril lahat ng nakakita sa ginagawa nila. Wala silang pagdadalawang isip na pasukin ang bahay nina Jayn kahit andun pa si Rayn.
JAYN'S POV
Magsisimula na ang klase pero eto ako, bagot na bagot. Pinag-aral lang kami ulit na parang walang nangyari, wow ha!
Papasok ako ngayon sa room namin at dinig na dinig ko na ang ingay sa labas. Mukhang nagkakasiyahan ata silang lahat.
'Konting respeto naman sa wala sa mood oh!'
Pagpasok ko ay kakaunti palang ang tao pero ang ingay parang isang baryo. Malamang isama mo pa lang si Luna(Vice-president) at Jericho(President) na nag-aasaran, ang iingay na.
'Wow ang tahimik mo Jayn!'
Hindi ko na lang sila pinansin at agad humanap ng mauupuan, sa sobrang lapad kasi ng room namin na mala-college ang room, sa harap na lang ang bakante. Edi no choice!
Etong room kasi namin may mga mahahabang mesa at dalawang upuan. Bali tatlong mesa sa isang row, may 10 row sa classroom na ito at habang papunta ka sa likod, pataas ito ng pataas. Meron ring malaking white board sa harap.
Umupo na ako at tsaka pinansak sa mga tenga ko ang earphones.
'Choz, wala pala akong earphones.'
Kinuha ko na lang ang notebook ko at nagdadrawing ng kung ano-ano habang nakatingin sa white board.
Napapansin ko naman na papunta dito sina Jericho at Luna sa akin pero hindi ko na sila pinansin.
BINABASA MO ANG
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
General FictionEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...