TWO

8 1 1
                                    

[2] Palpak Again

Ailah

"Kailan ka pa natotong mag sinungaling sa akin Ailah ha?!" Napayuko naman ako, kung tinatanong nyo kung ano ang nangyayari aba di ko din alam dun kayo mag tanong sa kambing na may bangs.

Syempre joke lang,

"Akala ko ba ay may group project kayo, ang sabi saakin ng kaibigan mong si Perslie kanina ay kakagaling niya lang sa bahay ng lola niya at wala naman daw kayong group project." Nagulat ako at at napatingin kay mama, what?! Kinausap ni mama si Perslie, e bakit di ko naisip yun, bwisit naman oh. At talagang binuking pa ako ng babaeng yun, sa lunes ka sakin huhu.

"Pano mo nalaman ma?" Inis ko na tanong, di ko naman kasi to inakala, psh tanga mo talaga Ailah!

"Alam mo una palang duda na ako sayo nitong umaga, kaya para sure ay kinailangang kontakin yang kaibigan mo." Ay may talino din pala to si mama, walang duda sa kanya ko namana ang talino ko, exept sa nangyari kanina di lang talaga ako nag isip nun.

"Eh ma sorry na,"

"Di ko tatanggapin ang sorry mo pag di mo sinabi sakin kung saan ka nag punta, di ka naman siguro nag boypren at nakipag date kasi di ka naman marunong mag ayos ng sarili mo," ouch ma why so harsh, kahit wala akong ayos ganun ba ako kapangit para di mag ka boyfriend.

"Sabihin mo sakin ikaw ba ay gumawa nanaman ng kalokohan, iyang panaginip na yan? May niligtas kananaman ba? Napalpak ka nanaman ba?" Masakit din yun ah.

"Chill lang ma, pwede ba isa isa lang?" Pabalik kong tanong at itinaas pa ang kamay ko para kunware pinapakalma siya. Napabuntong hininga naman siya.

"Totoo ba ha?" Onti onti naman akong napatango hayst bakit ka ba tumango self, I guess the lie is over.

"Sinasabi ko na nga bang bata ka, kahit kailan talaga ay hindi ka marunong sumunod, ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan na yan ha?!." Aray ha, si mama kase kinurot ba naman ako sa braso.

"Ma naman eh." Akma ko pang tinatakip ang kamay ko at umaatras para di ma makurot pa, ikaw kaya lipat ko dito huhu masakit kaya.

Huminto naman si mama at suminghal, finally hassle over na din. Nakita ko naman ang pag irap ni mama, hala galit na huhu.

***

Finally ay matatapos na din ang aking pag hihirap sa bahay na to ang dami ba namang kalat, puro linis here linis there ata ang ginawa ko buong sunday. Eh di naman uso saamin ang salitang you're grounded kaya bilang parusa sakin ay pinalinis ako sa buong bahay.

Di lang yun, mukhang galit pa nga talaga si mama sakin kase hanggang ngayon ay di parin ako pinapansin.

"Ma alis na po ako." Paalam ko ngunit di parin niya ako pinapansin at nag patuloy lang sa ginagawa niya, ewan ko ano yan dahil may mga papel.

Gaya ng ginagawa ko bago pumasok ay kinikiss ko siya sa cheeks syempre sweet daughter kaya ako.

Umalis na ako at nag commute nalang papuntang school, pag pasok ko sa classroom ay natanaw ko naman si Perslie sa tabi ng upuan ko. Itong babaeng to ay may kasalanan pa saakin dahil binuking ako.

"Hoy bruha!" Bungad niya sakin, inirapan ko naman siya at umupo nalang sa tabi niya.

"May nalalaman ka pang group project group project dyan ha," aba pinapamukha pa talaga sakin yung pag sisinungaling ha, sige ka pano kung di kaya kita pansinin manigas ka dyan. Sa susunond na tatakas ako eh di na siya ang idadahilan ko noh, pero syempre di na ko tatakas nakakapagod kaya mag linis ng buong bahay.

"Ay anak ka ni tita! Haler mukha bang walang nag sasalita dito,"

"Ay dedma." Sabi niya pa ng di ko ulit siya pansinin, bahala talaga siya dyan. Hintayin ko nalang si Ma'am pumasok.

"Hoy Ailah, sorry na kasi, di ko naman alam na may kasintahan kana pala kaya ka tumakas, sayang may chika pa naman ako." Anong kasintahan pinag sasabi nito, mag e-inbinto na nga lang ng kwento may pa 'kasintahan' pang nalalaman.

"Anong kasintahan kasintahan ang pinagsasabi mo dyan, ikaw ang bruha!" Sagot ko sakanya, na broke tuloy ang plano ko na i ignore siya huhu. Eh kasi naman di ko din siya matiis eh.

"Yun naman pala e, mag sasalita ka naman pa. Syempre joke lang yun, sorry na kasi."

"Sige na nga, nakakahiya naman kasi sa chika mo."

"HAHAHA, sabi na gusto mo lang ng chismiss."

"Tse."

Natigil naman ang pag uusap namin ng dumating na ang teacher namin. Mamaya niya nalang daw sasabihin yung sasabihin niya pag lunch break na.

Nang mag lunch break na ay bumili kami ng lunch sa cafeteria at umupo sa   may vacant table dito.

"So yun na nga itutuloy ko na ang kwento." Pagsisimula niya at tumango naman ako. "Nung time kasi na nag sinungaling ka galing ako sa bahay ng lola ko nun."

Diniinan pa talaga yung sinungaling na word ah, pinapamukha siguro neto na liar ako, eh siya nga ilang beses na ako ginawang palusot sa mama niya e.

"Nag train ako pauwi that time, and alam mo ba may eksena dun sa station," bigla naman akong kinabahan, di kaya, di kaya---- no, it can't be. Sumenyas ako na ituloy niya, wala na curious lang.

"May nanakawan kase na babae, e may tanga tanga naman na tumulong," what?! Ako tanga tanga? No, baka coincidence lang na may same na nangyari din katulad nung ginawa ko. "Umalis kasi agad yung lalaki ata o babae na nag ligtas ng bag---este kumuha ng bag sa mag nanakaw basta di ko kasi nakita yung face niya, kaya ayun di niya alam wala namang important thing dun sa bag ng babaeng nanakawan, parang baliw sabi niya importante daw yung panyo niya."

What?! Literaly NGA NGA.

***

Short update lang di palda, joke. Sorry sa mga wrong grammars, spellings, typos at iba pa.

-G

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams Come TRUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon