CHAPTER 1: DELA VEGA UNIVERSITY

80 3 6
                                    

[READ THE PROLOGUE FIRST BEFORE PROCEEDING TO THE NEXT PART FOR YOU TO HAVE A CLUE ABOUT THIS STORY]

A/N: All names of characters, scenes, places are all made of fiction and my wise imagination. Open for criticisms. I'm so sorry for the slow updates of this chapter-by-chapter story. This past few days, I experienced writer's block and became busy in real world matters. Always remember the golden rule for writers; 𝐃𝐎𝐍'𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐏𝐋𝐀𝐆𝐈𝐀𝐑𝐈𝐙𝐄 𝐎𝐑 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐒𝐄 𝐌𝐘 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘. Thank you for your continuous and endless support, enjoy reading!

Hello, ako nga pala si Trisha, 18 years old. A first year college student sa Dela Vega University rito sa Quezon City.

Pero bago ako napasok sa magandang unibersidad na ito ay dumaan muna ako sa isang maitim na landas, na kung saan dinala ako sa masamang bisyo.

Noong ako'y high school pa lamang ay nalulong na ako sa barkada; nag-iiinom, naggagagala at naglalakwatsa kasama sila.

Hindi ko namalayang napapabayaan ko na pala ang pag-aaral ko noong mga panahon na 'yon.

Ngunit nakatakas naman ako sa madilim na daan na 'yon sa tulong ng isang tao; isang tao na akala ko magdadala sa akin sa liwanag at tamang landas nang pangmatagalan, ngunit ibabalik din pala niya ako sa masalimuot at madilim kong nakaraan.

Siya si Vincent, nakilala ko noong high school pa lamang kami. Niligawan niya ako for how many years din, hindi kasi ako madaling ma-fall at ma-inlove sa isang tao dahil may trust issues ako.

Naging masaya naman ang relasyon namin ngunit lumipas ang mga taon ay unti-unti na siyang nagbago at tuluyan na akong iniwan sa ere.

Dahil sa ginawa niya, mas lalong lumala ang trust issues ko sa mga tao, kaya hindi na ako nagmahal pang muli.

Ngunit sa loob ng tatlong taon ay naka-move on ako sa kaniya.

Ngayong ikatlong araw ng Agosto ang unang araw ko bilang isang college student. Masasabi kong ang araw na ito nakaka-excite ngunit napaka-challenging dahil bagong journey na naman ang pagdadaanan ko.

Maraming nagsasabi na mahirap daw ang buhay-kolehiyo, dahil daw maraming pinagagawa at nakaka-stress pa ito sa mga buhay natin. Pero para sa akin, hindi siya mahirap. Dahil kung gusto mo talaga makapagtapos ng pag-aaral, lahat kakayanin mo. Mahirap man ‘yan o hindi, basta sa kinabukasan ng pamilya mo, kakayanin mo ito.

Mahimbing akong natutulog sa aking kʼwarto nang makarinig ako ng napakalakas na katok na nagmumula sa aking pinto.

“Anak, gising na. May pasok ka ‘di ba?” Napakamot ako sa aking ulo at napakunot ng noo. Si mama pala ito.

Dahil doon, napatingin ako sa aking cellphone upang tignan kung anong oras na.

Pagtingin ko sa aking cellphone.

“7am na?! Naku!” At saka ako biglang tumayo at tinignan si mama sa labas ng aking kʼwarto.

“Bakit ‘di mo ‘ko ginising, mama?” medyo inis na pagtatanong ko sa kaniya habang siya ay nasa tapat pa rin ng pinto.

“Eh kanina pa ako kumakatok dito, hindi mo naman ako pinapansin. May pagkain na doon sa baba,” sagot naman ni mama sa akin ngunit hindi ko siya pinansin bagkus bumaba na ako para makaligo.

Pagkatapos kong maligo ay para akong nakawala sa hawla sa sobrang taranta ko sa pag-ayos ng aking mga gamit.

“Mama alis na ‘ko. Uuwi rin ako mamaya,” pagpaalam ko kay mama dahil alam kong male-late na ako sa 9am class ko.

“Oh sige mag-iingat ka ah? ‘Wag kang maglalakwatsa,” tugon niya. Hindi na ako nakasagot dahil akoʼy nagmamadali na.

Napatigil ako at napabulong sa sarili.

“Wala pa rin silang tiwala sa akin. Nagbago na ako, hindi na ako katulad dati, na pabaya sa pag-aaral at nagbibisyo.” At saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Lakad, takbo ang ginagawa ko para lamang makaabot sa klase.

Papasok na sana ako sa gate ng aming paaralan nang matanaw ko si Kyla— bestfriend ko noong high school.

Magkaparehas kami ng unibersidad na pinapasukan, magkaiba nga lang kami ng kursong pinag-aaralan.

Pangarap niya maging doktor balang araw habang ako naman ay maging abogado.

“Oh, Kyla. Bakit nandito ka? Wala ka pa bang klase?” tanong ko sa kaniya.

“May klase na ako, pero nag-stay muna ako rito. Nag-baka sakali akong maabutan kita rito, wala akong kasabay papasok e,” sagot niya.

“Papasok ka na ba? Halika na, sabay na tayo pumasok,” pag-aya sa akin ni Kyla na pumasok naman kaya walang alinlangan akong sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang paligid ng unibersidad. Napakaganda pala rito at napakalaki nito— na siyang ikakamangha mo talaga.

“Ang ganda pala rito, Kyla. At, napakalaki rito!” namamanghang sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami sa corridor.

“Oo nga. Sigurado ako na kasing ganda ng unibersidad nila ang pagtuturo nila rito,” tugon naman ni Kyla sa akin nang nakangiti.

“Maganda naman siguro magturo rito. Dito kasi grumaduate ang mga kapatid ko, kaya rito nalang din ako pinag-aral ng mga magulang ko,” pag-kuwento ko sa kaniya.

“Ako hindi. Dito ako pinag-enroll dahil itong unibersidad lang daw na ito ang malapit sa lugar namin, kaya dito ako mag-aaral. Pero sa totoo lang? Ayaw ko talaga mag-aral dito, pinilit lang ako ng mga magulang ko,” pag-kuwento naman niya.

“Ah ganoʼn ba? Eh, saan ka ba talaga dapat mag-aaral ngayon?” tanong ko sa kaniya.

“Sa probinsya, doon kasi talaga ako lumaki, sa poder ng lola ko. Kaso, umuwi sina mama at papa galing abroad kaya napunta ako rito sa Manila,” sagot niya sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa relo ko.

“Hoy Kyla, 8:30am na pala. Bilisan na natin sa paglalakad, baka ma-late pa tayo.” sabi ko sa kaniya.

“Halika na!” sigaw niya at hinila ako at sabay kaming lumakad nang mabilis.

Maya-maya lang ay may isang lalaking patakbo kasabay namin, at nabangga kami nito.

“Ano ba ‘yan, hindi tumitingin sa dinadaanan, tss,” inis kong sabi.

“Hayaan mo na, bilisan mo nalang sa paglalakad para hindi tayo ma-late,” sagot niya at pinagpatuloy lang namin ang paglalakad.

CHAPTER 2, SOON.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE CAME BACK (ON-GOING)Where stories live. Discover now